Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 8/15 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Leviatan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Buwaya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang “Bansa” na Nagpapakain sa Angaw-angaw na Nagugutom
    Gumising!—1986
  • Ang Kamay ni Jehova ay Naging Mataas
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 8/15 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Sino ang inilalarawan ng “Leviathan” sa Isaias 27:1??

Sa Isaias 27:1 ay mababasa: “Sa araw na iyon si Jehova, taglay ang kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak, ay magbabaling ng kaniyang pansin kay Leviathan, ang madulas na ahas, samakatuwid nga’y si Leviathan, ang likong ahas, at kaniyang papatayin nga ang dambuhala ng karagatan na nasa dagat.” Ating nauunawaan na ang hulang ito ay kumakapit kapuwa kay Satanas na Diyablo at sa kaniyang balakyot na organisasyon sa lupa.

Ang The Watchtower ng Oktubre 15, 1985 (Gumising! ng Hulyo 8, 1986), ay nagpapaliwanag na ang Isaias kabanata 27 ay isang hula tungkol sa pagbabalik. Ang unang-unang katuparan nito ay na sa sinaunang bansang Israel, na ibabalik sa kaniyang sariling lupain pagkatapos ng 70 mga taon ng pagkabihag sa Babilonya. Bagaman karamihan ng mga bihag ay manggagaling sa Babilonya, ang iba ay manggagaling sa Egipto at sa Asirya. Ipinasiya ng Diyos na Jehova na ang kaniyang bayan ay palayain, kaya ang gayong mga bansa ay hindi makapipigil sa kaniya sa pamamagitan ng kanilang sariling pagsisikap o ng sama-samang pagsisikap. Para sa mga tao’y baka waring sila’y malalakas at may katusuhan, tulad ng isang sinaunang Leviathan (marahil isang buwaya), subalit si Jehova ay magtatagumpay sa kapakanan ng sinaunang Israel.​—Ihambing ang Job 41:1-34.

Datapuwat, ano ba ang inilalarawan ng “Leviathan” sa isang lalong malaking katuparan ng Isaias kabanata 27? Madaling maunawaan, si Satanas na Diyablo nga ang isasaisip natin, sapagkat sa Apocalipsis 12:9 siya’y tinutukoy na “ang malaking dragon” at “ang matandang ahas.” Malaon nang siya’y kaaway ng Diyos at ng Kaniyang bayan. Isa pa, nililiwanag ng Kasulatan na si Satanas ay magkakaroon ng wakas. Ang Diyos ay nagtakda ng isang araw upang gamitin ang kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Anak upang iligpit ang Diyablo. Kaya ang “dragon” o “ahas” na iyon ay tatagpasin na gaya ng ito’y ginagamitan ng isang malaki at matibay na tabak.​—Hebreo 2:14; Apocalipsis 20:1-3, 10.

Subalit alalahanin na ang mga kaaway noon na nakaharap sa sinaunang Israel ay nakikitang mga mananalansang na bansa, tulad baga ng Egipto, Asirya, at Babilonya. Gayundin naman sa ngayon, ang Kristiyanong mga lingkod ng Diyos sa buong daigdig ay nakaharap sa nakikitang mga mananalansang sa gitna ng maligalig na dagat ng sangkatauhan na hiwalay sa Diyos. (Apocalipsis 17:1, 15) Kontrolado ni Satanas ang isang pambuong daigdig na organisasyon na ginagamit niya upang hadlangan yaong “mga gumaganap ng mga utos ng Diyos at may gawain na magpatotoo kay Jesus.” (Apocalipsis 12:17) Ang dominado ng Diyablo na organisasyong ito ay napatunayan na tuso at mabagsik, tulad ng isang Leviathan. Subalit, nang bandang unahan ng siglong ito ang “Leviathan” na ito ay nawalan ng kapangyarihan sa espirituwal na Israel, samakatuwid baga, ang pinahirang Kristiyanong mga saksi ni Jehova. At ito’y lubusang tatagpasin sa panahon na, kasama ng mga mandirigmang anghel, si Jesus ay sumakay na taglay ang “isang matalas at mahabang tabak, na kaniyang gagamitin sa mga bansa.”​—Apocalipsis 19:11-16.

Kaya bagamat sa isang paraan si Satanas ay tinutukoy na siyang Leviathan sa Isaias 27:1, ang hulang iyan ay sumasaklaw nang higit pa kaysa “matandang ahas” lamang. Ito’y nakatuon lalung-lalo na sa nakikitang makalupang organisasyon na dominado niya. Sa gayon, ang The Watchtower (Gumising!, Hulyo 8, 1986) na binanggit na ay maaaring magtuon ng pansin ng mga mambabasa sa panahon na “ang kasalukuyang balakyot na sistema na dominado ni Satanas na diyos nito ay hindi na iiral. Sa panahong iyon ay naibaling na ni Jehova ang kaniyang pansin sa simbolikong Leviathan, ang madulas, magdarayang ahas na nasa gitna ng dagat ng sangkatauhan. Siya at ang mga bansa, at maging ang pagkakaisa man ng mga bansa, ay mawawala na.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share