Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w97 7/1 p. 26
  • Paglaya Mula sa Impluwensiya ng Demonyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paglaya Mula sa Impluwensiya ng Demonyo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Kaparehong Materyal
  • Ginanti ang Paghahanap ng Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Kaligayahan ang Humalili sa Panlulumo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Ang Katotohanan ng Bibliya ang Nagpapalaya Buhat sa Espiritismo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
w97 7/1 p. 26

Report ng mga Tagapaghayag ng Kaharian

Paglaya Mula sa Impluwensiya ng Demonyo

MATAGAL nang inuugitan ng pagsasagawa ng espiritismo ang buhay ng milyun-milyong tao. Ngunit posibleng makalaya! Ganiyan ang nangyari sa marami na nasa sinaunang lunsod ng Efeso. Ayon sa ulat ng Bibliya, “tinipon ng marami sa mga nagsasagawa ng sining ng pagsasalamangka ang kanilang mga aklat at sinunog ang mga iyon . . . Sa gayon sa isang paraang makapangyarihan ang salita ni Jehova ay patuloy na lumalago at nananaig.”​—Gawa 19:19, 20.

Lumalago rin naman ang kongregasyong Kristiyano sa ngayon. Gaya ng kaso sa Efeso, kabilang sa mga naging mananampalataya ay yaong dating nagsasagawa ng demonismo. Inilalarawan ito ng sumusunod na karanasan buhat sa Zimbabwe.

Kilalang-kilala si Gogo (Lola) Mthupha dahil sa kaniyang espiritistikong mga kapangyarihan. Ang mga tao na galing sa malalayong lugar tulad ng Zambia, Botswana, at Timog Aprika ay pumupunta sa kaniya para magamot sila ng kaniyang mga halamang gamot. Tinuruan din ni Gogo Mthupha ang iba kung paano maging isang n’anga, o albularyo. At kung minsan ay nangkukulam siya!

Isang Linggo ng umaga ay dinalaw si Gogo Mthupha ng mga Saksi ni Jehova na nagbabahay-bahay. Totoong nasiyahan siya sa pakikipag-usap sa kanila tungkol sa pangako ng Bibliya na isang bagong sanlibutan ng katuwiran, isang sanlibutang malaya sa lahat ng balakyot na impluwensiya. Tinanggap niya ang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa at pumayag na magkaroon ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.a Pagkatapos lamang ng tatlong pag-aaral, nagsimula na siyang dumalo sa mga pulong.

Sa kaniyang pag-aaral ng Bibliya, nalaman ni Gogo Mthupha na ang kaniyang pantanging kapangyarihan ay galing sa mga balakyot na espiritung nilalang na naghimagsik sa soberanya ni Jehova. (2 Pedro 2:4; Judas 6) Nalaman din niya na determinado ang mga demonyong ito na italikod ang lahat ng maitatalikod nila laban kay Jehova at laban sa dalisay na pagsamba. Yamang nakasalalay ang kaniyang ikinabubuhay sa pagsusumamo sa mga balakyot na espiritung nilalang na ito, ano ang gagawin niya?

Nagpahayag si Gogo Mthupha ng pagnanais na itapon ang lahat ng kaniyang anting-anting at kagamitan sa espiritismo. Kasali rito ang kaniyang pantanging putong sa ulo at “nagsasalitang sungay ng toro,” na ginagamit niya sa kaniyang pagpapagaling bilang isang n’anga. Gusto ni Gogo Mthupha na itapon lahat ang mga bagay na ito upang makapaglingkod siya sa tanging tunay at buháy na Diyos, si Jehova.

Subalit sumalungat ang ilan sa kaniyang mga kamag-anak dahil sinusuportahan niya sila sa pinansiyal na paraan. Nakiusap sila sa kaniya na ilipat sa kanila ang mga kagamitan, pati na ang kaniyang mahiwagang mga kapangyarihan upang patuloy silang kumita. Tumanggi si Gogo Mthupha.

Sa tulong ng lokal na kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova, natipon niya ang tatlong malalaking bag ng mga kagamitan sa espiritismo at sinunog ang lahat ng iyon. Habang nilalamon ng apoy ang lahat ng kaniyang mga kasangkapan sa pagsamba sa demonyo, naibulalas ni Gogo Mthupha: “Tingnan ninyo! Ang sungay na iyon, hindi nito mailigtas ang sarili.”

Dumating ang panahon, maligayang sinagisagan ni Gogo Mthupha ang kaniyang pag-aalay kay Jehova sa pamamagitan ng bautismo sa tubig. Paano na siya nabubuhay ngayon? Sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga gulay. Oo, sa tulong ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos, makalalaya ang isa mula sa pagsamba sa demonyo. Ganito ang sabi ni Gogo Mthupha: “Ngayon ko lamang nadama ang gayong kalayaan.”

[Talababa]

a Inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share