ZEREDA
1. Bayan ni Jeroboam na unang hari ng hilagang kaharian ng Israel. (1Ha 11:26) Ang tanging pagtukoy sa lokasyon nito ay ang pananalitang: “At naroon si Jeroboam na anak ni Nebat na isang Efraimita mula sa Zereda.” Karaniwang ipinapalagay na ito ay ang Deir Ghassana (sa pook ng Efraim) kung saan napanatili sa kalapit na bukal na tinatawag na ʽAin Seridah ang pangalan nito. Ang lugar na ito ay mga 25 km (16 na mi) sa TK ng Sikem.
2. Tinukoy ang Zereda na nasa “Distrito ng Jordan” may kaugnayan sa paghuhulma ng mga tansong kagamitan para sa templong itinayo ni Solomon. (2Cr 4:17) Ipinahihiwatig ng kaugnay na teksto sa 1 Hari 7:46 na ito rin ang Zaretan, anupat ang Zereda marahil ay ibang baybay ng pangalang iyon.—Tingnan ang ZARETAN.