Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 9/15 p. 30
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Pahalagahan ang Pribilehiyo na Sambahin si Jehova sa Espirituwal na Templo Niya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • Pagbabayad-sala
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kabanal-banalan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Maghandog ng mga Hain na Nakalulugod kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 9/15 p. 30

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Antimano ba ay itinalaga na si Adan at si Eva na mamatay, sapagkat sinasabi ng Hebreo 9:27 na “inilaan na ang mga tao ay mamatay nang minsanan at magpakailanman, subalit pagkatapos nito ay isang paghatol”?

Hindi, ang pangungusap na ito ay hindi tungkol kay Adan at kay Eva, na nilalang na may pag-asang mabuhay magpakailanman sa lupa. Kung sila’y sumunod sa Diyos, disin-sana’y nabuhay sila magpakailanman. Sa halip na ang kamatayan nila ay itakda na antimano, ito’y resulta ng kanilang kusang pagkakasala. (Genesis 2:15-17) Ipinakikita ng konteksto na ang pangunahing aplikasyon ng Hebreo 9:27 ay sa mataas na saserdote sa sinaunang Israel, na sa Araw ng Katubusan lumarawan kay Jesu-Kristo.​—Hebreo 4:14, 15.

Noong 1915 si Charles T. Russell, noo’y presidente ng Watch Tower Society, ay tinanong tungkol sa Hebreo 9:27. Siya’y tumukoy sa mga inilathala na bago pa noon, tulad halimbawa ng Studies in the Scriptures at Tabernacle Shadows of the Better Sacrifices (1899). Ang Hebreo 9:27 ay ipinaliwanag ayon sa konteksto.

Sa Hebreo kabanata 8 at 9, ipinakita ni Pablo na maraming detalye ng Kautusang Mosaiko, ang “isang tipo at anino ng mga bagay sa langit.” (Hebreo 8:5) Ito’y lalo nang kapit sa paraan ng pagsasakripisyo sa taunang Araw ng Katubusan. Tanging sa araw na iyan ang mataas na saserdote ay makakapasok sa kaloob-loobang silid ng tabernakulo. Ang silid na ito, ang Kabanal-banalan, ay may tabing, at ang mataas na saserdote ay kinakailangang maghanda muna ng daan sa pamamagitan ng paggamit doon ng pantanging insenso. Saka lamang siya makakapasok na dala ang ihahaing dugo ng isang baka at isang kambing. Kahit na kung maingat na sinunod ng saserdote ang lahat na kahilingan, ang resultang pagtatakip sa mga kasalanan ng mga Israelita ay limitado sa panahon; ang mga sakripisyo ay kailangang ihandog taun-taon.

Sa pagpapatuloy ng kaniyang argumento, sinabi ni Pablo na “si Kristo ay naparito bilang isang mataas na saserdote,” subalit pagkamatay niya at pagkabuhay na mag-uli, siya ay “pumasok, hindi sa isang dakong banal na ginawa ng mga kamay, . . . kundi sa langit mismo, ngayon upang humarap sa Diyos alang-alang sa atin.” (Hebreo 9:11, 12, 24) Kailangan kayang ulit-ulitin ang handog na iyon? Hindi. Si Kristo ay “naparito nang minsanan at magpakailanman.” (Hebreo 9:25, 26; Roma 6:9) Pagkatapos ay sinabi ni Pablo: “At inilaan na ang mga tao ay mamatay nang minsanan at magpakailanman, subalit pagkatapos nito ay isang paghatol, kaya naman ang Kristo ay inihandog din minsan para sa lahat ng panahon upang dalhin ang pagkakasala ng marami.”​—Hebreo 9:27, 28

Ngayon na nirepaso natin ang konteksto ay mauunawaan natin ang mga komento sa Hebreo 9:27 sa Tabernacle Shadows: “Sa tuwing ang isang Saserdote ay pupunta sa Kabanal-banalan kung Araw ng Katubusan siya ay nagsasapanganib ng kaniyang buhay; sapagkat kung ang kaniyang hain ay naging di-sakdal siya ay mamamatay samantalang dumadaan siya sa ikalawang tabing [ang kurtina]. Hindi siya tatanggapin sa Kabanal-banalan, ni tatanggapin man ang kaniyang di-sakdal na mga handog bilang isang pantakip sa mga kasalanan ng bayan. Samakatuwid ang anomang pagkabigo niya ay magdadala sa kaniya ng kamatayan, at ng kahatulan sa lahat na ang mga kasalanan ay tinangka niyang takpan. Ito ang paghatol na binanggit sa tekstong ito, na pinagdadaanan sa taun-taon ng mga sinaunang saserdote.”

Pagkatapos ay ipinakita ng Tabernacle Shadows ang pagkakaiba ni Kristo Jesus, na namatay bilang isang hain: “Kung sakaling ang kaniyang hain sa anomang paraan o antas ay naging di-sakdal tiyak na hindi siya bubuhaying-muli, ang ‘paghatol’ ng hustisya ay babangon laban sa kaniya. Subalit ang kaniyang pagkabuhay-muli noong ikatlong araw, ay nagpatunay na ang kaniyang nagawa ay sakdal, na nakalampas iyon sa pagsubok na galing sa Diyos.”

Samakatuwid, kung mamalasin buhat sa konteksto, ang Hebreo 9:27 ay isang obserbasyon tungkol sa kahigitan ng paglilingkod ni Kristo bilang saserdote.

Posible rin naman na tukuyin ang Hebreo 9:27 sa paggawa ng isang pangkalahatang kapahayagan tungkol sa karanasan ng sangkatauhan. Bagamat si Adan at si Eva ay nagkaroon ng posibilidad na mabuhay nang walang hanggan, hindi kapit ito sa kanilang mga inapo. Si Adan at si Eva ay nagkaanak pagkatapos lamang na sila’y magkasala. Samakatuwid, lahat ng kanilang di-sakdal na mga inapo ay pawang namamatay. (Roma 5:12; 6:23) Ang minanang kamatayan, kung gayon, ay dinaranas ng tao nang minsan lamang. Iyan ay magiging totoo kahit na sa hinaharap, kung, pagkatapos na maikapit ang bisa ng handog ni Kristo para sa sangkatauhan, at kung sa panahon ng araw ng paghuhukom ng Diyos na isang libong taon, ang isang binuhay na tao ay nagpatunay na karapatdapat puksain nang walang hanggan, ang kaniyang kamatayan ay magiging resulta ng kaniyang sariling kabalakyutan hindi ng kasalanang minana kay Adan.​—Apocalipsis 20:13-15.

Sa kabaligtaran naman, yaong mga taong namatay dahil sa minanang kasalanan, ngunit pagkatapos ng pagkabuhay-muli’y nagpatunay na sila’y masunurin, ay tatanggap ng hatol na buhay na walang hanggan.​—Apocalipsis 21:3-6.

Kung gayon, ang Hebreo 9:27 ay tumutukoy sa konteksto sa paglilingkod ni Jesus bilang mataas na saserdote kung ihahambing sa matataas na saserdote sa Israel. Ito ay ginagamit din naman upang ilarawan ang pangkalahatang karanasan ng mga tao na nagmana ng kamatayan buhat kay Adan. Subalit hindi sinusuportahan nito ang paniwala na kahit na bago nilalang si Eva at si Adan ay itinalaga na sila sa kamatayan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share