Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 7/1 p. 7
  • Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Gantimpala sa Pagiging Mapagtapat
  • Gumagawa ng Pagkakataon ang mga Kabataan sa Italya Upang Magpatotoo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Ang Pagkamatapat ay Nagrerekomenda sa Ating Ministeryo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Tulong sa mga “Nauuhaw” sa Russia
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Maging Mapagtapat sa Lahat ng Bagay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 7/1 p. 7

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

◻ ANG “malaking pag-uusig” laban sa sinaunang kongregasyong Kristiyano ay naging dahilan upang magsipangalat ang maraming alagad ni Kristo. (Gawa 8:1) Gayunman, ang pag-uusig na ito ay tumalbog sapagkat yaong mga nagsipangalat ay “nagsipaglakbay, na ipinangangaral ang mabuting balita ng salita.” (Gawa 8:4) Si Felipe ay nagpatuloy na mangaral, at “ang mga karamiha’y nangagkaisang nakikinig.” (Gawa 8:6) Gaya ng pag-uusig na tumalbog noong unang siglo, ganiyan din ang nangyari sa isang nayon sa hilagang Thailand.

Isang special payunir ng mga Saksi ni Jehova ang nagsimulang mangaral sa nayong ito, ngunit sa pasimula ang mga taganayon ay hindi nakinig. Nang siya’y makipag-usap sa predikador doon, ang mga tao ay nagkatipon upang makinig. Natalos ng iba na mas malaki ang kaalaman sa Bibliya ng Saksi kaysa kaalaman ng kanilang ministro, kaya sila’y nagsimulang makipag-aral ng Bibliya sa payunir bagaman sila’y ginugulo ng iba. Ang iba sa kanilang mga pato ay pinagpapatay, pinagbantaang papatayin ang payunir, at ang bahay ng isang taong interesado ay sinunog. Ang sabi ng lalaki: “Puwede nilang sunugin ang aking bahay, pero hindi nila masusunog ang aking puso.” Yaong mga nakikipag-aral sa Saksi ay namisikleta nang malayo upang dumalo sa mga pulong sa Kingdom Hall. Apat sa kanila ang nabautismuhan, at anim pa ang dumadalo sa mga pulong kasama nila.

Gantimpala sa Pagiging Mapagtapat

◻ Ang mga kapatid sa Zambia ay nakalinang ng isang mabuting pangalan sa pagiging mapagtapat, at nagbunga ito ng mga pagpapala sa kanila, at nakatulong sa iba na makilala ang katotohanan. Isang elder, na isang regular payunir ang nakasakay sa bus at naulinigan niya ang isang Saksi na nakasakay rin sa bus na nagpapaliwanag sa iba tungkol sa pagkabuhay-muli. Isang pasahero ang nagtanong sa (babaing ito): “Bakit ba kayong mga Saksi ay nagsasabi na ang relihiyon ninyo ang tanging tunay na relihiyon?” Ang kapatid na lalaki ay sumali na sa usapan at sinabi niya sa pasahero na gagantimpalaan ni Jehova ang kaniyang mga Saksi sapagkat sila’y nagtuturo ng katotohanan buhat sa Bibliya.

Pagkaraan ng hatinggabi sa mahabang paglalakbay na ito, dumating ang bus sa isang may halang na kalye. Isang sundalo ang pumasok sa bus at nagtanong kung may nakasakay na mga Saksi ni Jehova. Mayroon palang tatlo. Saka sinabi niya: “Okey, manatili kayong nakaupo mga Saksi, ang natitira ay magsibaba na dala ang inyong mga bagahe.” Lahat ng iba pa ay nagsibaba nga sa ulanan, at pagkatapos mainspeksiyon, sila’y nagsibalik dala ang kanilang mga bagahe at basang-basa ang kanilang damit.

Pagkabalik nila sa bus, sinabi ng sundalo: “Kaya ko pinayagang manatili rito ang mga Saksi ay dahil sa sila’y mga taong mapagtapat. Marami na ang aming karanasan at natuklasan namin na sila ang tanging mapagtapat; pagka itinanong namin kung ano ang laman ng kanilang mga bag, ang katotohanan ang sinasabi nila sa amin.” Samantalang tumatakbo ang bus, nagtanong ang kapatid na lalaki: “Alin ang tunay na relihiyon?” Isang tao ang sumagot: “Yaong hindi nabasa sa ulan.”

Oo, ang pagkamapagtapat ay tumutulong upang ipakilala ang tunay na relihiyon, at tiyak na may kagantihan!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share