Kung Bakit Dapat Kang Dumalo sa “Banal na Kapayapaan” na Kombensiyon
Ang terorismo, rebolusyon, at digmaan ang uso ngayon, ngunit anong inam kung pasimula sa buwang ito ay makakadalo ka sa “Banal na Kapayapaan” na Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova! Mapapag-alaman mo roon hindi lamang ang praktikal na turong Kristiyano kung paano makapananatili sa kapayapaan kundi aktuwal na makikita mo ang libu-libong nagkakapit ng gayong turo.
Naroon ka na sana sa pambungad na sesyon pasimula sa 1:30 Huwebes ng hapon. Magpapahayag ang malaon nang mga tagapagbalita ng kapayapaan. At, malalaman mo ang tungkol sa mga silo ng usong mga libangan at kung paano maiiwasan ang mga iyon. Sa katapusan ng sesyon, tatanggap ka ng isang bagay na hindi lamang maganda kundi magagamit sa paglilingkod sa iba.
Sa Biyernes ng umaga ay maririnig doon ang pinaka-temang pahayag, “Banal na Kapayapaan para sa mga Tinuruan ni Jehova.” Aantigin ang iyong damdamin ng dramang “Pagliligtas sa Buhay sa Panahon ng Taggutom.” Huwag kaliligtaan ito!
Sa Sabado, mga demonstrasyon, pakikipagpanayam, at nakapagtuturong mga pahayag ang magbibigay ng praktikal na giya para sa pagtataguyod ng kapayapaan sa loob ng pamilya. Ang programa ay matatapos sa mahalagang pahayag na “Pandaigdig na Katiwasayan sa Ilalim ng ‘Prinsipe ng Kapayapaan’.”
Sa Linggo ng umaga ay itatanghal ang isang prangka, nanunuot na modernong-panahong drama na nagdiriin sa pangangailangan na hanapin ang katuwiran ng Diyos upang makaligtas. Sa hapon, ang mahalagang pahayag pangmadla, “Kapayapaan sa Wakas!—Pagka Nagsasalita ang Diyos,” ang isa pang tampok ng kombensiyon.
Yamang 27 kombensiyon ang nakaiskedyul sa Pilipinas lamang, magkakaroon ng kombensiyon hindi kalayuan sa iyong tahanan. Makipag-alam ka sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa panahon at lugar ng pinakamalapit na kombensiyon sa inyo.