Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 5/15 p. 3-4
  • Pinag-isipan ng Isang Pinuno ang Kaniyang Hinaharap

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinag-isipan ng Isang Pinuno ang Kaniyang Hinaharap
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Nakikita Kaya Tayo ng mga Patay?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Sino ang Nakatira sa Dako ng mga Espiritu?
    Gumising!—1996
  • Ang Pagsamba ba sa Ninuno ay Para sa mga Kristiyano?
    Gumising!—1989
  • Pakikipag-ugnayan sa Dako ng mga Espiritu
    Gumising!—1996
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 5/15 p. 3-4

Pinag-isipan ng Isang Pinuno ang Kaniyang Hinaharap

ANG pinunong taga-Kanlurang Aprika ay lubhang minamahal at totoong iginagalang na lider sa kaniyang pamayanan. Sa kaniyang ika-78 kaarawan, nagtipon ang kaniyang mga kaibigan, pamilya, at iba pang mga tagasuporta upang batiin siya. Sa isang talumpati, ang pinuno ay pumili ng isang kakaibang paksa para sa okasyong iyon. Nagpahayag siya ng kaniyang mga idea tungkol sa buhay pagkatapos ng kamatayan.

Sinabi niya na sa kabila pa roon ng libingan ay “may isang bagong daigdig na walang pandaraya, inggit at kasakiman.” Inilarawan niya iyon na isang daigdig na “nababalot ng hiwaga,” isa na tinatahanan lamang ng mga matuwid, na kikilos na kaisa ng Diyos.

Ang ganiyang mga paniniwala ay karaniwan na sa mga tao sa buong Aprika. Ayon sa kinagisnang relihiyon sa Aprika, ang kamatayan ay hindi siyang katapusan ng buhay kundi isang pagbabago lamang, isang paglipat sa buhay sa dako ng mga espiritu. Sa kamatayan ang isang tao ay sinasabing tumatawid mula sa nakikitang daigdig tungo sa di-nakikita. Bilang espiritu, ang isa kung gayon ay pumapasok ngayon sa isang dako na tinatahanan ng kaniyang mga ninuno.

Maraming taga-Kanlurang Aprika ang naniniwala na ang mga ninuno, o espiritu ng mga ninuno, ang tumitiyak sa ikabubuti ng kani-kanilang pamilya sa lupa. Ganito ang sabi ng aklat na West African Traditional Religion: “Walang mahigpit na pagkakaiba ng impluwensiya sa pagitan ng mga miyembro ng pamayanan na naririto pa sa lupa, at niyaong nasa daigdig sa dako pa roon. Nang naririto sa lupa, [ang mga ninuno] ay matatanda ng kanilang pamilya. Ngayon na sila’y nakukubli na mula sa atin, sila’y matatanda pa rin sa daigdig ng mga espiritu. Hindi napapawi ang kanilang interes sa pangkalahatang kapakanan ng kani-kanilang pamilya.”

Kaya naman inaasahan ng nabanggit na matanda nang pinuno na makakasama niya ang kaniyang mga ninuno at gagawang kasama nila sa dako ng mga espiritu. Sabi niya: “Matibay ang paniniwala ko sa buhay pagkatapos ng kamatayan at sa posibilidad ng aking patuloy na paglilingkod​—kahit na pagkatapos mamatay.”

Gayunman, dahilan sa sumunod na sinabi ng pinuno, nagmungkahi ang pahayagang Sunday Times na siya’y “waring hindi lubusang kumbinsido” tungkol sa buhay sa kabila pa roon ng libingan. Sinabi niya sa nagkakatipong pulutong na siya’y may nabalitaang isang aklat na tumatalakay sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Limang taon nang hinahanap ng pinuno ang aklat na iyon. Ganiyan na lamang ang kaniyang pananabik na mabasa iyon anupat nag-alok siya ng halagang katumbas ng $1,500 (E.U.) sa kaninumang makapagdadala sa kaniya ng isang kopya.

Disin sana’y naiwasan ng pinuno ang pagkaabala sa pamamagitan ng pagsangguni sa aklat na hindi mahirap hanapin. Ito’y isang aklat na madaling makuha at hindi gawa ng tao kundi ng Maylikha ng lahat ng tao. (1 Tesalonica 2:13) Ang aklat na iyon ay ang Bibliya. Ano ba ang sinasabi niyaon tungkol sa buhay pagkatapos ng kamatayan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share