Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w96 12/1 p. 32
  • Hindi Mo Nanaising Makaligtaan Iyon!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hindi Mo Nanaising Makaligtaan Iyon!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Sinagot ang Lahat ng Tanong’
    Gumising!—1996
  • Malugod Kayong Tinatanggap sa “Masisigasig na Tagapaghayag ng Kaharian” na Pandistritong Kombensiyon
    Gumising!—2002
  • Handa Ka Na Bang Dumalo?
    Gumising!—2005
  • Halikayo sa “Pananampalataya sa Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
w96 12/1 p. 32

Hindi Mo Nanaising Makaligtaan Iyon!

MAKALIGTAAN ang ano? Ang nalalapit na “Mga Mensahero ng Maka-Diyos na Kapayapaan” na Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova! Sa maraming lugar ang kombensiyon ay mag-uumpisa sa ganap na 8:30 ng Biyernes ng umaga sa pamamagitan ng isang musika. Pagkatapos mapakinggan ang nakapagpapatibay-sa-pananampalatayang mga panayam sa bahaging “Pakikinig sa Masisigasig na Tagapaghayag ng Kapayapaan,” masisiyahan ka sa nakapagpapasiglang pahayag na “Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?”

Ang isang tampok sa Biyernes ng hapon ay ang nakapupukaw na pinakatemang pahayag na “Ang Ating Papel Bilang mga Mensahero ng Maka-Diyos na Kapayapaan.” Pagkatapos ang bahaging “Pagtulong sa Iba na Matutuhan ang mga Kahilingan ng Diyos” ay magbibigay ng mga mungkahi sa pagtuturo sa mga baguhan. Ito’y susundan ng napapanahong simposyum na “Mag-ingat sa mga Nakatagong Patibong ng Libangan.” Magtatapos ang programa sa Biyernes sa pamamagitan ng mga pahayag na “Salansangin ang Diyablo​—Huwag Hayaang Magkaroon ng Kaagaw” at “Buong Katapatang Ipagtanggol ang Integridad ng Salita ng Diyos.”

Idiriin ng programa sa Sabado ng umaga ang kahalagahan ng paggawa ng alagad sa tatlong-bahaging simposyum na “Mga Mensaherong Nagdadala ng Mabuting Balita ng Kapayapaan.” Magtatapos ang sesyon sa pamamagitan ng mga diskursong “Maligayang Pagbibigay sa Loob ng Organisasyon ni Jehova” at “Buhay at Kapayapaan sa Pamamagitan ng Pag-aalay at Bautismo,” na pagkatapos nito ay magkakaroon ng pagkakataon para mabautismuhan ang mga bagong alagad.

Ang paghaharap sa Sabado ng hapon ng “Isaalang-alang ang Kaisipan ni Jehova sa mga Bagay-bagay” ay sasagot sa mga tanong tulad ng ‘Nakikibahagi ba ang mga Kristiyano sa isang gawaing pagbubukud-bukod sa ngayon?’ at ‘Ano ang pangmalas ng Bibliya sa parusang kamatayan?’ Masisiyahan ka rin sa nakaaantig na dalawang-bahaging simposyum na “Nagmamalasakit sa Iyo ang Diyos ng Kapayapaan” at lalo na sa panghuling pahayag na “Itaguyod ang Maka-Diyos na Kapayapaan sa Buhay Pampamilya.”

Kasali sa programa sa Linggo ng umaga ang tatlong-bahaging simposyum na “Pagkilala sa Tamang Uri ng mga Mensahero” at ang pahayag na “Pakinggan at Sundin ang Salita ng Diyos.” Magtatapos ang programa sa umaga sa pamamagitan ng isang kumpleto-sa-kostiyum na drama na magtatampok sa mahahalagang aral mula sa salaysay ng Bibliya tungkol kay Hukom Gideon.

Ang huling sesyon ng kombensiyon sa Linggo ng hapon ay magtatampok ng pangmadlang diskurso, na pinamagatang “Tunay na Kapayapaan Sa Wakas!​—Saan Magmumula?” Sa dakong huli, magwawakas ang kombensiyon sa pamamagitan ng nakagaganyak na pahayag na “Sumusulong Bilang mga Mensahero ng Maka-Diyos na Kapayapaan.”

Magplano na ngayon upang makadalo. Upang malaman ang lokasyon na pinakamalapit sa iyong tahanan, makipag-alam sa lokal na Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito. Sa Disyembre 8 isyu ng Gumising! ay nakatala ang direksiyon ng lahat ng lokasyon ng mga kombensiyon sa Pilipinas.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share