Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 2/15 p. 3-4
  • Paraiso o Basurahan—Alin ang Ibig Mo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paraiso o Basurahan—Alin ang Ibig Mo?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Hindi Lamang sa “Paraiso”
  • Di-gaanong Mapanganib Ngunit Totoong Nakayayamot
  • Isang Pagkalaki-laking Trabaho!
  • Magalak sa Malinis na Lupa na Malapit Na!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Pag-aalis ng Polusyon Buhat sa Puso at sa Isip
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Ang Tambak ng Basura—Tatabunan ba Tayo Nito?
    Gumising!—1990
  • Karagatan—Mahalagang Yaman o Pangglobong Imburnal?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 2/15 p. 3-4

Paraiso o Basurahan​—Alin ang Ibig Mo?

HINDI siya mapagkakamalan ninuman maliban sa siya ay: isang turistang taga-Europa na nangangailangan ng kapahingahan at nananabik na tamasahin ang kasiyahan ng pagpapainit sa sikat ng araw sa isang islang malaparaiso. Sa pagtawid sa malawak na buhanginan na itinambak ng hangin sa may dalampasigan, siya’y maingat na dumaan sa nagkalat na mga basyong bote, lata, mga bag na plastik, chewing-gum at mga balutan ng kendi, pahayagan, at mga magasin. Marahil ay nayayamot sa kaniyang nakita, naisip niya kung ito nga ang paraisong dahilan ng kaniyang paglalakbay upang marating.

Kayo ba ay nagkaroon na ng ganiyan ding karanasan? Bakit nangangarap ang mga tao na magbakasyon sa isang paraiso, subalit minsang sila’y naroroon na, waring hindi nag-aatubiling gawin iyon na isang talagang basurahan?

Hindi Lamang sa “Paraiso”

Ang waring pagwawalang-bahalang ito sa kagandahan, kaayusan, at kalinisan ay hindi pagtatakhan sa “mga paraiso” na dinaragsaan ng maraming turista. Ang modernong lipunan ay lubhang naapektuhan ng polusyon halos sa lahat ng dako. Ang maraming negosyo ang sanhi ng malawakang polusyon dahil sa nalilikhang tone-tonelada ng patapon nang mga produkto. Ang nakalalasong mga basura na hindi itinatapon sa wastong paraan at ang di-sinasadyang tumapon na mga langis ay nagbabantang ipahamak ang malalaking bahagi ng ating lupa, anupat nagiging mapanganib para sa buhay.

Ang mga digmaan ay lumilikha rin ng polusyon. Samantalang nagmamasid ang daigdig na nangingilabot, ang digmaan sa Persian Gulf noong 1991 ay nagdagdag pa ng isang bagong tanawin. Ang mga puwersa ng Iraq ay kusang nanunog ng mga 600 balon ng langis, anupat ang Kuwait ay ginawang “isang apocaliptikong pangitain ng impiyerno,” gaya ng pagkalarawan dito ng isang pahayagan sa Europa. Ang impiyernong iyan ay tinagurian ng magasing Aleman na Geo bilang “ang pinakamalaking kasakunaan ng kapaligiran na nagawa ng tao.”

Nang matapos ang digmaan sa Gulpo, isang gawaing paglilinis ang agad pinasimulan doon. Kahit na lamang ang pagpatay sa apoy sa nasusunog na mga balon ng langis ay gumugol ng maraming buwan ng puspusang pagtatrabaho. Nag-ulat ang World Health Organization na ang karagdagang polusyon sa Kuwait ay baka maging sanhi ng pagdami hanggang sa 10 porsiyento ng mga namamatay roon.

Di-gaanong Mapanganib Ngunit Totoong Nakayayamot

Para sa bawat litaw at tuwirang halimbawa ng malawakang polusyong pangkapaligiran, may libu-libong maliitang halimbawa. Ang mga tagapagkalat ng basura at mga “pintor” ng graffiti (mga debuhong nagbibigay mensahe) ay marahil hindi gaanong mapanganib na mga tagapagparumi, gayumpaman sila’y kabilang sa mga nagnanakaw sa planetang Lupa ng potensiyal nito na maging isang paraiso.

Sa mga ilang lugar ang graffiti ay palasak kung kaya ang mga mamamayan ay naging “manhid na sa graffiti,” halos hindi na nila iyon pinapansin. Ito’y makikita sa mga kotseng pang-subway, sa mga pader ng mga gusali, at kung saan may pampublikong mga telepono. Ang gayong pangit na mga guhit-guhit ay hindi lamang sa mga dingding ng mga pampublikong palikuran makikita.

May mga siyudad na punô ng giba at pinabayaang mga gusali. Ang mga tirahang lugar ay pinapangit ng maruruming tahanan at mga looban. Wasak na mga kotse, nakabarandal na mga makinarya, at mga basura ang nakakalat sa tanimang mga bukid na kung hindi gayon ay magiging kaakit-akit.

Sa mga ilang lugar ang mga tao ay waring walang pagkabahala tungkol sa kanilang marurumi at nanlilimahid na katawan. Ang paglalakad na taglay ang magulong hitsura ng pananamit at pag-aayos sa sarili ay hindi lamang sinasang-ayunan kundi itinuturing pang sunod sa moda. Ang mga taong maaayos at malilinis ay itinuturing na talagang makaluma.

Isang Pagkalaki-laking Trabaho!

Isang pagkalaki-laking trabahong paglilinis ang kakailanganin upang ang mga tabing-dagat, kagubatan, at kabundukan ng ating makalupang tahanan ay mabago at maging ang mga paraisong nakalarawan sa mga pabalat ng makikintab na magasin ng turismo​—huwag nang banggitin ang kailangang gawin sa mga siyudad, bayan, at mga lupang taniman at sa mga tao mismo!

Ang nabanggit na turista ay natuwa nang makita ang isang pangkat ng mga tagapaglinis na dumaraan sa lugar na iyon sa bandang hapon at inaalis ang malaki-laking piraso ng mga kalat. Subalit, kanilang iniwan ang mga bubog, ang mga takip ng bote at ng lata, at ang napakaraming upos ng sigarilyo kung bibilangin. Kaya kahit na pagkatapos linisin iyon, marami pa rin ang patotoo na ang tanawin ay may mas malapit na kaugnayan sa isang tapunan ng basura kaysa isang paraiso.

Ang paglilinis sa buong globo upang mailigtas ang planetang Lupa sa pagiging isang pangglobong basurahan ay nangangailangan ng pag-aalis sa lahat ng gayong mga labí ng mga pananalantang ito. Mayroon bang pag-asa na magaganap ang gayong paglilinis? Kung mayroon nga, sa papaano? Sino ang magsasagawa nito? Kailan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share