Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 5/15 p. 4-7
  • Mga Tao ba ang Makapagsasaayos ng Lunas?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tao ba ang Makapagsasaayos ng Lunas?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Kasunduan ba ay Namamalagi?
  • Bahagi ng Ating Mapanganib na Panahon
  • Isang Maaliwalas na Kinabukasan Para sa Ating mga Anak
    Gumising!—1997
  • Digmaang Nuklear—Maiiwasan Kaya Ito?
    Gumising!—2004
  • Tunay na Kapayapaan—Saan Kaya Magmumula?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Ang Kaharian ng Diyos—Ang Tiyak na Lunas
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 5/15 p. 4-7

Mga Tao ba ang Makapagsasaayos ng Lunas?

SING-AGA ng ipinakikita ng kasaysayan, ang mga kasunduan ng mga bansa ay kalimitan sinisira dahilan sa mapag-imbot na mga intereses ng mga bansang iyon. Isa pa, ito’y hindi makahadlang sa mga digmaan.

“Sa mula’t-sapol na ang mga tao’y nagpangkat-pangkat sa mga tribo,” sang-ayon sa sinulat ni Laurence W. Beilenson sa kaniyang aklat na The Treaty Trap, “ang mga kasunduan sa kapayapaan ay iniuugnay sa digmaan. Subali’t may magic na etiketang kakabit ang mga kasunduan sa kapayapaan na kusang iniuugnay sa kapayapaan at sa paghinto ng digmaan. Ito’y umakay sa mga ibang komentarista sa pagsasabi na yamang isang pagpapatiwakal ang digmaan, makatuwiran na umasa sa mga kasunduan upang mahadlangan ito. Datapuwa’t, hindi totoo iyan. Magiging isang kapahamakan ang digmaang nuclear, subali’t ang karanasan lamang buhat sa kasaysayan ang makapagsasabi kung makahahadlang sa digmaan ang mga kasunduan.”

Ang mga Kasunduan ba ay Namamalagi?

Ipinakikita ng ulat ng kasaysayan na ang mga kasunduan ay hindi nakahahadlang sa digmaan. “Lahat ng mga bansa ay maaasahan na sisira ng kasunduan,” ang sabi ni Beilenson. Mapangyayari ng mga mamamayan na maipatupad ang hatol ng isang hukuman laban sa isang sumisira ng kontrata sa loob ng kanilang bansa, nguni’t hindi magagawa ito kung mga bansa ang sumira ng kasunduan nila. Maaaring ito’y humantong pa nga sa digmaan para maipaghiganti ang kaapihan.

Ang mga pandaigdig na hukuman ay hindi rin naman nakalutas ng mga alitan at nakapagtatag ng pandaigdig na kapayapaan. Ang International Court of Justice (ang hukumang ahensiya ng United Nations, na kalimita’y tinatawag na World Court), halimbawa, ay walang kapangyarihan na maipatupad ang kaniyang mga desisyon. Sa halip, ang inaasahan nito’y ang opinyon ng daigdig at impluwensiya sa moral. Maraming bansa ang tumatanggi sa kapangyarihan ng hukuman iyan na lumutas ng mga alitan. At sang-ayon na rin sa mga sariling tuntunin ng World Court, ang isang bansa ay maaaring tumanggi na siya’y hatulan ng hukumang ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng gayong pagtanggi bago ang isang partikular na kaso ay dalhin sa hukumang iyan.

Ang isa pang nagpapalubha sa problema ay yaong totoong pagkasensitibo ng mga bansa tungkol sa mga bagay na makakaapekto sa kanilang soberania. Kaya naman, sila’y totoong maingat pagka gumagawa ng mga kasunduan, malimit na ang ginagamit ay mga pananalita na nagbibigay ng palugit para sa pag-iwas pagka maaapektuhan niyaon ang kanilang soberania. “Ang mga kasunduan ay kalimitan ginagamitan ng mga alanganing pananalita,” ang sabi ng The Encyclopedia Americana. “Ang mga alituntunin sa interpretasyon ay pagkarami-rami . . . gayunma’y karaniwan nang walang pinagkasunduang mga batas tungkol sa wastong pagkakapit ng alinman sa mga iyon. . . . Kaya’t bumabangon ang mga di-pagkakaunawaan tungkol sa wastong kahulugan, at malimit ang pagbibintang ng isa’t-isa tungkol sa mga paglabag sa mga probisyon ng kasunduan.” Gaya ng minsan ay sinabi ni Charles de Gaulle, dating pangulo ng Pransiya: “Ang mga kasunduan ay tulad ng mga babae at mga rosas. Tumatagal hanggang sa itinatagal nila.” Pagkatapos, siya’y sumipi buhat sa Les Orientales ni Victor Hugo at isinusog niya: “Inaku, kaydami-dami ang nakita kong mga kabataang babae na nangamatay.”

