Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 2/15 p. 3-4
  • “Ang Panahon ng Kasakiman”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ang Panahon ng Kasakiman”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Gaano Kalaganap?
  • Ang Kasakiman ay Aalisin
  • Gunigunihin ang Isang Sanlibutang Walang Kasakiman
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Magtagumpay ng Pag-iwas sa Silo ng Kasakiman
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Patuloy na Iwasan ang Silo ng Kasakiman
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kung Minsan ba’y Nadadaig Ka ng Kasakiman?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 2/15 p. 3-4

“Ang Panahon ng Kasakiman”

KUNG may kahirapan ang tao sa pagpawi ng karaniwang sipon, ano ba ang kaniyang kakayahan na palisin ang lalong masalimuot na salot ng kasakiman?

Waring ang kasakiman at ang kaimbutan ay hindi na kailangang pag-aralan pa​—ang mga ito ay maliwanag na naroroon na sapol sa pagkabata ng isang tao. Maaari mong pagmasdan ang dalawang mumunting bata na naglalaro ng kanilang mga laruan at makikita mo iyan.

Ang kasakiman ng tao ay karaniwan at masama, ngunit pagka ang pinag-uusapan ay pambansa o pandaigdig na kasakiman, angaw-angaw ang apektado sa kanilang ikapipinsala. Halimbawa, nariyan ang pandaigdig na pangangalakal ng ipinagbabawal na gamot o droga. Isang magasin sa wikang Kastila ang nag-aangkin na ito raw ang pinakamalaking negosyo sa daigdig​—$300 libong milyon sa isang taon. Angaw-angaw na mga buhay ang napapariwara, at di-mabilang na mga di-napapanahong kamatayan ang likha ng maling paggamit ng mga bawal na gamot. Ano ba ang pinakaugat na sanhi ng nakababahalang paglaganap ng pangangalakal ng droga? Walang pagsala, iyon ay ang kasakiman.

Ang motibong ito na kasakiman ay itinatampok ng World Press Review. Sinisipi nito ang Madrid newsmagazine na Cambio 16, na nagsasabing “halos wala pang 10 hanggang 20 porsiyento ng lahat ng tinutubo sa pagbebenta ng droga ang napapapunta sa mga bansang may produkto nito. Isa pang 10 porsiyento ang napapabalik sa network ng pangangalakal sa pamamagitan ng panibagong pamumuhunan sa mga laboratoryo, behikulo, at mga armas. . . . Ang natitira naman ay doon pumupunta sa mga bansang gumagamit at sa mga ahensiya sa pagbubuwis ng sistema sa pagbabangko ng daigdig.”

Pinabubulaanan nito ang paniwala na ang pangangailangan ang dahilan ng kasakiman, na ang kasakiman ay sa mga dukha lamang o sa mga api makikita. Maliwanag, ang kasakiman ay isang malaganap na kahinaan ng tao na kinasasangkutan ng buong lipunan, kasali na yaong di naman talagang nasa pangangailangan ng anuman. Isa sa pambihirang mapapansin tungkol sa kasakiman ay na ito’y traidor​—maging ang mga tao mang pangkaraniwang kontento sa kanilang kalagayan sa buhay ay magpapakita ng kasakiman kung sa di-inaasaha’y bibigyan ng pagkakataon.

Ang hinanakit ng kolumnistang si Meg Greenfield ay ganito: “Buklatin mo ang iyong pahayagan ano mang araw at mababasa mo ang tungkol sa mga grand juries at sa mga special prosecutors at sa kuwestionableng mga tawag, ang pagtutulakan at ang scams at ang mga gawaing satusuhan, at ito’y talagang nakalulungkot. Kahit na kung tatanggapin na ang ilan sa mga kasong isinampa ay walang batayan at ang iba naman ay pagpapakitang-gilas, nahahalata ko na kadalasan ang mga tao ay gumawa ng mga bagay-bagay at pinayagang malibre sa mga bagay na sana’y di-dapat payagan. . . . Ganitong kalayo na ang nararating natin: maging ang kalakhang bahagi ng ating kagandahang-loob ay mapagpalayaw sa sarili, masakim.”

Gaano Kalaganap?

Ang kasakiman ay hindi bago sa gitna ng sangkatauhan, bagaman walang pagsalang ito’y unti-unting naging malala dahilan sa mga kagipitan ng pamumuhay sa ika-20 siglong ito. Ganiyan na lang kalaganap ang kasakiman kung kaya isang editoryal sa The Christian Century ang nagbigay sa dekada ng 1980’s ng pangalan na inaakala nito na nababagay sa mga pangalan na gaya ng “Ang Panahon ng Pagkabalisa” ng 1950’s o “Ang Dekada na si Ako” ng 1970’s. Ang itinawag naman sa 1980’s ay “Ang Panahon ng Kasakiman”!

Sa ngayon, makikita ang kasakiman sa bawat dako na kung saan nagtitipon ang mga tao​—sa mga lugar na pinagtatrabahuhan, sa mga paaralan, at sa pangkalahatang pamayanan. Ito’y nakapagpalaganap ng masamang impluwensiya sa komersiyo, sa pulitika, at maging sa mga pangunahing relihiyon ng daigdig.

Malimit kaysa hindi, ang kasakiman ay umuunlad at nagiging ilegal na katiwalian o pandaraya. Halimbawa, sang-ayon sa The Canberra Times, ang Australya ang may nakapagdududang karangalan na pangunguna sa daigdig sa pandaraya sa seguro ng kotse. Ang Australyanong Law Society Journal ay waring sumusuporta rito, na ang sabi: “Ang palsipikadong claims/statements na ginawa ng mga taong nakaseguro ay pinagkakagastahan ng mga kompanya ng seguro, at mga taong di-tuwirang nakaseguro, ng milyun-milyong dolyar taun-taon.” Isinusog pa ng lathalain na “ito ay patuloy na nagiging isang malubhang problema, lalo na kung tungkol sa arson o kusang panununog, mga pagnanakawan sa piyer, mga seguro sa kotse at sa mga laman ng tahanan.”

Kaya’t madaling maunawaan kung bakit maraming tao ang nanunuya sa ideya na maaalis balang araw ang kasakiman. Aba, kanilang inaakala na laging sasaatin ang kasakiman at ang isang daigdig na walang kasakiman ay isa lamang pangarap na imposibleng mangyari.

Ang Kasakiman ay Aalisin

Saan maibabatay ang binanggit na sa itaas na pangungusap na kung uulinigin ay imposibleng mangyari? Maibabatay iyan sa bagay na nakamit na ang pamumuhay na walang kasakiman. Bagaman ang nakamit na ito ay hindi naman sakdal, ipinakikita lamang kung ano ang maaaring magawa kung may tamang edukasyon at motibo. Ang sumusunod na artikulo ang magpapakita kung papaano nga maaaring magkaroon ng isang buong daigdig na walang kasakiman.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share