Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 4/1 p. 21
  • “Kayo’y Magpakabanal”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Kayo’y Magpakabanal”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Maiinam na Gawa na Lumuluwalhati kay Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Kaligayahan ang Humalili sa Panlulumo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • “Mula sa Bibig ng mga Sanggol”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • “Maligaya ang Tao na Nakasumpong ng Karunungan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 4/1 p. 21

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

“Kayo’y Magpakabanal”

ANG utos ng Diyos sa mga Kristiyano ay “huwag na kayong umasa ng ayon sa dating mga pita nang kayo’y wala pang kaalaman, kundi dahil sa Banal na Siyang tumawag sa inyo, magpakabanal din naman kayo sa lahat ng pitak ng pamumuhay ninyo, sapagkat nasusulat: ‘Kayo’y magpakabanal, sapagkat ako’y banal.’” (1 Pedro 1:14-16) Ang gayong banal na paggawi ay malimit na isang mabuting patotoo sa iba. (1 Pedro 2:12) Sa buong lupa, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na mga karanasan, ang taimtim na mga tao ay gumagawa ng kinakailangang mga pagbabago upang ang kanilang gawi ay makasuwato ng payo nito.

◻ Sa Ecuador isang lalaki ang huminto ng kaniyang pakikipag-aral ng Bibliya nang ang Saksing nakikipag-aral sa kaniya ay itiniwalag dahil sa imoralidad. Ang kaniyang espirituwal na pangangailangan ang umakay sa kaniya na magsuri ng mga ibang relihiyon. Ang pinili niya’y ang relihiyong Evangelist at siya’y sumulong hanggang sa punto na pagiging isang pastor ng kaniyang sariling simbahan. Gayumpaman, siya’y ginambala ng kaniyang budhi, yamang hindi siya kasal sa babaing kaniyang kinakasama. Nang siya’y makipag-usap sa mga pastor ng mga ibang simbahan, sinabi nila sa kaniya na ito’y hindi isang problema. Gayumpaman, kaniyang nadama na hindi naman tama ito, yamang ang mismong Saksi na dating nakikipag-aral sa kaniya ay natiwalag dahilan sa imoralidad. Hindi niya naunawaan kung bakit hindi siya sinaway ng kaniyang sariling simbahan. Nang magtagal, ang kaniyang kinakasamang babae ay natagpuan ng mga Saksi ni Jehova at nagsimulang makipag-aral. Ang lalaki naman ay nakipag-aral din kasama ng babae. Kapuwa sila ngayon dumadalo na sa mga pulong, sumusulong sa kaalaman sa mga simulain ng Bibliya, at gumagawa ng hakbang upang mapakasal upang sila ay makapaglingkod kay Jehova sa isang malinis at kaaya-ayang paraan.

◻ Sa isa pang karanasan sa Ecuador, isang Saksi ang nagbibida: “Noong Pebrero 1984, isang babaing may edad ang humiling sa amin na aralan siya.” Ano’t ganito ang kaniyang hiling? Ang kapatid na lalaki ng babaing ito ay naging isa sa mga Saksi ni Jehova, at hangang-hanga ang babae sa kaniyang magandang pag-uugali. Noong ikalawang pag-aaral sa Bibliya, tinalakay nila ang paksa tungkol sa paninigarilyo, na isa sa mga problema ng babaing iyon. Subalit, sa sumunod na pag-aaral makalipas ang isang linggo may pagmamalaking sinabi niya na sapol nang mapag-alaman niya ang punto-de-vista ng Bibliya tungkol sa paninigarilyo siya ay hindi na humipo ng sigarilyo! Siya’y may isa pang problema​—ang kaniyang bahay ay punúng-punô ng mga imahen. Subalit nang mabasa niya ang Deuteronomio 7:26, na nagsasabi: “At ikaw ay huwag magdadala sa iyong bahay ng isang kasuklam-suklam na bagay . . . Ito’y nakatalaga sa pagkapuksa,” kaniyang sinunog na ang lahat ng ito.

Mula noon, dumalo na siya sa mga pulong at hindi niya nakaligtaan ang kahit na isa. Hindi nagtagal, nadaig na rin niya ang pinakamahirap na balakid​—humiwalay na siya ng pakikisama sa isang lalaking may asawa. Ngayon, sa unang-unang pagkakataon sa kaniyang buhay, nakaranas siya ng tunay na kaligayahan, yamang nakapaglilingkod na siya ngayon kay Jehova na taglay ang malinis na budhi. Siya’y nabautismuhan noong Abril 1985 at noon ay nagdaraos siya ng apat na mga pag-aaral sa Bibliya. Ang kaniyang susunod na tunguhin ay maging isang payunir, yamang ito ang inaakala niyang pinakamagaling na paraan upang maipakita niya ang kaniyang pagpapahalaga kay Jehova, na nagpalaya sa kaniya buhat sa isang “buhay na walang kabuluhan at mahalay.”

◻ Ang magagandang resulta ng maka-Diyos na asal ay nasaksihan sa isang boarding school ng mga babae sa Kenya, na kung saan ang mabuting asal ng isang Saksi ay naging kapuna-puna. Siyam na mga gurong lalaki ang kinuha ng paaralan, at kasali na rito ang isa sa mga Saksi ni Jehova. Subalit sila’y isa-isang pinaalis dahil sa mahalay na pakikitungo sa mga mag-aaral. Pagkaraan ng ilang panahon, isa na lamang sa siyam ang natira​—ang guro na isa sa mga Saksi ni Jehova!

Oo, posibleng magbago ang mga tao na dati’y namumuhay nang mahalay. Pagka tayo’y naging ‘banal sa lahat ng paggawi natin,’ hindi lamang ito isang mabuting patotoo sa iba kundi pinagagalak din natin ang puso ni Jehova. Kaya naman, tayo’y humahanay sa mga magtatamo ng buhay na walang-hanggan.​—Kawikaan 27:11.

[Kahon sa pahina 21]

“Sapagkat ako’y si Jehova na inyong Diyos; magpakabanal nga kayo at kayo’y maging mga banal, sapagkat ako’y banal.”​—Levitico 11:44.

[Kahon sa pahina 21]

“Maglinis tayo sa bawat karumihan ng laman at espiritu.”​—2 Corinto 7:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share