Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 1/15 p. 3-4
  • Talaga Bang “Basta Kapalaran”?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Talaga Bang “Basta Kapalaran”?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Pagsusuri sa Kasamaan Mula kay Augustine Hanggang kay Calvin
    Gumising!—1987
  • Patiuna Na Bang Nakaguhit ang Ating Kinabukasan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Itinuturo ba ng Bibliya ang Paniniwala sa Kapalaran?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • May Panahon sa Lahat ng Bagay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 1/15 p. 3-4

Talaga Bang “Basta Kapalaran”?

“QUE sino ka man o anuman ang ginagawa mo,” anang namimighating lalaki, “puedeng mangyari sa iyo ang ganito.” Mga tipak-tipak na bato ang nahulog sa itaas ng isang gusali at tinamaan niyaon ang kaniyang kaibigan. “Kapalaran niya iyan,” ang malungkot na bulalas niya.

Subali’t tayo nga ba ay basta nakadistino sa kapalaran? Ang tanong na ito ay patuloy na nagiging isang hiwaga sa tao sa loob ng daan-daang taon na ngayon. Minsan ay binanggit ni Haring Salomon ang kaniyang namasdan: “Hindi ang matutulin ang nananalo sa takbuhan, ni ang malalakas man ang sa pagbabaka, ni sa mga pantas man ang tinapay, ni ang mga kayamanan man ay sa mga taong may unawa, ni ang mga paglingap man ay yaong mga may kaalaman.” (Eclesiastes 9:11) Bakit nga ganiyan?

Ganito ang paliwanag ni Salomon: “Ang panahon at ang di-inaasahang pangyayari ay dumarating sa kanilang lahat.” Subali’t marami ang naniniwala na ang Diyos ang nagpapasiya tungkol sa kanilang kapalaran. Halimbawa, marami ang nagtataguyod sa teoriya ng “predestinasyon” noong ika-16 na siglo ng teologong si John Calvin. May mga ibang klerigo naman na nagsasabing may itinalaga na ang Diyos na mga tao na maliligtas. Gayunman, ito’y humantong sa lohikal at nakasisindak na panghihinuha ni Calvin na ang mga tao raw ay itinalaga rin sa kapahamakan! Ang itinawag niya rito ay decretum horribile, o “ang kakila-kilabot na decreto,” ng Diyos.

Ang iba’y tutol sa ganiyang doktrina na sa Diyos isinisisi ang kasalanan. Subali’t sa pagtatangkang ibuwal ang pangangatuwiran ng “isang taong walang kabuluhan” na salungat sa kaniyang teoriya, si Calvin ay pagalit na tumugon: “Hindi nakikita ng kahabag-habag na taong ito na, sa pagsasamantala sa walang katotohanang mga pagdadahilan tungkol sa katarungan ng Diyos, sa ganoo’y kaniyang sinisira ang kapangyarihan niya.” Hindi maubus-maisip ni Calvin ang bagay na ang Diyos na makapangyarihan sa lahat ay may lubusang kaalaman na sa mga bagay bago pa mangyari.

Ang paniniwala sa predestinasyon o sa kapalaran ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa paraan ng pamumuhay ng isang tao. Subali’t talaga bang itinuturo ng Bibliya na tayo’y idinistino na sa ating kinabukasan, na tayo’y wala kundi mga biktima ng “kapalaran”?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share