Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Zaretan”
  • Zaretan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Zaretan
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Bet-sean, Bet-san
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Zereda
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Zerera
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Distrito ng Jordan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Zaretan”

ZARETAN

Ito ay unang binanggit sa Josue 3:16, kung saan iniulat ang makahimalang pagtigil ng tubig ng Jordan “doon sa Adan, na lunsod sa tabi ng Zaretan.” Nang maglaon, ayon sa rekord, ang mga kasangkapang tanso para sa templo ay hinulma sa Distrito ng Jordan, “sa moldeng luwad, sa pagitan ng Sucot at Zaretan.” (1Ha 7:46) Dahil sa luwad na makukuha sa Libis ng Jordan, naging posible ang gayong gawaing paghuhulma ng tanso sa lugar na ito.

Yamang ang lugar ng Adan ay karaniwang ipinapalagay na nasa Tell ed-Damiyeh (sa S panig ng Jordan sa tapat ng pasukan patungo sa Wadi Farʽah) at yamang ang Sucot ay itinuturing na mga 13 km (8 mi) sa HHS ng Adan, ipinahihiwatig ng mga tekstong ito na ang Zaretan ay nasa K panig ng Jordan di-kalayuan sa Adan at Sucot. Ang taluktok na may taas na 82 m (270 piye) na kilala bilang Qarn Sartabeh, at tinatawag na “ang pangunahing palatandaan ng libis ng Jordan,” ay iminumungkahi ng ilan bilang ang malamang na lokasyon ng Zaretan. (Encyclopædia Biblica, inedit ni T. Cheyne, London, 1903, Tomo IV, tud. 5382) Ito ay nasa kabilang ibayo ng Jordan mula sa Adan, sa pasukan patungo sa Wadi Farʽah.

Gayunman, ang Qarn Sartabeh ay waring mahirap itugma sa deskripsiyon ng ikalimang administratibong distrito ni Solomon sa 1 Hari 4:12, na bumanggit sa “Taanac at Megido at buong Bet-sean, na nasa tabi ng Zaretan sa ibaba ng Jezreel, mula sa Bet-sean hanggang sa Abel-mehola hanggang sa pook ng Jokmeam.” Ang Qarn Sartabeh ay nasa mas gawing T pa kung ihahambing sa ibang mga lugar na nakatala sa 1 Hari 4:12 at wala sa “tabi” ng Bet-sean sa diwa na karatig nito. Sinikap ng The Jerusalem Bible na baguhin ang heograpikong pagkakasunud-sunod ng mga lugar na nakatala sa 1 Hari 4:12, at ang binanggit nito ay “buong Bet-sean sa ibaba ng Jezreel, mula sa Bet-sean hanggang sa Abel Mehola, na nasa tabi ng Zaretan,” sa gayo’y iniugnay nito ang Zaretan sa Abel-mehola sa halip na sa Bet-sean. Gayunman, yamang ang sinasabi ng ulat ay “buong Bet-sean,” walang alinlangan na isang rehiyon ang tinutukoy nito at hindi ang mismong lunsod ng Bet-sean. Kung ang Zaretan ay talagang may kaugnayan sa prominenteng taluktok ng Qarn Sartabeh, maaaring saklaw ng rehiyon ng Bet-sean ang kapatagang libis sa palibot nito at bumabagtas ito patimog hanggang sa isang lugar na mula roo’y makikita na ang Zaretan, sa gayo’y nagsisilbing isang hiwalay ngunit karatig na rehiyon.

Ang iba pang mga lugar na iminumungkahi para sa Zaretan ay nasa S ng Jordan at sa gayo’y waring hindi tumutugma sa konteksto. Sa mga paghuhukay sa isa sa mga iyon, ang Tell es-Saʽidiyeh, natuklasan ang napakaraming kagamitan na yari sa bronse (isang haluang metal na pangunahin nang binubuo ng tanso at lata), na maaaring magkumpirma sa lokasyon ng gawain ni Solomon na paghuhulma ng tanso sa kalakhang lugar na ito.

Sa ulat ng 2 Cronica 4:17, na katulad ng ulat sa 1 Hari 7:46, “Zereda” ang lumilitaw sa halip na Zaretan, anupat marahil ay ibang baybay iyon ng pangalang ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share