SEMARIAS
[nangangahulugang “Binantayan ni Jehova”].
1. Isa sa mga Benjamitang mandirigma na bihasa sa paggamit ng kaliwa o kanang kamay na sumama kay David habang ito ay isang takas sa Ziklag.—1Cr 12:1, 2, 5.
2. Isang anak ni Haring Rehoboam, samakatuwid ay isang apo sa tuhod ni David.—2Cr 11:18, 19.
3. Isa sa mga anak ni Harim na nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak nang bumalik si Ezra sa Jerusalem.—Ezr 10:31, 32, 44.
4. Isa sa mga anak ni Binui na kumuha rin ng mga asawang banyaga ngunit nagpaalis sa mga ito.—Ezr 10:38, 41, 44.