UZEN-SEERA
[posible, Tainga ni Seera].
Isang lunsod na itinayo ni Seera na isang babaing Efraimita. Hindi binanggit kung sa anong diwa siya ‘nagtayo.’ Marahil ay malaki ang naitulong niya sa pagsulong at pag-unlad ng lunsod na ito at ng iba pang lugar na nakatala. (1Cr 7:22-24) Hindi matiyak kung saan ang lokasyon ng Uzen-seera. Gayunman, iniuugnay ito ng ilang heograpo sa Beit Sira, na mga 4 na km (2 mi) sa K ng iminumungkahing lugar ng Mababang Bet-horon at mga 21 km (13 mi) sa HK ng Jerusalem.