Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 3/1 p. 3-4
  • Ang Kompetisyon ba ang Susi sa Tagumpay?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kompetisyon ba ang Susi sa Tagumpay?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Tunay Bang Kapaki-pakinabang?
  • Kapayapaan ng Isip sa Isang Lipunang may Kompetensiya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Bahagi 6—Mga Kabalisahan sa Ekonomiya—Kailan Ito Magwawakas?
    Gumising!—1992
  • Huwag Makipagkompetensiya—Itaguyod ang Kapayapaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Edukasyunal na Paligsahan ng Hapón
    Gumising!—1986
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 3/1 p. 3-4

Ang Kompetisyon ba ang Susi sa Tagumpay?

“HINDI ang anupaman kundi ang basta pananalo, wala nang iba maliban dito.” Sa ngayon ay marami ang nakikiayon sa mga salitang ito, na galing sa isang football coach na Amerikano, si Vince Lombardi. Ngayon, ang dating Komunistang mga bansa ay lumahok na rin sa pagpuri sa prinsipyo ng kompetisyon. Ang pagpapakilala ng kompetisyon sa kanilang mga pamilihan ay masasabing pinaka-tiket sa kasaganaan. Sa Silangan maraming magulang ang inilalaban sa iba ang kanilang mga anak at ipinapasok sila sa pangmadaliang mga paaralan na magtuturo sa kanila ng pambihirang kakayahan upang makapasa sa mga entrance exam. Ang lubhang nababahalang mga magulang ay kumbinsido na ang pagpasok sa isang kilaláng paaralan ay siyang susi sa panghinaharap na kasaganaan.

Ang kompetisyon, ayon sa paniniwala ng marami, ay siyang susi ng tagumpay. Ayon sa kanilang paniniwala, ang mga tao ay umuunlad sa pamamagitan ng pakikipagkompetensiya sa isa’t isa. “Ang kompetisyon upang umasenso ay siyang pinagmumulan ng katatagan ng mga korporasyon ng mga Hapones,” sabi ng 65.9 porsiyento ng mga tagapangasiwa ng pangunahing mga korporasyon na sinurbey ng Federation of Economic Organizations ng Hapón. At wari ngang malaon nang nagtatagumpay ang mga kompanya ng mga Hapones. Gayunman, tunay nga bang ang kompetisyon ang susi sa tagumpay?

Tunay Bang Kapaki-pakinabang?

Ang mga taong nakikipagpaligsahan sa iba ay nagpapamalas ng sakim, ako-munang saloobin. Sila’y maligaya kapag natatalo nila ang iba, na ginuguniguning ito’y magpapataas naman ng kanilang sariling marka. Para sa kanilang sariling sakim na pakinabang, baka sila’y gumamit ng mga taktikang makasásamá sa iba. Saan aakay ang gayong paghahangad na magtagumpay sa pamamagitan ng kompetisyon? Si Yasuo, na inilulong ang sarili sa paligsahan upang kilalanin sa kaniyang kompanya, ay gumugunita ng kaniyang nakaraan at ang sabi: “Palibhasa’y punung-puno ng espiritu ng kompetisyon at walang nasa isip kundi ang umasenso, inihahambing ko ang aking sarili sa iba at nadama kong ako ang pinakamataas. Kapag ang mga taong iyon ay inilagay sa posisyong mas mataas sa akin, araw-araw akong nagrereklamo tungkol sa pangangasiwa ng kompanya sa mga tauhan nito. Wala akong kaibigan sa tunay na kahulugan ng salita.”

Ang espiritu ng pakikipagkompetensiya ay maaari ring umakay sa wala-sa-panahong kamatayan. Papaano? Iniuugnay ng Mainichi Daily News ng Hapón ang karoshi, o pagkamatay dahil sa sobrang pagtatrabaho, sa pag-uugaling type-A. Ang type-A ay naglalarawan sa isang takbo ng pag-uugali na nakikipagpunyagi sa kaigtingan sa pamamagitan ng pakikipag-unahan sa panahon, pakikipagkompetensiya, at pagiging magagalitin. Iniuugnay ng Amerikanong mga cardiologist na sina Friedman at Rosenman ang pag-uugaling type-A sa sakit sa puso. Oo, ang espiritu ng kompetisyon ay nakamamatay.

Ang kompetisyon sa pinagtatrabahuhan ay maaaring umakay rin sa iba pang pisikal at mental na karamdaman. Ang isang halimbawa ay si Keinosuke, na pinakamagaling na ahente sa isa sa pangunahing tagapagbenta ng kotse sa Hapón. Nakagawa siya ng rekord nang makabenta siya ng 1,250 kotse sa kabuuan. Ang kaniyang larawan ay ikinuwadro at isinabit sa silid na ginagamit ng lupon ng mga direktor sa punong-tanggapan ng kompanya. Bagaman labag sa kaniyang kalooban ang paggamit sa kaniyang mga kasamahan bilang pinaka-batong-tuntungan upang umasenso, pinilit siya ng kompanya na makipagkompetensiya. Bilang resulta, sa loob ng isang taon siya’y nagkasakit ng gastric at duodenal ulcers. Nang taon ding iyon, 15 tagapangasiwa sa kaniyang kompanya ang naospital, at isa ang nagpakamatay.

Sa tahanan, ang saloobin ng pakikipagpaligsahan sa kapitbahay ay nagbubunsod sa mga tao na ipagparangalan ang kanilang kayamanan sa isang di-natatapos na paligsahan. (1 Juan 2:16) Nakikinabang lamang dito ang komersiyo, anupat inilalagay ang salapi sa mga kamay ng mga komersiyante ng daigdig.​—Ihambing ang Apocalipsis 18:11.

Bagaman ang pagpapaligsahan at ang isang espiritu ng kompetisyon ay nagdudulot ng kahusayan sa paggawa, hindi katakataka na mapansin ni Haring Solomon: “Nakita ko ang lahat ng pagpapagal at kahusayan sa paggawa, na ito’y pagpapaligsahan ng isa’t-isa; ito man ay walang kabuluhan at nauuwi sa wala.” (Eclesiastes 4:4) Kaya papaano natin mapananatili ang kapayapaan ng isip samantalang nabubuhay sa isang mapagkompetensiyang lipunan? Upang malaman, tingnan muna natin kung saan nagmula ang idea ng kompetisyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share