Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w96 12/1 p. 21-23
  • Ang Ika-101 Klase ng Gilead—Masigasig sa Maiinam na Gawa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Ika-101 Klase ng Gilead—Masigasig sa Maiinam na Gawa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Praktikal na Payo Upang Manatiling Masigasig
  • Mga Karanasang Nagpapasigla sa Masigasig na Paggawa
  • Magalak sa Pag-asa ng Kaharian!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Nagtapos na mga Estudyante ng Salita ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Malasin ang mga Bagay-bagay Ayon sa Pangmalas ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Magsaya Kayo kay Jehova at Magalak
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
w96 12/1 p. 21-23

Ang Ika-101 Klase ng Gilead​—Masigasig sa Maiinam na Gawa

ANG ating Maylalang, ang Diyos na Jehova, ay masigasig sa maiinam na gawa, at gayundin ang kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. Bilang ating halimbawa, nagpamalas si Jesus ng kasigasigan sa pagsasakatuparan ng kaniyang bigay-Diyos na atas, na kasali ang pagbibigay ng “kaniyang sarili para sa atin upang . . . linisin [niya] para sa kaniyang sarili ang isang bayan na katangi-tanging kaniya, masigasig sa maiinam na gawa.” (Tito 2:14) Tiyak na nagpakita ng kasigasigan sa maiinam na gawa ang 48 miyembro ng ika-101 klase ng Watchtower Bible School of Gilead. Ang programa sa pagtatapos para sa mga misyonerong ito ay ginanap noong Setyembre 7, 1996, sa Watchtower Educational Center sa Patterson, New York.

Praktikal na Payo Upang Manatiling Masigasig

Ang tsirman sa programa ng pagtatapos ay si Carey Barber, isang miyembro ng Lupong Tagapamahala, na may mahigit na 70 taon sa buong-panahong ministeryo. Sa kaniyang pambungad na pananalita, itinawag-pansin ni Brother Barber ang gawaing pangangaral at pagtuturo ni Jesus, na siyang “liwanag ng sanlibutan.” (Juan 8:12) Sinabi niya na hindi sinarili ni Jesus ang marangal na tungkuling iyon kundi pinasigla niya ang kaniyang mga alagad na pasikatin din nila ang kanilang liwanag. (Mateo 5:14-16) Ang pribilehiyong ito ng paglilingkod ay nagdaragdag ng kabuluhan sa buhay ng isang Kristiyano at nag-aatang ng mabigat na pananagutan sa mga balikat ng lahat ng ‘lumalakad gaya ng mga anak ng liwanag.’​—Efeso 5:8.

Kasunod ng gayong mga pambungad, ipinakilala si Don Adams na naglilingkod sa mga Tanggapang Pampangasiwaan sa punong-tanggapan sa Brooklyn. Ipinahayag niya ang paksang “Pagkilos na Pasulong, Hindi Paurong.” Nagtuon ng pansin si Brother Adams sa Paaralang Gilead mismo at sa layunin nito​—ang palawakin ang pangangaral ng mabuting balita sa mga banyagang lupain. Binanggit niya ang tungkol sa pagsulong ng organisasyon ng Diyos, na naglalathala ng literatura sa Bibliya sa buong daigdig sa mahigit na 300 wika. Ang aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan, na inilathala noong 1995, ay makukuha sa 111 wika at isinaayos na ilimbag sa higit pang wika. Naging kasangkapan na ito sa pagtulong sa bagong mga alagad ni Jesus upang makapag-alay at makapagpabautismo sa loob lamang ng ilang buwan. Kaya magagamit ng mga bagong misyonero sa kanilang gawain ang pinakabagong pantulong sa pag-aaral ng Bibliya.

Sumunod, nagpahayag si Lyman Swingle, isang miyembro ng Lupong Tagapamahala, hinggil sa paksang “Patuloy na Iukol ang Inyong Sagradong Paglilingkod kay Jehova,” salig sa Apocalipsis 7:15. Yamang si Jehova mismo ay isang maligayang Diyos, ang patuloy na paglilingkod sa kaniya ang siyang nagpapaligaya sa isa. (1 Timoteo 1:11) Bunga ng maligayang paglilingkurang ito, dumagsa ang isang malaking pulutong ng mga indibiduwal buhat sa lahat ng panig ng lupa upang sumamba sa kaniya. Sa nagdaang mga taon, yaong sinanay sa Paaralang Gilead ay nakatulong sa marami sa mga ito na matamo ang tumpak na kaalaman sa katotohanan. Kaya naman, taglay natin ang lahat ng dahilan upang maniwala na patuloy na pagpapalain ni Jehova yaong mga isinusugo ngayon upang tipunin ang higit pang miyembro ng dumaraming malaking pulutong.

