Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 4/1 p. 5-6
  • Ang Patutot at “ang mga Hari sa Lupa”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Patutot at “ang mga Hari sa Lupa”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Masakim na Patutot
  • Patungo Na sa Pagkalipol Nito ang Huwad na Relihiyon!
    Gumising!—1996
  • Kung Bakit Magwawakas ang Makasanlibutang Relihiyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Paghatol sa Kasuklam-suklam na Patutot
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
  • Ang Repormasyong Ingles—Isang Panahon ng Pagbabago
    Gumising!—1998
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 4/1 p. 5-6

Ang Patutot at “ang mga Hari sa Lupa”

ANG kasaysayan ng Sangkakristiyanuhan ay punô ng mga halimbawa ng paglalako ng impluwensiya at ng panghihimasok sa larangan ng kapangyarihan. Talakayin natin ang ilan dito. Si Carlomagno (742-814 C.E.) ay isang hari na nakakita ng kapakinabangan sa pakikisama sa relihiyon at sa pagkakaroon ng basbas ng klero ng Iglesiya Katolika.

Ang The New Encyclopædia Britannica ay nagpapaliwanag na binuhusan ng papa ng langis si Carlomagno, ang kaniyang ama, at ang kaniyang kapatid na lalaki, sa pagtatatag ng isang bagong dinastiya pagkatapos na ang dating naghaharing pamilya ay ‘mapasaisang-tabi.’ Saka idinagdag pa nito: “Ang pulitikal na alyansa na binuo ng mga Franks [mga kababayan ni Carlomagno] at ng Papa laban sa mga Lombards ay pinagtibay sa okasyon ding iyon. . . . Si Carlos [na naging si Carlomagno] sa simula ay kumilala na sa malapit na kaugnayan ng makasanlibutang kapangyarihan at ng simbahan.”

Noong taóng 800 C.E., si Papa Leo III, palibhasa’y “disididong gawing emperador si Carlos “ng Kanlurang Imperyong Romano ang nagputong sa kaniya ng korona sa Pamaskong Misa sa St. Peter’s, Roma.

Isang Masakim na Patutot

Subalit ang isang patutot ay humihingi ng kabayaran. Ano kaya ang ibabayad ni Carlomagno sa kinatawan ng Babilonya, ang Roma? “Inulit . . . ni Carlos, sa St. Peter’s Basilica, ang pangako ng kaniyang ama na ilipat sa pamamahala ng papa ang malalaking seksiyon ng Italya.” Isinusog pa ng pinagkunan din niya: “Dahil sa kaniyang makapulitikang pagkarelihiyoso, ang imperyo at ang simbahan ay umunlad na isang institusyonal at espirituwal na pagsasama.”

Ang isa pang halimbawa ng nakalipas na malakas na impluwensiya ng relihiyon sa pamahalaan ay si Cardinal Wolsey ng Inglatera (1475-1530). Sang-ayon sa Britannica siya ay isang “cardinal at estadista na naging dominante sa gobyerno ni Haring Henry VIII ng Inglatera. . . . Noong Disyembre 1515 si Wolsey ay naging lord chancellor ng Inglatera. . . . Ginamit ni Wolsey ang kaniyang malawak na kapangyarihang sekular at ecclesiastical sa pagkakamal ng kayamanan na pangalawa lamang sa kayamanan ng Hari.” Bilang pagkakapit ng simbolikong pananalita ng Apocalipsis, ang mataas-uring pagpapatutot ay humihingi ng mataas-uring kabayaran.

Ang isa pang bantog na halimbawa ng impluwensiya ng relihiyon sa pagpapalakad ng Estado ay ang cardinal at duke ng Richelieu (1585-1642), na naghawak ng malaking kapangyarihan sa Pransiya at nagkamal din ng kayamanan na “labis-labis kahit na kung ibabatay sa mga pamantayan ng panahong iyon,” ang sabi ng Britannica.

Si Richelieu ay hinalinhan ng isa pang cardinal, si Jules Mazarin (1602-61), na naglingkod bilang unang ministro ng Pransiya noong panahon ng paghahari ni Haring Louis XIV. Bagaman hindi isang ordinadong pari, siya’y ginawang isang cardinal noong 1641 ni Papa Urbano VIII. Si Cardinal Mazarin ay isa ring ambisyosong magkamal ng kayamanan. Ganito ang sabi ng ensayklopedia: “Si Mazarin ay siniraan ng kaniyang mga kaaway dahilan sa kaniyang kasakiman. Siya’y nakapagkamal ng mga tungkulin at mga benepisyo at kung minsa’y ipinagkakamali niya ang kita ng palasyo sa kaniyang sariling kita.”

Sa modernong panahon ang huwad na relihiyon ay nagkakamal pa rin ng kayamanan at sinisikap nito na maimpluwensiyahan at, kung maaari, makontrol ang pulitikal na mga elemento. Ang isang litaw na halimbawa ay ang malihim na organisasyong Katoliko na Opus Dei (Latin, Gawa ng Diyos), na sa kasalukuya’y nagtatamasa ng biyaya buhat sa papa at, ayon sa autor na si Lawrence Lader, ito ay “lubusang nagtataguyod ng anti-komunismo at makakanang pulitika.” Ito’y may patakaran na kunin ang pinakamatatalinong kabataang Katoliko na makatapos sa kaniyang mga haiskul at unibersidad at pagkatapos ay inilalagay ang kaniyang mga tauhan sa matataas na puwesto na maimpluwensiya at makapangyarihan sa gobyerno, sa pananalapi, at sa media. Sa Espanya sila’y umabot sa kasikatan nila sa ilalim ng Katolikong Fascistang diktador na si Franco nang, sa loob ng isang panahon, 10 ng kaniyang 19 na mga kagawad ng gabinete ay mga miyembro ng de-klas na Opus Dei.a

Sa Estados Unidos, ang mga predikador sa TV ay bantog dahil sa kanilang marangyang kayamanan at de-luhong mga estilo ng pamumuhay. May mga klerigong Protestante na may pagmamayabang na pumasok sa pulitika at sila’y naghangad pa man din na mahalal na pangulo. Tiyak iyan, bagaman bagsak na, ang matandang patutot, sa pamamagitan ng pagbabalatkayo, ay nagtatamasa pa rin ng sarap sa pagpapasasa sa kayamanan at luho na dulot ng kapangyarihan at nagsasa-panginoon pa man din.​—Apocalipsis 17:4.

Subalit kumusta naman ang pangalan ng patutot, Babilonyang Dakila? Paano tumutulong iyan upang matiyak kung sino ang isinasagisag ng babae sa Apocalipsis?

[Talababa]

a Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Opus Dei at sa pagkasangkot ng simbahan sa pulitika, tingnan ang mga aklat na Hot Money and the Politics of Debt, ni R. T. Naylor, at Politics, Power, and the Church, ni L. Lader.

[Mga larawan sa pahina 6]

Sina Cardinal Wolsey, Mazarin, at Richelieu ay nagkamal ng malaking kayamanan samantalang naglilingkod sa Estado

[Credit Line]

Photos: Culver Pictures

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share