Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w95 12/1 p. 24-27
  • Nagsusugo ng mga Misyonero ang Watchtower Educational Center

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagsusugo ng mga Misyonero ang Watchtower Educational Center
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Payo sa Nagtapos na Klase
  • Kinilalang Mabuti ang Klase
  • Isang Bagong Tahanan Para sa Paaralang Misyonero ng Gilead
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Paaralang Gilead—50 Taóng Gulang at Patuloy Pang Umuunlad!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Ang Paaralang Gilead ay Nagsugo ng ika-100 Klase Nito
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Nagtapos na mga Estudyante ng Salita ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
w95 12/1 p. 24-27

Nagsusugo ng mga Misyonero ang Watchtower Educational Center

ANG Watchtower Bible School of Gilead ay nakapagdaos na ng mga klase sa iba’t ibang lokasyon. Sa pagitan ng 1943 at 1960, 35 klase, na binubuo ng mga estudyante buhat sa 95 lupain, ang tumanggap ng pantanging pagsasanay sa mga pasilidad sa South Lansing, New York, E.U.A. Pagkatapos ay lumipat ang paaralan sa pandaigdig na punong-tanggapan sa Brooklyn, New York, kung saan ito ay nanatili sa loob ng halos 28 taon. Mula 1988 hanggang sa bandang pasimula ng 1995, ang Paaralang Gilead ay nagdaos ng mga klase sa Wallkill, New York.

Noong mga taóng ito ay pinalawak ng paaralan ang saklaw ng mga operasyon nito. Sa ilalim ng pangangasiwa nito isang sampung-linggong kurso ng pagtuturo ang inilaan sa tatlong klase sa Mexico; lima ng gayong klase ang binuo sa Alemanya; dalawa sa India. Sapol noong 1987 isang sangay na paaralan na kilala bilang Ministerial Training School ang nagdaraos ng mga klase sa 34 na lupain, anupat naglalaan ng pantanging walong-linggong kurso ng pagsasanay para sa mga kabataang lalaki na kuwalipikado. Gayunman, ang pagtuturo sa ika-99 na klase ng Gilead, na ginanap sa bagong-tayóng Watchtower Educational Center sa Patterson, New York, ay isang 20-linggong kurso, isa na may komprehensibong pag-aaral ng buong Bibliya, pagtalakay sa kasaysayan at organisasyon ng mga Saksi ni Jehova sa modernong panahon, gayundin ng maraming payo tungkol sa misyonerong gawain sa ibang bansa.

Noong Setyembre 2, nagtapos ang ika-99 na klaseng iyan ng Gilead. Ang tatlong oras na programa sa pagtatapos ay ginanap sa maganda at bagong awditoryum sa Watchtower Educational Center. Iyon ay napuno. Karagdagang mga tagapakinig sa mga pasilidad ng Bethel sa Patterson, Wallkill, at Brooklyn ang iniugnay sa pamamagitan ng elektronikong pamamaraan. Iyon ay isang kapana-panabik na araw hindi lamang para sa nagtapos na klase pati ang kanilang mga kamag-anak at matatalik na kaibigan kundi gayundin sa daan-daang nakibahagi bilang mga boluntaryo sa pagtatayo ng maganda at bagong mga pasilidad ng paaralan.

Sa kaniyang pambungad na pananalita, si Carey Barber ng Lupong Tagapamahala ay nagpako ng pansin sa kahalagahan ng nagaganap. Sinabi niya: “Ito ang magiging sentro ng pinakadakilang banal na gawaing pagtuturo na ginanap kailanman sa lupang ito.” Ipinaliwanag niya na tayo ay papalapit na sa kasukdulan ng pagdidigmaan sa pagitan ng binhi ng babae at ng binhi ng serpiyente. (Genesis 3:15) Ipinakita niya na ang tanging makaliligtas sa kasindak-sindak na paghaharap sa dumarating na malaking kapighatian ay yaong may tumpak na kaalaman sa Salita ng Diyos at sinusunod iyon.

“Ang ating kasalukuyang programa ng edukasyon,” ang pahayag niya, “ay dinisenyo upang dalhin ang buong bayan ni Jehova sa lahat ng dako tungo sa mahusay na kalagayan ng pagkamaygulang na inilarawan sa Kawikaan 1:1-4​—yaong pagkilala sa karunungan at disiplina, kakayahang alamin ang kaunawaan, pagtanggap ng disiplina na nagbibigay ng malalim na unawa, katuwiran, kahatulan, pagkamakatarungan, at kakayahang mag-isip.” Ano ngang laking proteksiyon ang magtaglay ng gayong espirituwal na kayamanan!

