Ang Kombensiyon ng mga “Nag-iingat ng Katapatan” ay Malapit Na
Apat na araw ng kasiya-siyang edukasyon sa Bibliya ang naghihintay sa inyo sa “Nag-iingat ng Katapatan” na Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova pasimula sa buwang ito. Sa pamamagitan ng nagtuturong mga diskurso, pakikipanayam sa may karanasang mga ministro, at praktikal na mga pagtatanghal, kakamtin dito ang mahalagang patnubay Kristiyano.
Sikaping naroon kayo para sa unang-unang sesyon sa ala-1:30 ng Huwebes ng hapon. Ang pahayag ng chairman na, “Hayaang Ingatan Tayo ng Katapatan,” ang nagtatampok ng tema ng kombensiyon at pupukaw ng pananabik para sa buong programa sa apat na araw. At, sa pambungad na sesyon ay tatanggap kayo ng malaking tulong na makipagkatuwiranan sa iba buhat sa Kasulatan.
Sa Biyernes ng umaga, ipapalabas ang drama na Ang Inyong Kinabukasan—Isang Hamon. Tunay na mapatitibay-loob nito ang mga kabataan. Tiyak na pahahalagahan ninyo ang tinanggap ninyo nang Biyernes kung kaya’t masasabik kayo na ibahagi iyon sa iba sa komunidad.
Ang programa sa Sabado ay punô ng praktikal na instruksiyon para sa pamumuhay Kristiyano. Ipaliliwanag ang ibig sabihin ng pagpapanatiling simple sa inyong mata at kung paano susuriin ang inyong makasagisag na puso para alamin kung nasa wastong kalagayan. Ang katapusang presentasyon sa araw na ito, “Pananatili sa Katotohanan sa Isang Masamang Sanlibutan,” ay mag-iiwan sa inyo ng isang kayamanan na hindi lamang may kagandahan kundi maaapektuhan din nito nang husto ang ating ministeryo sa larangan.
Ang programa sa Linggo, ang katapusang araw, ay magtatampok sa dramang Matakot sa Diyos, Humiwalay sa Masama, at pati sa pahayag pangmadla na, “Ang mga Panahon at mga Pana-panahon ng Diyos—Sa Ano Nakaturo?” Tunay na isang nakapagtuturo, kasiya-siyang programa sa apat na araw! DUMALO KAYO!
Yamang daan-daang kombensiyon ang nakatakdang ganapin sa maraming panig ng daigdig, baka mayroong isa na hindi kalayuan sa inyong tahanan. Makipag-alam sa mga Saksi ni Jehova sa inyong pook para alamin ang petsa at dako ng kombensiyon na pinakamalapit sa inyo.