Daluhan at Pakinggan ang Pahayag Pangmadla:
Katarungan Para sa Lahat sa Pamamagitan ng Inilagay ng Diyos na Hukom
Malaon nang sinikap ng mga pamahalaan na makamit ang ‘Katarungan para sa Lahat,’ tulad ng mga sinaunang Griego na ang mga hukom ay duminig sa maseselang usapin sa Areopagong ito, o Burol ng Mars. Sa hukumang ito ng katarungan mahigit na 1,900 taon na ang lumipas, isang lalaki ang nagpahayag kung paano makakamit ang tunay na katarungan para sa lahat. Ang kaniyang pahayag ay susuriing maingat sa pinakapangunahing pahayag sa tag-init na ito sa “Banal na Katarungan” na Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova.
Mapakikinggan ang pahayag na ito sa alinman sa isa sa 28 mga kombensiyong iyan na idaraos sa Disyembre at Enero sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Sa programa ng kombensiyon ay may bahagi rin ang kapaki-pakinabang na mga pagtalakay sa Bibliya tungkol sa praktikal na mga pitak ng buhay, at dalawang nakapagtuturong mga drama sa Bibliya.
Makipag-alam sa lokal na Kingdom Hall of Jehovah’s Witnesses para sa lugar na pagdarausan ng kombensiyon na pinakamalapit sa inyo, o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito. Ang pahayag ay gaganapin sa Linggo alas-2 n.h.