Bahagi ng Ating Mapanganib na Panahon

Sa panahon natin ay mangingibabaw ang mga taong matatayog-isip at mapag-imbot, na ayaw magpahinuhod o tumupad ng kasunduan, gaya ng inihula noong sinauna pa ng Bibliya. Sa 2 Timoteo 3:1-5 ay mababasa natin: “Alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mahirap pakitunguhan. Sapagka’t ang mga tao ay magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mapagkunwari, mapagmataas, mamumusong, masuwayin sa mga magulang, walang utang-na-loob, di-tapat, walang katutubong pagmamahal, di-marunong tumupad ng kasunduan, maninirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, mababangis, di-maibigin sa kabutihan, mga traidor, matitigas ang ulo, mga palalo, maibigin sa kalayawan kaysa maibigin sa Diyos, may anyo ng banal na debosyon nguni’t itinatakuwil ang kapangyarihan niyaon; at sa mga ito ay lumayo ka.”

Ang “mga huling araw” na ito ay nagsimula sa siglong ito​—noong 1914, sa unang digmaang pandaigdig​—at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyang panahon. Ang pagiging totoo ng hula sa Bibliya ay matatag na pinatutunayan ng rekord ng kasaysayan. Dahilan sa kabagsikan ng Dakilang Digmaan, na tawag noon sa digmaang ito, ang mga bansa ay nagtangkang makapagsaayos ng mga kasunduan na hahadlang sa isa pang digmaang pandaigdig. Bago nagdigmaan, walang ano mang kasunduan na nagbabawal ng digmaan ni ano mang organisasyon para sa pagpapatupad ng kapayapaan. Kaya’t ang mga lider ng daigdig ay nagsikap na bumuo ng mga kasunduan sa pagitan ng mga bansa upang gawin ang gayon at tiyakin na iiral ang kapayapaan sa daigdig.

Ang Covenant (tipan) ng Liga ng mga Bansa ay isang pangako na ang mga miyembrong bansa ay susuporta at magbibigay ng proteksiyon sa isa’t-isa at hindi makikipagdigma, maliban sa kung nagtatanggol sa sarili, at tangi lamang pagkatapos na maiharap ang suliranin nila sa Konsilyo ng Liga para sa kalutasan at pagpapataan ng tatlong buwan para magkalamigan ang loob ng mga kasangkot. Ito’y nagkabisa noong 1920. Ang mga kasunduang Locarno, na nagkabisa noong 1926, ay ipinagbunyi bilang isang “tagumpay ng kapayapaan at katiwasayan” sa gitna ng mga bansa sa Europa. Ang Pact of Paris, na kilala rin sa tawag na Kellogg-Briand Pact, ay nagtakuwil sa “paggamit ng digmaan.” Ito’y inilaan na maging isang kasunduan na kailangang pagtibayin ng lahat ng bansa. Ito’y pormalang ipinahayag noong 1929 at sa wakas ay nilagdaan ng 63 bansa na nagkaisang lutasin ang kanilang mga di-pagkakaunawaan tangi lamang sa pamamagitan ng “mapayapang paraan.” Mayroon pang mga ibang kasunduan na binuo nang panahong iyon, na umakay sa marami na mag-akalang lilipas na nga ang digmaan. Nguni’t hindi nagtagal at karamihan ng mga bansang iyon ay napasangkot na naman sa isa pa uling digmaang pandaigdig.

Kung gayon, ang mga tao kaya ay makapagsasaayos ng kapayapaan? Ang kasaysayan at ang mga pangyayari sa daigdig ngayon ay sumasagot ng HINDI! Gaya ng pagkasabi bilang sumaryo ng autor na si Beilenson: “Pagkatapos ng kapuksaan na likha ng Digmaang Pandaigdig I, ang mga estadista ay nagtayo ng pinakamatibay na kaayusan sa papel para sa pagkakaroon ng kapayapaan. Hindi nahadlangan nito ang walang katuwirang pagsira ng mga kasunduan gaya sa ano mang yugto ng panahon sa kasaysayan, o ang pagkalaki-laking kapuksaan na dulot ng Pandaigdig na Digmaang II, o ng iba pang maliliit na digmaan sapol noon. Sa kabila ng pagkakaroon ng United Nations ng isang kasunduan, ang mga bansa ay baha-bahagi pa rin.”

Sa ngayon, yamang ang sangkatauhan ay “di-marunong tumupad ng kasunduan” gaya ng inihula ng Bibliya, walang umiiral na pangkalahatang kasunduan ng kapayapaan at ang daigdig ay namumuhay sa takot. Ibig bang sabihin na wala nang pag-asa para sa ating mapanganib na panahon? Kung mayroon pang lunas, saan baga matatagpuan ito?

[Larawan sa pahina 5]

“Ang mga kasunduan ay . . . tumatagal hanggang sa itinatagal nila”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share