Payo sa Nagtapos na Klase

Ang mga panimulang komentong iyon ay sinundan ng sunud-sunod na limang maiikling diskurso para sa nagtapos na klase. Si Harold Jackson, isang dating instruktor sa Gilead at ngayon ay kabilang sa mga tauhan sa punong-tanggapan sa Brooklyn, ay humimok sa klase, “Manghawakan sa Inyong Maka-Diyos na Pagkakontento.” Si Lloyd Barry, isang misyonero nang matagal na panahon at ngayon ay miyembro ng Lupong Tagapamahala, ay nagsalita sa paksang “Paglilingkod kay Jehova Taglay ang Pagpapakumbaba.” Ipinaliwanag niya na ang katangiang ito ay magiging mahalaga sa mga estudyante sa kanilang pakikibagay sa bagong mga kalagayan gayundin sa kanilang kaugnayan sa mga kapuwa misyonero, sa mga kongregasyon na kanilang paglilingkuran, at sa mga tao sa lugar na iyon.

Si Karl Adams, na kasalukuyang naglilingkod sa pakultad ng Gilead, ay nangatuwiran sa klase sa tanong na, “Aakayin Kayo ng Pananampalataya na Gawin ang Ano?” Pinasigla niya sila na huwag maging gaya ng mga Israelita na nagreklamo tungkol sa mga kalagayan sa ilang at nanabik na bumalik sa Ehipto kundi, sa halip, maging gaya ni Abraham, na tumingin sa Kaharian ng Diyos bilang siyang lunas sa mga suliranin sa halip na sa pagbabalik sa Ur ng mga Caldeo. (Exodo 16:2, 3; Hebreo 11:10, 15, 16) Si Ulysses Glass, ang tagapagrehistro sa paaralan, ay gumamit sa karanasan ni Asap na nakaulat sa Awit 73 upang paalalahanan ang nagtapos na klase na, “Isa-Isahin ang Inyong mga Pagpapala.” At si Albert Schroeder, isang miyembro ng Teaching Committee ng Lupong Tagapamahala, ay nagsalita sa temang “Naglalaan si Jehova.” Bilang patotoo ng gayong paglalaan, itinuro niya ang Paaralang Gilead mismo at ang papel nito sa pagtupad sa dakilang gawaing pangangaral at paggawa ng alagad.

Pagkaraan ang mga tagapakinig ay matamang nagpako ng pansin nang si Milton Henschel, ang presidente ng Samahang Watch Tower, ay magsalita tungkol sa “Mga Sangkap na Nauukol sa Isa’t Isa.” Siya ay bumasa at nagkomento nang detalyado sa Roma kabanata 12. Bukod sa iba pang bagay, sinabi niya: “Kailangan nating isaalang-alang na tayo ay may napakalapit na kaugnayan sa ating mga kapuwa lingkod sa kongregasyon.” Sinabi pa niya: “Mabuti para sa atin na laging isipin ang isa’t isa bilang pag-aari ni Jehova, at sa halip na maging mapamuna, sa halip na maghanap ng pagkakamali, palagi tayong maging matulungin. Tinutulungan natin ang ating sarili kapag pinananatili natin ang espirituwal na pagkakaisa ng Kristiyanong kongregasyon.” Ipinakita niya kung papaanong ang gayong pagiging matulungin ay maipakikita sa paghahanda ng pagkain sa mga tahanang pangmisyonero, anupat isinasaalang-alang ang bagay na lahat ay hindi makakakain ng iisang bagay. Pinasigla rin niya ang pagtulong sa halip na pagpuna kapag nakikibahagi sa paglilingkod sa larangan kasama ng mga kapuwa Kristiyanong hindi nakaririwasa. Kung tayo ay talagang matulungin, nakapagpapatibay, nakapagpapasigla sa isa’t isa, binanggit ni Brother Henschel na, “iibigin tayo ni Jehova dahil dito.” Ano ngang husay na paalaala sa mga misyonero na malapit nang maglingkod sa mga lupain na sa maraming paraan ay lubhang naiiba doon sa kanilang lilisanin!

Kinilalang Mabuti ang Klase

Ang katamtamang edad ng 48 estudyante ng ika-99 na klase ay 32 anyos at nakagugol na ng mahigit sa 11 taon sa buong-panahong ministeryo.

