ZERERA
Ayon sa ulat, habang tinutugis ng mga hukbo ni Gideon ang natalong mga Midianita, ang mga ito’y patuloy na tumakas “hanggang sa Bet-sita, sa Zerera, hanggang sa mga hangganan ng Abel-mehola sa tabi ng Tabat.”—Huk 7:22.
Sa dalawampung manuskritong Hebreo, “Zereda” ang mababasa sa talatang ito sa halip na Zerera. Yamang sa 2 Cronica 4:17 at 1 Hari 7:46, ang Zereda at Zaretan ay ginamit nang magkatumbas, may mga nagmumungkahi na ang Zerera at Zaretan ay iisa.—Tingnan ang ZARETAN.
Gayunman, upang maging posible ito, ang pananalitang “sa Zerera” ay dapat unawain na ‘sa direksiyon ng Zerera,’ yamang ang Zaretan ay waring nasa dakong T pa ng Abel-mehola. Kung hindi naman, kailangang ituring na ang Zerera ay nasa pagitan ng Bet-sita at Abel-mehola, at sa ganitong kaso, hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng Zerera.