Itinampok ni Daniel Sydlik, isa ring miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang temang “Minumunimuni ang Kagalakan kay Jehova.” Ipinakita niya na lahat ng lingkod ng Diyos, kasali na ang mga bagong misyonero, ay may pribilehiyong ituro sa mga tao ang daan ng buhay na walang-hanggan at ang daan upang matamo ang pinakamainam sa buhay ngayon. “Ang pagtuturo,” sabi ni Brother Sydlik, “ay isang kapaki-pakinabang na propesyon. Maaaninaw ito sa mga mukha ng mga tao na nagtuturo at sa mga mukha ng mga tao na natututo.” (Awit 16:8-11) Inulit niya ang binigkas ng isang misyonero sa Estonia na nagsabi, “Taglay natin ang pinakadakilang mensahe sa balat ng lupa, at ibinabadya ito ng ating mukha.” Ang ibinabadya ng ating mukha ay maaaring magbukas ng maraming pintuan at pumukaw ng interes. Nais malaman ng mga tao kung ano ang nagpapaligaya sa mga lingkod ni Jehova. “Kaya bigyang-pansin ang inyong mukha,” ang payo ni Brother Sydlik. “Natutuwa ang mga tao na makita ang maliligayang tao.”

Si Ulysses Glass, na nakikibahagi sa pagtuturo sa mga estudyante ng Gilead sapol noong ika-12 klase noong 1949, ay nagpahayag sa mga dumalo sa paksang “Taglay ang Pagtitiis, Ingatan ang Inyong Kaluluwa.” Ano ang pagtitiis? Ipinahihiwatig nito ang diwa ng mahinahong paghihintay sa isang bagay, anupat kalmado kapag ginagalit o dumaranas ng kaigtingan. Ang taong matiisin ay nananatiling mahinahon; ang di-matiisin ay nagiging padalus-dalos at mayayamutin. “Marami ang nag-aakala na ang pagtitiis ay nagpapahiwatig ng kahinaan o kawalang-katiyakan,” ang sabi ni Brother Glass, subalit “para kay Jehova ay tanda ito ng lakas at layunin.” (Kawikaan 16:32) Ano ang mga gantimpala ng pagtitiis? “Ang pagtitiis sa sandali ng galit ay magliligtas sa iyo sa sandaang araw ng paghihinagpis,” ang sabi ng isang kawikaan ng mga Tsino. “Pinauunlad ng pagtitiis ang personalidad ng isa,” ang sabi ni Brother Glass. “Sa diwa, pinapahiran nito ng barnis ng katatagan ang ibang maiinam na katangian. Ginagawa nitong kanais-nais ang pananampalataya, pinanatili ang kapayapaan, at pinatatatag ang pag-ibig.”

“Isang pribilehiyo ang tumanggap ng atas mula sa Diyos na Jehova sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon,” ang sabi ni Mark Noumair, na naglingkod nang 11 taon bilang misyonero sa Kenya at ngayon ay isang instruktor sa Gilead. Habang ipinaliliwanag niya ang temang “Malibang May Pananampalataya Ka, Hindi Ka Makatatagal,” itinawag-pansin ni Brother Noumair ang halimbawa ni Haring Ahaz ng Juda. Tiniyak ni Isaias na inaalalayan ni Jehova ang hari sa kaniyang atas, subalit hindi pa rin nagtiwala si Ahaz sa Kaniya. (Isaias 7:2-9) Pagkatapos ay sinabi ni Brother Noumair na ang mga misyonero​—sa katunayan, tayong lahat​—ay kailangang manampalataya kay Jehova upang makatagal sa kanilang teokratikong atas. Ang kakaibang mga hamon sa atas ng isang misyonero ay nangangailangan ng matibay na pananampalataya. “Laging tandaan na walang sakdal na kalagayan sa sistemang ito ng mga bagay,” ang sabi ni Brother Noumair.

