Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 12/1 p. 2-5
  • Talaga Bang Kailangan ang Relihiyon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Talaga Bang Kailangan ang Relihiyon?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Paglago ng Sekularismo
  • Ang Pag-urong ng Sekularismo
  • Panibagong Interes sa Relihiyon
  • Bahagi 19—Ika-17–ika-19 na siglo—Ang Sangkakristiyanuhan ay Nakikipagpunyagi sa Pagbabagong Pandaigdig
    Gumising!—1989
  • Sapat na ba ang Anumang Relihiyon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Relihiyon—Anong Kabutihan ang Naidudulot Nito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Bahagi 24—Ngayon at Kailanman—Ang Walang-Hanggang mga Kagandahan ng Tunay na Relihiyon
    Gumising!—1989
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 12/1 p. 2-5

Talaga Bang Kailangan ang Relihiyon?

ANG relihiyon ba ay mahalaga sa iyo? Ikaw kaya ay isang miyembro ng isang grupong relihiyoso o ng iglesiya? Kung gayon, wala kang gaanong ipinagkakaiba sa mga tao na nabuhay noong 1844, nang taon na sumulat ang pilosopong Aleman na si Karl Marx: “Ang relihiyon . . . ang opyo ng bayan.” Noong mga kaarawang iyon halos lahat ay nagsisimba at ang relihiyon ay may malaking impluwensiya sa lahat ng antas ng lipunan. Sa ngayon, iyan ay nagbago nang malaki, at bahagya lamang o tuluyang walang bahagi na ginagampanan ang relihiyon sa buhay ng daan-daang milyong tao. Kung ikaw ay nagsisimba, malamang na ikaw ay nasa minoridad sa inyong komunidad.

Ano ang sanhi ng pagbabago? Unang-una, si Karl Marx ay nakabuo ng isang pilosopyang laban sa relihiyon na naging lubhang maimpluwensiya. Malamang itinuring ni Marx na ang relihiyon ay isang hadlang sa pag-unlad ng tao. Kaniyang sinabi na ang mga pangangailangan ng tao ay lubusang matutustusan ng materyalismo, isang pilosopya na hindi nag-iwan ng puwang para sa Diyos o para sa tradisyonal na relihiyon. Kaya umakay ito sa kaniya na magsabi: “Ang unang kahilingan para sa kaligayahan ng mga tao ay ang alising tuluyan ang relihiyon.”

Ang pilosopya ni Marx ng materyalismo ay patuloy na pinaunlad ng sosyalistang Aleman na si Friedrich Engels at ng Rusong Komunistang lider na si Vladimir Lenin. Iyon ay nakilala bilang ang Marxismo-Leninismo. Hanggang kamakailan, mahigit na isang-katlo ng sangkatauhan ang namumuhay sa ilalim ng pulitikal na mga rehimen na sumusunod nang malawakan o nang di-gaanong malawakan sa ateistikong pilosopyang ito. Maraming mga lalaki at mga babae ang gumagawa pa rin ng ganiyan.

Ang Paglago ng Sekularismo

Subalit hindi lamang ang paglaganap ng pilosopyang Komunista ang nagpahina ng pagkapigil ng relihiyon sa sangkatauhan. Ang mga pag-unlad sa larangan ng siyensiya ay may ginampanan ding bahagi. Halimbawa, ang paglaganap ng teorya ng ebolusyon ang umakay sa marami na magduda sa pag-iral ng isang Maylikha. At mayroon pang ibang mga dahilan.

Binabanggit ng Encyclopædia Britannica na “ang pagkatuklas ng siyentipikong mga paliwanag para sa mga pangyayaring dating likha ng nakatataas-sa-taong mga puwersa” at “ang pag-aalis ng impluwensiya ng organisadong relihiyon buhat sa larangan ng aktibidad kagaya ng medisina, edukasyon, at mga sining.” Ang mga pangyayaring tulad ng mga ito ay humantong sa paglago ng sekularismo. Ano ba ang sekularismo? Ang ibig sabihin nito ay “isang pangmalas sa buhay . . . salig sa pangangatuwiran na ang relihiyon at ang mga bagay tungkol sa relihiyon ay dapat na huwag pansinin o sadyang kailangang ipuwera.” Ang sekularismo ay maimpluwensiya sa Komunista at di-Komunistang mga bansa.

Subalit ang sekularismo at ang Marxismo-Leninismo ay hindi nag-iisa sa pagpapahina sa impluwensiya ng relihiyon. Ang mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan ay kailangang sisihin din. Bakit? Sapagkat sa loob ng daan-daang taon sila’y nag-abuso ng kanilang autoridad. At sila’y nagturo ng mga doktrinang salig sa mga tradisyong wala sa Kasulatan at mga pilosopya ng tao imbes na sa Bibliya. Kaya naman, marami sa mga nasa kanilang kawan ang totoong nanghihina sa espirituwal upang makapanaig sa impluwensiya ng sekularismo.

Isa pa, ang mga iglesiya mismo sa kalakhang bahagi ang sa wakas nagbigay-daan sa sekularismo. Noong ika-19 na siglo, ang mga isklolar ng relihiyon sa Sangkakristiyanuhan ay nagharap ng isang anyo ng nakatataas na pamumuna na sumira, para sa marami, ng kredibilidad ng Bibliya bilang ang kinasihang Salita ng Diyos. Ang mga iglesiya, kasali na ang Iglesiya Katolika Romana, ay tumanggap sa teorya ng ebolusyon. Oo, sila’y nag-aangkin pa rin na naniniwala sa paglalang. Subalit sila’y nagpataan para sa posibilidad na ang katawan ng tao ay dumaan sa ebolusyon, samantalang ang kaluluwa lamang ang nilikha ng Diyos. Noong dekada ng 1960, ang Protestantismo ay nagharap ng isang teolohiya na nagpapahayag ng “kamatayan ng Diyos.” Maraming mga klerigong Protestante ang naging kunsintidor sa isang materyalistikong istilo ng pamumuhay. Kanilang sinang-ayunan ang pagtatalik bago pakasal at maging ang homoseksuwalidad. Ang ibang mga teologong Katoliko ay nagpaunlad ng liberation theology, inihahalo ang Katolisismo sa rebolusyonaryong Marxismo.

