Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 11/15 p. 3-4
  • Mga Tunay na Kaibigan—Bakit Napakahirap Matagpuan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tunay na Kaibigan—Bakit Napakahirap Matagpuan?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Bakit Mahirap na Matagpuan ang mga Tunay na Kaibigan
  • Mabababaw na Uri ng Pakikipagkaibigan
  • Bakit Ako Nawawalan ng mga Kaibigan?
    Gumising!—1996
  • Kung Paano Ka Magkakaroon ng mga Kaibigan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Tunay na Pagkakaibigan sa Daigdig na Salat sa Pag-ibig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Sinasapatan ang Ating Masidhing Pagnanais na Makipagkaibigan
    Gumising!—2004
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 11/15 p. 3-4

Mga Tunay na Kaibigan​—Bakit Napakahirap Matagpuan?

“GUSTO kong magkaroon ng milyung-milyong mga kaibigan.” Ganiyan ang popular nga awitin sa Brazil. Subalit ano nga ba ang isang kaibigan? Kung minsan ang salitang “kaibigan” ay ikinakapit na halos kanino mang kakilala na hindi nagagalit sa iyo. Subalit, ang isang tunay na kaibigan ay higit pa sa isang kakilala lamang. Tungkol sa pagkakaibigan, ganito ang sinabi ni Francis Bacon: “Pinag-iibayo nito ang mga kagalakan at pinakakaunti ang mga kadalamhatian.”

Oo, ang isang tunay na kaibigan ay isa na nagbibigay sa iyo ng ibayong kaligayahan at, kung kinakailangan, tumutulong sa iyo na mapagtagumpayan mo ang kalungkutan. Kung gayon, ang isang tao na walang mga kaibigan ay hindi lubusang liligaya. Datapuwat, angaw-angaw ang nagrereklamo na mahirap daw ang makasumpong ng mga tunay na kaibigan.

Kung Bakit Mahirap na Matagpuan ang mga Tunay na Kaibigan

Inihula ng Bibliya na sa ngayon ang mga tao ay magiging “maibigin sa kanilang sarili, . . . mapagkunwari, mapagmataas, . . . walang utang na loob, di tapat, walang katutubong pagmamahal, di marunong tumupad ng kasunduan, maninirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, mababangis, di-maibigin sa kabutihan, mga traidor, matitigas ang ulo, mga palalo.” (2 Timoteo 3:1-4) Hindi nga katakataka, kung gayon, na mahirap makatagpo ng mga tapat na kaibigan! Dahilan sa kapaligiran na kinalakhan ng tao kaya mahirap na mapaunlad nila ang mga katangian na kinakailangan sa isang kaibigan.

Subalit mayroon pang mga ibang dahilan. Ang ibang mga tao ay walang nakikita kundi ang pang-ibabaw lamang na mga pitak ng buhay. Ang iba naman ay hindi handang gumawa ng mga kinakailangan pagpapakasakit para magkaroon ng mga kaibigan. “Huwag kang sasangkot!” ang malimit na marinig na payo buhat sa iba. Ang labis na pagpapahalaga sa materyalismo ay nakaapekto rin sa pagkakaibigan. Malimit na mas gusto pa ng mga tao ang mga pag-aari​—kahit mga aso at mga pusa​—kaysa mga tao. Anomang pag-ibig na ipinakikita nila sa kanilang kapuwa tao ay kung minsan paimbabaw lamang. Gaya ng sabi ng isang may edad nang babae: “Sila’y umiibig, subalit buhat sa malayo.” Kahit na sa mga kultura na doo’y uso ang labis na pagyayakapan at paghahalikan na karaniwang ipinakikita bilang paggalang, maaaring hindi rin nilalakipan iyon ng gawa, pagka dumating ang mga sandali ng mahigpit na pangangailangan.

Ang kakulangan ng panahon ay isa ring hadlang sa pakikipagkaibigan. Sa kanilang araw-araw na pagmamadalian, malimit na ang mga tao ay totoong abala o totoong hapo na upang magpaunlad ng pakikipagkaibigan. O inaakala naman ng mga iba na ang mga kaibigan ay kinakailangang pagkagastusan mo ng malaki upang bigyang-kasiyahan at sa gayo’y nanghihinuha sila na hindi nila kayang magkaroon ng mga kaibigan!

Mabababaw na Uri ng Pakikipagkaibigan

Gayunman, maraming mga tao ang nagsasabi na sila’y mayroong mga kaibigan. Subalit ano baga ang gayong mga relasyon? Malimit na ang isang tao ay interesado sa iba dahilan sa mapapakinabang niya roon, hindi dahilan sa kung sino iyon. Ang gayong mga pagkakaibigan ay malimit na pangsandalian lamang, sapagkat sa mga sandaling wala nang mapakinabang sa “kaibigang” iyon, siya ay iwinawaksi na lamang. Kahit na ang pagkakaroon ng magkaparehong hilig ay hindi saligan ng namamalaging pagkakaibigan. May binanggit ang Brazil Herald na dalawang matalik na “magkaibigan” na ang hilig ay mag-inuman kung mga dulo ng sanlinggo. Minsan, sila’y nagtalo sa kung sino baga sa kanila ang lalong macho. Upang patunayan na siya ang macho, ang ginawa nitong isa ay binaril niya ang kaniyang kaibigan. Pagkatapos ay sinabi ng salarin na kaniyang napatay pala ang kaniyang “pinakamatalik na kaibigan.”

Gayunman, bagamat maraming mga suliranin at hadlang ang pagkakaibigan, totoo pa rin na lahat tayo ay nangangailangan ng mga kaibigan. Saan at paano sila matatagpuan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share