Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 3/1 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Kaparehong Materyal
  • Tagapamagitan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Bagong Tipan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • “Kayo ay Magiging Isang Kaharian ng mga Saserdote”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Tipan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 3/1 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Sinasabi ng Hebreo 9:16 na ang isang gumawa ng tipan ay kailangang mamatay upang ang isang tipan ay magkabisa. Subalit ang Diyos ang gumawa ng bagong tipan, at siya’y hindi namatay. Kaya papaano natin uunawain ang talatang ito?

Mababasa natin sa Hebreo 9:15-17: “Dahil dito siya [si Kristo] ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan ukol sa ikatutubos ng mga nagkasala sa ilalim ng dating tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako ng manang walang-hanggan. Sapagkat kung saan may tipan, doo’y kinakailangan ang kamatayan ng [taong] nakipagtipan. Sapagkat ang tipan ay may bisa kung mamamatay ang mga nakipagtipan, yamang ito’y walang bisa samantalang nabubuhay ang [taong] nakipagtipan.”a

Si Jehova ang aktuwal na Maygawa ng bagong tipan. Sa Jeremias 31:31-34, espesipikong inihula ng Diyos na siya mismo ang gagawa ng bagong tipang ito sa kaniyang bayan. Iyan ay sinisipi ni apostol Pablo sa Hebreo 8:8-13, na nagpapakita sa estriktong pananalita na naunawaan ni Pablo, na ang Diyos ang pinagmulan ng banal na tipang ito.

Gayunman, sa Hebreo kabanatang 9, si Pablo ay nagpatuloy ng pagtalakay sa sari-saring papel na ginampanan ni Jesus kung tungkol sa bagong tipan. Si Kristo ay naparito bilang Mataas na Saserdote ng tipan na ito. Buhat sa isa pang punto de vista, si Jesus ang hain para sa bagong tipan; tanging “ang dugo ni Kristo” ang maaaring “luminis sa ating mga budhi buhat sa mga patay na gawa.” Si Kristo ang Tagapamagitan din ng tipang ito, gaya ni Moises na tagapamagitan ng tipang Kautusan.​—Hebreo 9:11-15.

Binanggit ni Pablo na kailangan ang isang mamámatay upang magkabisa ang mga tipan sa pagitan ng Diyos at ng mga tao. Ang tipang Kautusan ay isang halimbawa. Si Moises ang tagapamagitan niyaon, ang isa na namamagitan upang matupad ang pinagkasunduan ng Diyos at ng Israel sa laman. Si Moises kung gayon ay gumanap ng isang mahalagang bahagi at siya ang tao na nakitungo sa mga Israelita upang makasali sa tipan. Sa gayon si Moises ay maituturing na ang taong nakipagtipan may kaugnayan sa tipang Kautusan na si Jehova ang maygawa. Subalit kinailangan bang magtigis ng dugo si Moises upang magkabisa ang tipang Kautusan? Hindi. Sa halip mga hayop ang inihandog, ang kanilang dugo ang kahalili ng dugo ni Moises.​—Hebreo 9:18-22.

Kumusta naman ang bagong tipan sa pagitan ni Jehova at ng bansa ng espirituwal na Israel? Si Jesu-Kristo ang may maluwalhating bahaging ginampanan bilang tagapamagitan, ang Tagapamagitan sa pagitan ni Jehova at ng espirituwal na Israel. Bagaman si Jehova ang pinagmulan ng tipang ito, ito’y nakasentro kay Jesu-Kristo. Bukod sa siya ang Tagapamagitan nito, si Jesus ay nagkaroon ng tuwirang mga pakikitungo sa laman sa mga taong unang mapapasali sa tipan na ito. (Lucas 22:20, 28, 29) Bukod diyan, siya’y kuwalipikado na magbigay ng haing kailangan upang magkabisa ang tipan. Ang haing ito ay hindi hamak na mga hayop kundi isang sakdal na buhay ng tao. Kaya maaaring tukuyin ni Pablo si Kristo bilang ang taong nakipagtipan ng bagong tipan. Pagkatapos na “si Kristo’y pumasok . . . sa langit mismo, ngayon upang humarap sa persona ng Diyos para sa atin,” ang bagong tipan ay nagkabisa.​—Hebreo 9:12-14, 24.

Sa pagtukoy kay Moises at kay Jesus bilang mga taong nakipagtipan, hindi ibig sabihin ni Pablo na alinman sa kanilang dalawa ang maygawa ng kaukulang mga tipan, na ang aktuwal na gumawa ay ang Diyos. Ngunit ang dalawang taong iyon bilang mga tagapamagitan ay lubhang kasangkot sa pagpapangyari ng kaukulang mga tipan. At sa bawat isa niyaon, kailangan ang isang kamatayan​—ng mga hayop na kahalili ni Moises, at ni Jesus na naghahandog ng kaniyang dugo para sa mga nasa bagong tipan.

[Talababa]

a Ang dalawang salitang Griegong ginamit dito para sa “nakipagtipan” ay literal na isinasaling “yaong (isa) na gumawa para sa sariling tipan” o “ng [isa] na gumagawa ng tipan.”​—The Kingdom Interlinear Translation of the Greek Scriptures, lathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc. at The Interlinear Greek-English New Testament, ni Dr. Alfred Marshall.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share