NETANIAS
[Si Jehova ay Nagbigay].
1. Ikatlong binanggit sa apat na anak ni Asap na pinili ni David para sa paglilingkod sa santuwaryo bilang manunugtog. Sa 24 na pangkat, pinangunahan ni Netanias ang ikalima.—1Cr 25:1, 2, 12.
2. Isang Levita sa kalipunan na binubuo ng mga saserdote, mga Levita, at mga prinsipe na isinugo ni Haring Jehosapat noong ikatlong taon ng paghahari nito upang magturo ng kautusan ni Jehova sa mga lunsod ng Juda.—2Cr 17:7-9.
3. Anak ni Selemias at ama ni Jehudi, na bumasa ng balumbon ni Jeremias kay Haring Jehoiakim noong 625 B.C.E.—Jer 36:14, 21, 23.
4. Ang anak ni Elisama at ama ni Ismael na pumaslang kay Gobernador Gedalias.—2Ha 25:23, 25; Jer 40:8, 14, 15; 41:1-18.