Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 12/15 p. 28-29
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Lumakad na Gaya ng mga Naturuan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Turo, Tagubilin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pagtatayo ng Isang Pamilyang May Matibay na Espirituwalidad
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 12/15 p. 28-29

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Ano ang dapat gawin ng isang pamilyang Kristiyano kung ang kanilang anak ay kailangang mag-aral sa isang paaralan na kung saan sapilitan ang pagtuturo ng relihiyon?

Ang mga magulang na Kristiyano ay hindi interesado na ang kanilang mga anak ay maindoktrinahan sa huwad na relihiyon. Subalit may mga situwasyon na ang mga anak ay hindi makatanggi sa isang klase na kung saan itinuturo ang relihiyon, bagaman sila’y hindi nakikibahagi sa mga gawain o mga seremonya ng huwad na relihiyon.

Ang kaibigan ng Diyos na si Abraham ay nagpakita ng isang mainam na halimbawa kung tungkol sa pagtuturo ng relihiyon sa mga anak. Ang kaniyang mga supling ay pinalaki niya sa Canaan, na doo’y napalilibutan sila ng relihiyosong mga turong mali at kasuklam-suklam na “sagradong” mga gawain. (Ihambing ang Exodo 34:11-15; Levitico 18:21-30; Deuteronomio 7:1-5, 25, 26; 18:9-14.) Gayunman, siya ang nagtuturo ng relihiyon sa kaniyang pamilya. May tiwala ang Diyos na si Abraham ay “mag-uutos sa kaniyang mga anak at sa kaniyang sambahayan pagkatapos niya upang kanilang patuloy na masunod ang paglakad sa daan ni Jehova upang gumawa ng katuwiran.”​—Genesis 18:19.

Bilang isang kabataan, si Jesus man ay nakinabang buhat sa pampamilya at pangkongregasyong pagtuturo sa tunay na pagsamba. Sa gayon, siya’y “patuloy na sumulong sa karunungan at sa pisikal na paglaki at nakasumpong ng biyaya sa harap ng Diyos at ng mga tao.”​—Lucas 2:52.

Sa karamihan ng mga panig ng lupa, ang mga kabataang Kristiyano ay tumatanggap ng sekular na edukasyon sa mga paaralang pampubliko. Hindi lahat ng itinuturo ay lubusang naaayon sa katotohanan ng Bibliya at sa tatag na katotohanan. Halimbawa, marami sa mga salinlahi ng mga kabataang Kristiyano ang nag-aaral ng siyensiya o biolohiya bilang bahagi ng kanilang normal na kurikulum. Karamihan sa kanila ay napahantad sa umiiral na mga teoriya ng ebolusyon at kaugnay na mga paniniwala tungkol sa “likas” na pinagmulan ng buhay sa lupa.

Gayunman, ang pagkahantad na ito ay hindi naging dahilan upang ang mga kabataang Kristiyanong ito ay maging mga tagapagtaguyod ng di-mapaniniwalaang ebolusyon. Bakit? Sapagkat sa tahanan at sa mga pulong Kristiyano, sila’y dati nang tumatanggap ng tumpak na impormasyon na nakasalig sa kinasihang Salita ng Diyos, na tumutulong na sanayin ang kanilang ‘mga pang-unawa na makikilala kapuwa ang matuwid at ang mali.’ (Hebreo 5:14) Maraming mga magulang ang nakipag-aral sa kanilang mga anak ng timbang na pangmalas sa ebolusyon sa nagpapatibay-pananampalatayang aklat na Life​—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation? a Palibhasa’y nasasangkapan na, ang mga batang nag-aaral na ito ay nagtakwil bilang di-kapani-paniwala sa turo tungkol sa ebolusyon na ginaganap sa mga silid-aralan. Subalit nagawa nilang ipakita sa kanilang mga pagtugon sa silid-aralan at sa mga eksamen na sila’y nakikinig at maaaring matuto ng mga detalyeng iniharap. Ang iba ay nagkaroon pa ng pagkakataon na magbigay ng katumbas na mga paliwanag na naaayon sa mga katibayang inihaharap sa Bibliya ng Maylikha ng tao.​—1 Pedro 3:15.

Ano, kung gayon, ang masasabi tungkol sa mga oras ng klase na doo’y nagtuturo ng tungkol sa pangunahing lokal na relihiyon o kahit na sa relihiyon bilang pangkalahatan?

Malayong mangyari na ang ganiyang pagtuturo ay gagawin nang walang kinikilingan, bilang impormasyon lamang. Ang guro ay maaari pa ngang iyon ang isinasagawang relihiyon at sa gayo’y magsisikap na maimpluwensiyahan ang mga isip at mga puso ng mga estudyante. Kaya mas gusto ng mga Saksi ni Jehova na ang kanilang mga anak ay ipuwera na sa mga klaseng nagtuturo ng relihiyon. Kaya baka tumulong ito sa kanilang mga anak na gamitin ang oras sa paaralan nang higit na kapaki-pakinabang upang matapos ang kanilang mga takdang-aralin sa mga ibang klase o upang mag-aral sa aklatan ng paaralan.

