Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 4/1 p. 3
  • “Isang Salot ng Kapayapaan”?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Isang Salot ng Kapayapaan”?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Tunay na Kapayapaan—Saan Kaya Magmumula?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Natatanaw Na ba ang Kapayapaang Pandaigdig?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • “Ang Kapayapaan ng Diyos” ang Mag-ingat Nawa sa Inyong Puso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kapayapaan—Ano ang mga Pagkakataon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 4/1 p. 3

“Isang Salot ng Kapayapaan”?

“ISANG Salot ng Kapayapaan.” “Oh, Anong Mapayapang Sanlibutan.” “Nagpuputok sa Lahat ng Dako ang Kapayapaan.” Kabilang ito sa mga pangunahing balita ng pahayagan na nakagulantang sa mga mambabasa noong nakaraang isa o dalawang taon. Sa buong daigdig, ang pagbabago ng mga balita mula sa kapanglawan at pagkawasak tungo sa maaliwalas na pag-asa ay kamangha-mangha. Ano ba ang nangyayari?

Kapuna-puna, hindi pa gaanong natatagalan ang kung ilang mga malalaking pagbabaka ay pawang nagwakas o nabawasan ang tindi sa loob lamang ng mga ilang buwan. Sa Aprika, ang kapayapaan ay ‘sumiklab’ sa Angola. Sa Central Asia, ang Unyong Sobyet ay nag-urong ng kaniyang mga puwersa sa Afghanistan. Sa Central Amerika, ang pagbabaka ay humupa sa pagitan ng gobyerno ng Nicaragua at ng mga rebeldeng Kontra. Sa Timog-silangang Asia, ang mga Vietnamese ay pumayag na umatras sa Kampuchea. Ang “salot ng kapayapaan” ay nakarating na rin sa Gitnang Silangan nang ang madugong digmaan sa pagitan ng Iran at Iraq ay sa wakas biglang huminto.

Marahil lalong kapuna-puna ang bagong kalagayang umiiral sa pagitan ng mga superpower. Pagkaraan ng 40 taon ng cold war (malamig na digmaan), mahirap na paniwalaan ang mga kilos na nagpapahiwatig ng pakikipagkasundo, ang mga pagpapahayag tungkol sa intereses ng magkabilang panig, at ang tiyakang mga pagkilos tungkol sa kapayapaan sa pagitan ng Unyon Sobyet at ng Estados Unidos. Isa pa, sang-ayon sa The Economist, ang Europa ay dumaranas ngayon ng pinakamahabang patuloy na yugto ng panahon na walang digmaan sa buong kasaysayan nito. Tunay, ang kapayapaan ay nasa mga balita.

Ano ba ang ibig sabihin nito? Ang mga pulitiko ba ay nasa bingit na ng pagtatayo ng “kapayapaan para sa panahon natin”? Limampu’t isang taon na ang lumipas, ang mga salitang ito ay binigkas ng punong ministro ng Britanya na si Neville Chamberlain. Ito’y napatunayang isang masaklap na kabalighuan nang, makalipas ang maikling panahon, ang ikalawang digmaang pandaigdig ay sumiklab. Ngayon ba’y magkakatotoo na ito sa wakas?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share