Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 4/1 p. 21-22
  • Paglilingkod sa Pinakadakilang Pintor sa Lahat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paglilingkod sa Pinakadakilang Pintor sa Lahat
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Aking Buhay Bilang Isang Pintor
    Gumising!—2001
  • Ano ba ang Sining?
    Gumising!—1995
  • Ang Lubhang Di-napapansing Dalubsining sa Ating Panahon
    Gumising!—1995
  • Ginugol Ko ang Aking Buhay sa Musika
    Gumising!—1986
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 4/1 p. 21-22

Paglilingkod sa Pinakadakilang Pintor sa Lahat

NANG ako’y isang batang babaing pitong taóng gulang, naitatanong ko sa aking sarili: ‘Bakit ba kailangan pang mamatay ako? Maaari kayang maiwasan ang kamatayan?’ Sinabi sa akin na kinukuha ng Diyos ang mabubuting tao dahilan sa ibig niyang makasama sila sa langit. Natatandaan ko pa na ibinulalas ng isa sa aking mga kaklase: “Mas mabuti pang maging isa kang masamang tao dahil sa ang mabubuti ay unang namamatay!”

Mahilig ako sa drawing kaya ako’y nagsimulang mag-aral ng sining. Sa paaralan, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong isaalang-alang ang mga bagay na pangrelihiyon, ni nagkapanahon man ako na maging interesado sa mga iyan. Ang totoo, sinasabi ko sa aking mga kaibigan na upang maging relihiyoso, ang isang tao ay nangangailangan ng mababang uri ng talino. Nang ako’y matapos sa aking pag-aaral ng sining, ako’y binigyan ng trabaho bilang isang guro sa sining sa haiskul.

Mahal ko ang aking trabaho at ganiyan na lamang ang interes ko sa literaturang Italyano at banyaga, sa chamber at symphonic na musika, at opera. Ang tanging pangrelihiyong bagay na pinag-aralan ko sa pag-aaral na iyon ay ang iconographic subjects ng mga pintor ng iba’t ibang kapanahunan. Nang magkagayo’y napag-alaman ko kung ano nga ang pagiging ikaw ay sentro ng atensiyon, kung ano ang nadarama mo kung iyong ini-exhibit ang sariling nagawa mong trabaho, kung ano ang kabuluhan ng pagiging lubhang kinaaalang-alanganan, pinupuri at hinahangaan bilang isang pintor.

Noon, napakahalaga ang turing ko sa daigdig ng sining, yamang noon ko nasumpungan ang dahilan ng lalong malaking bahagi ng aking buhay. Subalit ang mga tanong na napaharap sa akin nang ako’y pitong taóng gulang ay naroroon pa rin sa aking isip. Hindi ako naglubay sa pagsasaliksik ng mga bagay na lalong malalalim, na hindi ko pa noon maipaliwanag. Ako’y isang masugid na mambabasa at sa mga pilosopo ako nagtatanong ng mga paliwanag. Sa anumang paraan, ang ibig ko’y isang tiyakang kasagutan sa aking mga pag-aalinlangan.

Lito pa rin ako sa bagay na ito nang ako’y mag-asawa. Pagkatapos na maisilang ang aking anak na babae, lalong tumindi ang aking pagsasaliksik para matagpuan ang katotohanan. Sinikap kong masumpungan ito sa pamamagitan ng pagguhit, pagsulat ng tula, pakikinig sa musika, pagbabasa ng mga aklat. Kailanma’t ako’y nagpupunta sa isang konsiyerto at nakikinig sa pambungad na tugtugin, ang aking isip ay kusang napapadako sa Diyos, sa Kataas-taasang Maykapal na hindi ko nakikilala, at ako’y nagpapasalamat sa kaniya. Sa panahong iyan, malimit na pinupuri ko ang Diyos sa magagandang bagay na hinahangaan ko​—ang aking natutulog na sanggol, ang mga kulay ng isang tanawin. “Nakalulungkot,” ang naibubulalas ko, “na ang sining, na may taglay ng napakaraming magagandang bagay na mailalarawan, ay ginagamit kadalasan sa paglalarawan sa kamatayan sa halip na sa buhay!” Ang iba sa pinakapopular na mga tula at mga panoorin sa dulaan ay mga mapapanglaw na mga himno o mga trahedya; ang iba sa pinakamagagaling na obra maestra sa pagguhit ay kamatayan ang dinadakila kaysa buhay at kagandahan nito. Bakit?

Ang magkasalungat na damdaming ito ay lubhang nagpahina ng aking kalooban, at unti-unting nawala ang aking interes. Sa puntong ito tumuktok sa aking pinto ang mga Saksi ni Jehova. Samantalang nakikinig ako sa kanila, wari ko ba’y kinakausap nila ako sa isang bagong wika. Ang pangako ng Diyos na gagawing isang paraiso ang lupa ay parang nakaaakit na tugtugin sa aking pandinig. Ako’y nagsimulang magbasa ng Bibliya. Doon sa wakas ay nasumpungan ko ang mga kasagutan sa mga tanong na hindi ako naglulubay ng pagtatanong sapol nang ako’y pitong taóng gulang. Hindi pala gusto ng Diyos na ang tao ay mamatay kundi layunin niya na pagpalain ang kaniyang tapat na mga lingkod sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng buhay na walang-hanggan sa lupa!

Noon ay 1973. Nang sumunod na taon ako’y nag-alay ng sarili kay Jehova at napabautismo. Hindi madali na ang aking pagkamapusok at pagkasentimental ay halinhan ng espiritu ng tunay na pag-ibig pangmagkakapatid, ang aking pagkamaka-ako ay halinhan ng pag-iisip tungkol sa kapakanan ng iba, at ang sariling kaalwanan ay halinhan ng espiritu ng pagsasakripisyo! Kailangang itakuwil ko ang aking sarili. Ang mga Saksi ni Jehova ay malaking tulong, tulad din ng mga pulong na ginaganap sa Kingdom Hall.

Ang Dakilang Pintor ang nagbigay ng linaw sa aking pag-aalinlangan at mga kalituhan. Anong laki ng aking pasasalamat sa kaniya! Kaya naman, sapol noong Setyembre 1984, ako’y pumasok sa paglilingkuran bilang regular payunir, na gumugugol ng 90 oras bawat buwan sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos.

Ang paglilingkod sa Dakilang Pintor at Maylikha, si Jehova, kasama ang aking pamilya ay tunay na kasiya-siya. Kami’y nananabik na naghihintay sa panahon na kaniyang ipipinta ang pinakamagandang larawan kailanman; pagka sa wakas ay inalis na niya ang luma, balakyot na sistema na nagpaparumi at nakataklob sa lupang ito. Ang kamatayan ay mawawala na at ang sining sa panahong iyon ay nakatalagang lubusan sa buhay. Kung gayon, tanging ang kagandahan ang ipipinta, sapagkat sa pamamagitan ng matuwid na bagong sistema ng Diyos, ang kaabahan at sakit ay mawawala na magpakailanman.​—Isinulat.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share