Ang Pag-urong ng Sekularismo

Sa gayon, nangibabaw ang sekularismo, lalung-lalo na noong dekada ng 1960 at hanggang sa mga kalagitnaan ng dekada ng 1970. Pagkatapos ay nagbagong muli ang mga bagay-bagay. Waring ang relihiyon, bagaman hindi ang usong mga relihiyon, sa kalakhang bahagi, ay muling sumigla. Sa buong daigdig, sa mga huling bahagi ng dekada ng 1970 at 1980 ay nasaksihan ang pagdami ng mga bagong grupo ng relihiyon.

Bakit muling nabuhay ang relihiyon? Ang Pranses na sosyologong si Gilles Kepel ay nagsabi na “ang mga taong hindi mga klerigo na may sekular na edukasyon . . . ay naniniwala na ang kulturang sekular ay nabigo at sa kanilang pagpapahayag ng kanilang kalayaan buhat sa Diyos, ang mga tao ay umaani ng kanilang inihasik sa pamamagitan ng kanilang pagmamataas at kapalaluan, samakatuwid, ang pagkadelingkuwente, diborsiyo, AIDS, pag-abuso sa droga, [at] pagpapatiwakal.”

Ang pag-urong ng sekularismo ay bumilis kamakailan sa waring pagguho ng Marxismo-Leninismo. Para sa maraming tao ang ateistikong pilosopyang ito ay naging isang mistulang relihiyon. Kung gayon, gunigunihin ang pagkalito ng mga taong naglagak dito ng kanilang tiwala! Isang pahatid-balita ng Washington Post buhat sa Moscow ang sumipi ng isang dating rektor ng Communist Party Higher School na nagsabi: “Ang isang bansa ay namumuhay hindi lamang sa pamamagitan ng kaniyang ekonomiya at mga institusyon, kundi rin naman dahil sa kaniyang mitolohiya at mga nagtatag sa kaniya. Nakasisira sa anumang lipunan na matuklasan na ang kanilang pinakadakilang mga alamat ay salig hindi sa katotohanan kundi sa propaganda at guniguni. Subalit iyan ang ating nararanasan ngayon tungkol kay Lenin at sa rebolusyon.”

Sa pagsasalita tungkol sa mga daigdig na Komunista at kapitalista, inamin ng sosyologong Pranses at pilosopong si Edgar Morin: “Hindi lamang nakita natin ang pagguho ng maningning na hinaharap na iniaalok sa manggagawa kundi nakita rin natin pati ang pagguho ng automatiko at natural na progreso ng sekular na lipunan, na kung saan ang siyensiya, rason, at demokrasya ay ipinagpapalagay na susulong na kusa. . . . Walang kaunlaran na matitiyak ngayon. Ang hinaharap na ating inasahan ay gumuho.” Ganiyan ang walang-kabuluhang damdamin ng marami na naglagak ng kanilang pananampalataya sa pagsisikap ng tao na lumikha ng isang lalong mainam na daigdig na hindi isinasali ang Diyos.

Panibagong Interes sa Relihiyon

Dahil sa ganitong pagkagising sa katotohanan na laganap sa buong daigdig, maraming taimtim na mga tao ang kumikilala sa espirituwal na pangangailangan sa kanilang buhay. Kanilang nakikita ang pangangailangan ng relihiyon. Subalit sila’y hindi nasisiyahan sa nauusong mga relihiyon, at ang iba naman ay may alinlangan tungkol sa mga bagong relihiyon​—kasali na ang mga kultong nagpapagaling, mga grupong karismatiko, misteryosong mga sekta, at maging mga grupo ng mga mananamba kay Satanas. Ang panatisismo sa relihiyon ay lumalaganap na rin. Kaya, oo nga, ang relihiyon ay bumabalik sa dati. Subalit ang gayon bang panunumbalik sa relihiyon ay mabuti para sa sangkatauhan? Siyanga pala, ang anuman bang relihiyon ay talagang kasagutan sa espirituwal na pangangailangan ng sangkatauhan?

[Larawan sa pahina 3]

“Ang relihiyon ang buntung-hininga ng naaaping nilikha, ang damdamin ng isang daigdig na walang puso, at ang kaluluwa ng walang-kaluluwa. Ito ang opyo ng bayan”

[Credit Line]

Larawan: New York Times, Berlin​—33225115

[Larawan sa pahina 4]

Nakita ni Vladimir Lenin (sa itaas) at Karl Marx na ang relihiyon ay isang hadlang sa pagsulong ng tao

[Credit Line]

Musée d’Histoire Contemperaine​—BDIC (Universitiés de Paris)

[Larawan sa pahina 5]

Ang ideolohiyang Marxista-Leninista ay nagtanim ng dakilang mga pag-asa sa mga puso ng milyun-milyong mga tao

[Credit Line]

Musée d’Histoire Contemperaine​—BDIC (Universitiés de Paris)

[Picture Credit Line sa pahina 2]

Cover photo: Garo Nalbandian

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share