Mga Karanasang Nagpapasigla sa Masigasig na Paggawa

Sa panahon ng kanilang pagsasanay sa Gilead, ang mga estudyante ay gumugugol ng panahon tuwing dulong sanlinggo sa pangmadlang ministeryo, na siya ring pangunahing bibigyang-pansin sa kanilang mga atas bilang misyonero. Kinapanayam ni Wallace Liverance, isang miyembro ng pakultad ng Gilead, ang 15 estudyante na naglahad ng kanilang mga karanasan. Pagkatapos ay kinapanayam naman ni Leon Weaver ng Service Department Committee at ni Lon Schilling ng Bethel Operations Committee ang mga miyembro ng komite ng sangay buhat sa Aprika at Latin Amerika, na naglahad ng mga karanasan sa larangan ng pagmimisyonero at na may ilang maiinam na payo para sa nagtapos na mga misyonero. Binanggit na sa Sierra Leone, mga 90 porsiyento niyaong mga nabautismuhan noong 1995 taon ng paglilingkod ay tinulungan ng mga misyonero. Tunay na isang mainam na ulat ng masigasig na paggawa!

Sa wakas, nagpahayag si Milton Henschel, ang presidente ng Samahan, sa 2,734 na tagapakinig sa paksang “Bukod-Tangi ang Nakikitang Organisasyon ni Jehova.” Bakit walang katulad ang organisasyon ng Diyos? Hindi dahil sa laki ni sa lakas nito kundi dahil sa pinapatnubayan ito ng matuwid na mga alituntunin at hudisyal na mga pasiya ng Diyos. Noong unang panahon ang bayan ni Jehova, ang bansang Israel, ang pinagkatiwalaan ng kaniyang mga sagradong kapahayagan, na siyang nagpabukod-tangi sa bansang iyon. (Roma 3:1, 2) Sa ngayon, nagkakaisa ang organisasyon ni Jehova yamang kumikilos ito sa ilalim ng patnubay ni Jesu-Kristo. (Mateo 28:19, 20) Ito ay umuunlad, lumalago. Mayroon bang iba pang organisasyon sa lupa na ang Lupong Tagapamahala nito ay sumasangguni sa Salita ng Diyos, ang Bibliya, bago gumawa ng mahahalagang pasiya? Dahil dito at sa iba pang paraan, tunay na namumukod-tangi ang nakikitang organisasyon ni Jehova.

Winakasan ang isang kasiya-siyang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng diploma at pagbasa sa liham ng klase na nagpapahayag ng pagpapahalaga sa pantanging pagsasanay.

[Kahon sa pahina 22]

Estadistika ng Klase

Bilang ng mga bansang may kinatawan: 9

Bilang ng mga bansang pinagdestinuhan: 12

Bilang ng mga estudyante: 48

Katamtamang edad: 31.7

Katamtamang taon sa katotohanan: 13.8

Katamtamang taon sa buong-panahong ministeryo: 9.8

[Larawan sa pahina 23]

Ang Ika-101 Nagtapos na Klase ng Watchtower Bible School of Gilead

Sa talaan sa ibaba, ang mga hanay ay nilagyan ng bilang mula sa unahan, at itinala ang mga pangalan mula sa kaliwa pakanan sa bawat hanay.

(1) Swint, H.; Zezenski, A.; Highfield, L.; Mercado, S.; Diehl, A.; Chavez, V.; Smith, J.; Selenius, S. (2) Kurtz, D.; Clark, C.; Leisborn, J.; Mortensen, W.; Bromiley, A.; Toikka, L.; Marten, A.; Smith, D. (3) Zezenski, D.; Bjerregaard, L.; Garafalo, B.; Kaldal, L.; Chavez, E.; Fröding, S.; Khan, R.; Selenius, R. (4) Swint, B.; Bjerregaard, M.; Garafalo, P.; Holmblad, L.; Keyzer, M.; Fröding, T.; Palfreyman, J.; Palfreyman, D. (5) Minguez, L.; Leisborn, M.; Mercado, M.; Kurtz, M.; Diehl, H.; Toikka, J.; Clark, S.; Khan, A. (6) Minguez, F.; Marten, B.; Highfield, L.; Holmblad, B.; Bromiley, K.; Kaldal, H.; Mortensen, P.; Keyzer, R.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share