Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 2/1 p. 8-9
  • Ang Kuwento Tungkol sa Isang Alibughang Anak

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kuwento Tungkol sa Isang Alibughang Anak
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kuwento ng Isang Nawalang Anak
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Ang Pagbabalik ng Nawalang Anak
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Nang Matagpuan ang Nawalang Anak
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • “Si Jehova, Isang Diyos na Maawain at Magandang-loob”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 2/1 p. 8-9

Ang Buhay at Ministeryo ni Jesus

Ang Kuwento Tungkol sa Isang Alibughang Anak

PININTASAN ng mga Fariseo si Jesus dahil sa pakikisama sa mga kilalang makasalanan, at bilang kasagutan ay katatapus-tapos lamang niya ng paglalahad ng mga ilustrasyon tungkol sa muling pagkakita sa isang nawalang tupa at sa isang nawalang sinsilyong pilak. Siya ngayon ay nagpapatuloy ng paglalahad ng isa pang ilustrasyon, ito’y tungkol sa isang mapagmahal na ama at sa kaniyang pakikitungo sa kaniyang dalawang anak na lalaki, na bawat isa’y may malulubhang pagkakamali.

Una, nariyan ang bunsong anak, ang pangunahing gumaganap ng papel sa ilustrasyong ito. Kaniyang hiningi na ang kaniyang mana, na ibinigay naman sa kaniya nang walang atubili ng kaniyang ama. Pagkatapos ay lumisan siya ng tahanan at napasangkot sa isang napakaimoral na pamumuhay. Subalit pakinggan si Jesus sa kaniyang pagkukuwento, at tingnan kung makikilala mo kung sino ang mga tauhan na kinakatawan nila.

“May isang tao,” ang pagpapasimula ni Jesus, “na may dalawang anak na lalaki. At sinabi sa kaniyang ama ng bunso, ‘Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng kayamanan na kaparti ko.’ At ibinahagi sa kanila [ng ama] ang kaniyang pagkabuhay.” Ano ba ang ginagawa ng bunsong ito sa kaniyang nakaparti?

“Hindi nakaraan ang maraming araw,” ang sabi ni Jesus, “tinipon lahat ng anak na bunso ang ganang kaniya at naglakbay sa isang malayong lupain, at doo’y inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa waldas na pamumuhay.” Ang totoo, kaniyang ginugol ang kaniyang salapi sa pakikisama sa mga patutot. Pagkatapos ay sumapit ang mga panahon ng kahirapan, gaya ng pagpapatuloy ni Jesus ng pagbibida:

“Nang magugol na niya ang lahat, isang matinding taggutom ang dumating sa buong bansa, at siya’y naghikahos. At pumaroon pa man din siya at nakisama sa isa sa mga mamamayan ng bansang iyon, at kaniyang sinugo siya sa kaniyang mga bukirin upang magpakain ng baboy. At ibig sana niyang mabusog ang kaniyang tiyan ng mga ipa na kinakain ng baboy at walang taong magbigay sa kaniya.”

Anong babang uri ng pamumuhay na mapilitang mag-alaga ng baboy gayong ang mga hayop na ito ay marurumi ayon sa itinakda ng Kautusan! Subalit ang lalong higit na ipinagdusa ng anak ay ang matinding gutom kung kaya’t hinangad niya na makain kahit na yaong pagkain na ibinibigay sa mga baboy. Dahilan sa kakilakilabot na kalamidad na ito, sinabi ni Jesus, “siya’y natauhan.”

Sa pagpapatuloy ng kaniyang kuwento, ipinaliliwanag ni Jesus: “Sinabi niya [sa kaniyang sarili], ‘Ilang mga alilang upahan ng aking ama ang may labis-labis na pagkain, samantalang ako rito ay mamamatay na ng gutom! Ako’y magtitindig at paroroon sa aking ama at sasabihin ko sa kaniya: “Ama, ako’y nagkasala laban sa langit at laban sa iyo. Ako’y hindi na karapatdapat tawaging iyong anak. Gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan.”’ Kaya’t siya’y nagtindig at naparoon sa kaniyang ama.”

Narito ang isang bagay na dapat pag-isipan: Kung ang kaniyang ama’y nagalit at siya’y sinigawan nang lumisan siya sa tahanan, ang anak ay malamang na hindi nakaisip ng gayon na dapat niyang gawin. Marahil siya’y nagpasiyang bumalik at susubukin niyang makakita ng trabaho saanman sa kaniyang sariling bansa upang huwag siyang mapahiya sa kaniyang ama. Subalit, hindi pumasok sa kaniyang isip ang gayong kaisipan. Ang ibig niya’y umuwi siya sa kanila!

Maliwanag, ang ama sa ilustrasyong ibinigay ni Jesus ay kumakatawan sa ating maibigin, maawaing Ama sa langit, ang Diyos na Jehova. At marahil ay iyong nakikilala na ang napalungi, o alibughang anak ay kumakatawan naman sa kilaláng mga makasalanan. Ang mga Fariseo, na kausap ni Jesus, ay noong una’y pumipintas kay Jesus sa pakikisalo niya sa mga makasalanang ito.

Subalit sino ba ang kinakatawan ng nakatatandang anak? At ano ang katuparan ng ilustrasyon ni Jesus sa ating ika-20 siglo? Ang susunod na labas ng magasing ito ang sasagot sa mga tanong na ito pagka tinalakay ang natitira pang bahagi ng kuwento ni Jesus tungkol sa nawalang anak na natagpuan. Lucas 15:11-20, 30; Levitico 11:7, 8.

◆ Kanino inilalahad ni Jesus ang ilustrasyon, o kuwentong ito, at bakit?

◆ Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento, at ano ang nangyayari sa kaniya?

◆ Sino ang kinakatawan ng ama at ng bunsong anak?

◆ Anong impormasyon ang maaasahang ibibigay sa atin sa susunod na labas ng magasing ito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share