Ang mga panayam na bahagi ng programa ng pagtatapos ay nagbigay sa mga tagapakinig ng pagkakataong makilalang mabuti ang ilan sa kanila. Sina Nikki Liebl, buhat sa Estados Unidos, at Simon Bolton, mula sa Inglatera, ay naglahad ng mga pangyayari na sumubok sa kanilang pananampalataya na maglalaan si Jehova ng kanilang pisikal na pangangailangan. Naranasan nila ang pangangalaga ni Jehova habang inuuna nila ang buong-panahong ministeryo.

Si Isabelle Kazan, na ang tinubuang wika ay Pranses, ay nagsabi na nag-aral siya ng Arabe upang makapagpatotoo sa mga taong nagsasalita ng Arabe sa kaniyang bansa. Nang magsimula siya noong 1987, ang isang maliit na grupo sa Paris ay binubuo lamang ng apat na kapatid na lalaking nagsasalita ng Arabe, bukod sa kaniya at isa pang kapatid na babae na nag-aaral ng wika. (Hindi madali iyon. Gumugugol sila ng walong oras sa paghahanda sa kanilang aralin sa Bantayan bawat linggo upang sila’y makapagkomento.) Sulit ba ang pagsisikap? Buweno, ngayon ay mayroon nang mga Saksing nagsasalita ng Arabe na inorganisa sa limang sirkito sa buong Pransiya. Isa pang estudyante, si Miko Puro, ay naglahad kung papaanong ang Pranses na natutuhan niya sa paaralan ay nagpangyaring makapangaral siya sa mga Aprikanong refugee sa kaniyang tinubuang Finland, at iyon ay magiging mahalaga rin sa kaniyang atas misyonero sa Benin. Isinalaysay naman ni Bonny Bowes ang kaniyang pagsisikap na makapagsalita ng Pranses nang matatas upang siya’y mabisang makapaglingkod sa Quebec, Canada. At si Bjarki Rasmussen, na galing sa Denmark, ay naglahad ng mga naging karanasan nilang mag-asawa sa mga taon ng paglilingkod sa Faeroe Islands. Oo, ang mga bagong misyonerong ito ay makaranasang buong-panahong mga ministro.

Ang mga nagtapos ay iniatas sa 19 na lupain​—sa Aprika, Sentral at Timog Aprika, Silangang Europa, at sa Silangan. Ang mga nagtapos sa mga naunang klase ay nakapaglingkod na sa mahigit na 200 lupain. Marami sa mga nagtapos na iyon ay abala pa rin sa kanilang mga atas. Makakasama nila ngayon ang mga bagong misyonerong ito sa higit pang pagpapaabot ng patotoo ng Kaharian sa pinakamalalayong bahagi ng lupa.​—Gawa 1:8.

[Mga larawan sa pahina 25]

Mga kuha sa loob ng klase sa Watchtower Educational Center

[Larawan sa pahina 26]

Ika-99 na Nagtapos na Klase ng Watchtower Bible School of Gilead

Sa talaan sa ibaba, ang mga hanay ay nilagyan ng bilang mula sa unahan palikod, at ang mga pangalan ay nakatala mula kaliwa pakanan sa bawat hanay.

(1) Heffey, S.; Riley, E.; Mortensen, D.; Honable, A.; Bolton, J.; Poole, J.; Siimes, G.; Sousa, L. (2) Pashnitski, B.; Shepherd, D.; Pashnitski, W.; Järvinen, J.; Paulsen, K.; Rasmussen, E.; Schewe, C.; Olsson, L. (3) Paulsen, E.; Samsel, T.; Bowes, B.; Harris, E.; Kazan, I.; Liebl, N.; Sousa, P.; Puro, J. (4) Lager, K.; Lager, V.; Golden, K.; Bolton, S.; Johnson, M.; Johnson, S.; Liebl, A.; Rasmussen, B. (5) Harris, D.; Samsel, W.; Schewe, O.; Heffey, R.; Kazan, L.; Riley, T.; Järvinen, O.; Puro, M. (6) Mortensen, D.; Golden, R.; Honable, L.; Shepherd, M.; Bowes, R.; Siimes, T; Poole, E.; Olsson, J.

[Mga larawan sa pahina 27]

Nananatili pa rin sa kanilang atas: (kaliwa) Si Charles Leathco at ang kaniyang kabiyak, si Fern, sa Brazil, mga nagtapos sa una at ikaanim na klase ng Gilead; (ibaba) Si Martha Hess, sa Hapón, nagtapos sa ikapitong klase ng Gilead

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share