Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 3/1 p. 3-4
  • Umamin ang mga Simbahan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Umamin ang mga Simbahan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kapag Humingi ng Tawad ang Papa
  • Bakit?
  • Bakit Sila Humihingi ng Tawad?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Ang Simbahang Katoliko at ang “Holocaust”
    Gumising!—1998
  • Mga Pagsisikap Upang Magkaisa
    Gumising!—1991
  • Ang Pagdalaw ng Papa sa Mexico—Tutulong ba Ito sa Simbahan?
    Gumising!—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 3/1 p. 3-4

Umamin ang mga Simbahan

“Isinailalim ng Papa ang Simbahan sa Paglilitis.” “Inkisisyon at Anti-Semitismo ​—Inihahanda ng Simbahan ang Mea Culpa Nito.”a “Mea Culpa para sa Holocaust.” “Humingi ng Tawad ang mga Metodista sa mga Indian sa Malayong Kanluran.”

NAKABASA ka na ba ng mga ulong-balitang gaya ng mga ito? Waring dumadalas yata ang pagtanggap ng mga simbahan sa paninisi at sa gayo’y humihingi ng tawad sa kanilang nagawa sa loob ng nakalipas na mga siglo. Madalas na itinatampok sa balita ang panibagong mga mea culpa ng papa.

Kapag Humingi ng Tawad ang Papa

Sa pagitan ng 1980 at 1996, si John Paul II ‘ay umamin sa mga makasaysayang pagkakamali ng Simbahan o humingi ng tawad’ nang di-kukulangin sa 94 na ulit, sabi ng komentarista sa Batikano na si Luigi Accattoli sa kaniyang aklat na Quando il papa chiede perdono. (Kapag Humingi ng Tawad ang Papa). Ayon kay Accattoli, “sa Simbahang Katoliko, tanging ang papa lamang ang may karapatang gumawa ng mea culpa.” At ito’y nagawa na niya, na tinutukoy ang pinakakontrobersiyal na mga pahina ng kasaysayan ng Katoliko​—ang mga Krusada, digmaan, pagsuporta sa mga diktadura, pagkakabaha-bahagi sa mga simbahan, anti-Semitismo, Inkisisyon, Mafia, at pagtatangi ng lahi. Sa isang memorandum na ipinadala sa mga kardinal noong 1994 (na itinuturing ng ilan na pinakamahalagang dokumento ng papa), iminungkahi ni John Paul II ang “isang panlahatan at pangmilenyong pangungumpisal ng mga kasalanan.”

Ang ilang obispo ay sumunod sa halimbawa ng papa. Noong Disyembre 1994 iniulat ng Italyanong pahayagan na Il Giornale: “Maraming Amerikanong obispo ang lumabas sa telebisyon at humingi ng tawad sa madla.” Sa anong dahilan? Dahil sa pagwawalang-bahala sa suliranin ng mga paring pedophile, na ikinapahamak ng maraming biktimang kabataan. Noong Enero 1995 nag-ulat ang pahayagang La Repubblica tungkol sa “isang bagay na noon lamang nangyari sa kasaysayan ng modernong-panahong Katolisismo”​—ang pananahimik ni Papa Pius XII may kinalaman sa Holocaust ay pinag-ukulan ng pansin. Noong Enero 1995 iniulat ng pahayagan ding iyon na ang episkopadong Aleman ay humingi ng tawad dahil sa “maraming pagkakamali” ng mga Romanong Katoliko na sumuporta sa ginawang krimen ng mga Nazi. Pinuna rin mismo ng iba’t ibang simbahang Protestante ang kanilang mga sarili.

Bakit?

Hinihimok tayo ng Bibliya na humingi ng tawad kapag tayo’y nagkakamali, at marami ang pumuri sa mga simbahan nang punahin nila mismo ang kanilang mga sarili. (Santiago 5:16) Ngunit bakit kaya ginagawa ito ng mga simbahan? Paano nito dapat maimpluwensiyahan ang ating pangmalas sa kanila?

[Talababa]

a Salitang Latin para sa “sarili kong kasalanan,” bahagi ng dasal ng Katoliko (ang Confiteor o, “Ikinukumpisal ko”), na dito’y inuulit ng mga miyembro ang pananalitang ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share