Subalit, sa mga ibang lugar ang ganiyang mga kahilingan ay ipinagkait; baka pa nga hilingin ng paaralan o ng mga autoridad publiko na lahat ng mga bata ay mag-aral at tumapos ng isang kurso sa relihiyon upang makapagtapos. Bawat pamilya ay kailangang magpasiya kung ano ba ang gagawin nila sa ganiyang kaso.

Ang iba sa mga lingkod ng Diyos noong nakalipas ay labag man sa kanilang kalooban na napalagay sa mga situwasyon na kung saan kailangang tiisin nila ang pagkabilad sa mga turo o mga gawaing relihiyoso samantalang nananatiling tapat sa tunay na Diyos. Malamang na ganiyan ang nangyari kay Moises. Siya’y lumaki na mistulang apo ng Faraon ng Ehipto, at siya “ay tinuruan sa lahat ng karunungan ng mga Ehipsiyo.” (Gawa 7:20-22) Marahil kasali na riyan sa papaano man ang mga paniwala at relihiyosong mga gawain na palasak sa Ehipto. Subalit si Moises ay iniadya ng mataas ang uri na turo na malamang na tinanggap buhat sa kaniyang pamilya at marahil sa mga ibang Hebreo.​—Exodo 2:6-15; Hebreo 11:23-26.

Isaalang-alang din ang halimbawa ng tatlong mga kabataang Hebreo, mga kasamahan ni Daniel, na tumanggap ng pantanging turo sa Babilonya at ginawang mga manggagawa ng pamahalaan. (Daniel 1:6, 7) Sila’y walang kalayaan na gawin o tanggihang gawin ang anumang ibig nila. Minsan iniutos ni Haring Nabucodonosor na sila’y makipagtipon sa ibang mga opisyales may kaugnayan sa imaheng ginto na kaniyang itinayo sa kapatagan ng Dura, na kung saan magsasagawa ng mga seremonyang makabansa. Papaano tumugon ang tatlong Hebreo? Matitiyak natin na mas gusto pa nila na sila’y wala roon, subalit hindi maaari iyon.b Gayunman sila’y nanatiling tapat sa kanilang mga paniniwala at sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Ang kanilang maka-Diyos na mga budhi ay nagpahintulot sa kanila na sila’y maging presente roon samantalang buong katigasang tumatangging makibahagi, o personal na makisali, sa anumang gawain ng huwad na relihiyon.​—Daniel 3:1-18.

Pagka sapilitan na lahat ng mga estudyante ay kailangang maging presente sa isang klase sa relihiyon at maaaring mag-aral hanggang sa magkaroon ng kakayahan na makapasá sa mga pamantayang eksamen, ang mga anak ng mga pamilya ng tunay na mga Kristiyano ay maaaring maging presente, katulad ng tatlong binanggit na, na sumunod sa utos ni Nabucodonosor. Subalit ang mga kabataang Kristiyano ay Diyos muna ang uunahin. Hindi na kailangang kanilang hamunin ang bawat sinabing maling pangungusap o bawat gawaing labag sa kasulatan na ginagawa ng iba, kung papaano ang tatlong Hebreo ay hindi nagsikap na manghimasok pagka ang iba ay yumuyukod sa imahing ginto. Gayunman, ang mga kabataang Kristiyano ay hindi makikibahagi sa mga gawain ng pagsamba, sa sama-samang mga pananalangin, relihiyosong mga awitin, at sa katulad na mga bagay.

Ang mga kabataang ito ay dapat na magsumikap sa ibang mga panahon na kumuha ng nagpapatibay na kaalaman ‘buhat sa banal na kasulatan na makapagpapadunong sa kanila para sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya may kaugnayan kay Kristo Jesus.’ (2 Timoteo 3:15) Sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan sa kanilang mga anak, ang mga magulang ay dapat na patuluyang sumusubaybay sa mga bagay na itinuturo sa kanila sa klase. Ito’y tutulong sa maygulang nang mga Kristiyano na makita kung ano ang kailangang ituwid o liwanagin buhat sa Bibliya upang ang kanilang mga anak ay huwag malito o mailigaw.

[Mga talababa]

a Lathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

b Ang Bibliya ay walang binabanggit na si Daniel ay naroon sa kapatagan ng Dura. Marahil dahilan sa kaniyang nakatataas na ranggo sa pamahalaan kung kaya siya’y ipinuwera na nang pagdalo roon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share