Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 6/15 p. 24-25
  • Paggawa ng Mabuti Kung Sabbath

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paggawa ng Mabuti Kung Sabbath
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Paggawa ng Mabuti Kung Sabbath
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Puwede Bang Gumawa ng Mabuti Kapag Sabbath?
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Mahal Niya ang mga Tao
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 6/15 p. 24-25

Ang Buhay at Ministeryo ni Jesus

Paggawa ng Mabuti Kung Sabbath

NOON ay tagsibol ng 31 C.E. Mga ilang buwan ang lumipas sapol nang makausap ni Jesus ang babae sa balon sa Samaria nang siya’y patungo sa Galilea galing sa Judea.

Ngayon, pagkatapos ng malaganap na pagtuturo sa buong Galilea, umalis si Jesus patungo uli sa Judea, at dito’y nangaral siya sa mga sinagoga. Kung ihahambing sa ginawa niya nang siya’y naroon sa Galilea, walang gaanong sinasabi ang Bibliya tungkol sa ginawa ni Jesus sa Judea sa panahon ng kaniyang pagdalaw na ito at noong mga buwan na siya’y narito pagkatapos ng nakaraang Paskua. Marahil hindi gaanong masigla ang pagtanggap sa kaniya sa Judea di gaya sa Galilea.

Hindi nagtagal at si Jesus ay patungo na sa pangunahing lunsod ng Judea, ang Jerusalem, para sa Paskua ng 31 C.E. Dito, malapit sa pintuang-bayan para sa mga tupa, ay narito ang tangke na tinatawag na Bethzatha, na kung saan pumaparito ang maraming maysakit, bulag, at lumpo. Sila’y naniniwala na nakapagpapagaling ang tubig ng tangkeng ito pagka nilusungan.

Noon ay Sabbath, at nakita ni Jesus ang isang lalake sa tangke na 38 taon nang maysakit. Palibhasa’y alam niya ang matagal na pagkakasakit ng taong iyon, si Jesus ay nagtanong: “Ibig mo bang gumaling?”

“Ginoo, walang taong maglusong sa akin sa tangke pagka ang tubig ay nakalawkaw na,” ang sagot nito, “ngunit samantalang ako’y pababa ay nakalulusong na muna ang iba bago ako.”

Ang sabi ni Jesus sa kaniya: “Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.” Kapagdaka’y gumaling ang tao, binuhat ang kaniyang higaan at lumakad!

Ngunit nang makita ng mga Judiyo ang taong iyon, sinabi nila: “Sabbath ngayon, at hindi matuwid na buhatin mo ang iyong higaan.”

Sinagot sila ng taong iyon: “Ang nagpagaling sa akin ang nagsabi, ‘Buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.’”

“Sino ba yaong taong nagsabi sa iyo, ‘Buhatin mo ito at lumakad ka’”? ang tanong nila. Si Jesus ay umalis na dahilan sa karamihan ng tao, at ang pangalan ni Jesus ay hindi alam ng taong pinagaling niya. Nang malaunan, si Jesus at ang taong iyon ay nagkasalubong sa templo, at nakilala ng tao kung sino ang nagpagaling sa kaniya.

Kaya’t hinanap ng napagaling na taong iyon ang mga Judiyo upang sabihin sa kanila na si Jesus ang nagpagaling sa kaniya. Nang malaman ito ng mga Judiyo, sila’y naparoon kay Jesus. Bakit? Upang malaman ba nila kung sa pamamagitan ng anong paraan nagagawa niya ang mga kababalaghang ito? Hindi, kundi upang siraan siya dahilan sa ginagawa niya ang kabutihang ito sa araw ng Sabbath. At kanilang pinasimulang usigin pa siya! Lucas 4:44; Juan 5:1-16.

◆ Gaanong katagal na sapol nang huling dalawin ni Jesus ang Judea?

◆ Bakit ang tangke na tinatawag ng Bethzatha ay popular na popular?

◆ Anong himala ang ginawa ni Jesus sa tangke, at ano ang epekto nito sa mga Judiyo?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share