Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 8/1 p. 3-4
  • Ang Kasalukuyang Salot ng Pagkadi-pantay-pantay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kasalukuyang Salot ng Pagkadi-pantay-pantay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkadi-pantay-pantay—Nilayon ba Ito ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Posible Ba Talaga ang Racial Equality?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Pagsugpo sa Salot ng Pagkadi-pantay-pantay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Isang Pananaw Mula sa Ika-29 na Palapag
    Gumising!—1998
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 8/1 p. 3-4

Ang Kasalukuyang Salot ng Pagkadi-pantay-pantay

“Aming kinikilala ang mga katotohanang ito na nagpapatotoo sa ganang sarili, na ang lahat ng tao ay nilalang na magkakapantay, na sila’y pinagkalooban ng kanilang maylikha ng ilang karapatan na hindi maililipat sa iba, na kabilang dito ang buhay, kalayaan at pagtatamo ng kaligayahan.”​—Deklarasyon ng Kasarinlan, pinagtibay ng Estados Unidos noong 1776.

“Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay sa karapatan.”​—Deklarasyon ng mga Karapatan ng Tao at ng Mamamayan, pinagtibay ng Pambansang Asamblea ng Pransiya noong 1789.

“Ang lahat ng tao ay isinilang na malaya at may pare-parehong dangal at karapatan.”​—Pansansinukob na Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao, pinagtibay ng United Nations General Assembly noong 1948.

WALANG alinlangan dito. Pangkaraniwan sa mga tao ang pagnanais ng pagkakapantay-pantay. Ngunit nakalulungkot sabihin, ang mismong bagay na kailangang ulit-ulitin nang madalas ang tungkol sa pagkakapantay-pantay ng tao ay nagpapatunay na hanggang sa ngayon, mailap pa rin sa sangkatauhan ang pagkakapantay-pantay.

Mayroon bang sinuman na seryosong mangangatuwiran na ngayong matatapos na ang ika-20 siglo, mas bumuti ang mga bagay-bagay? Talaga bang nagtatamasa ng pare-parehong karapatan ang lahat ng mamamayan sa Estados Unidos at sa Pransiya, o alinman sa 185 miyembro ng United Nations kung saan sila sinasabing isinilang?

Bagaman ang ideya ng pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao ay “hindi na kailangang ipaliwanag,” ang karapatan sa “Buhay, Kalayaan at pagtatamo ng Kaligayahan” ay hindi pare-pareho sa lahat ng tao. Halimbawa, masasabi ba nating pantay-pantay ang karapatan sa buhay kung ang isang bata sa Aprika ay may kasalong 2,569 na ibang tao sa pagpapagamot sa isang doktor, samantalang ang isang bata sa Europa ay nakikisalo lamang sa 289 katao? O anong pagkakapantay-pantay ng karapatan sa kalayaan at sa pagtatamo ng kaligayahan mayroon kung sangkatlo ng mga batang lalaki at dalawang-katlo ng mga batang babae sa India ay lálakíng hindi marunong bumasa’t sumulat, samantalang sa mga lugar na gaya ng Hapon, Alemanya, at Gran Britanya, halos bawat bata ay nakatitiyak na makapag-aaral?

Masasabi bang nagtatamasa ng parehong “dangal at karapatan” sa buhay ang mga tao sa mga bansa sa Sentral Amerika kung saan ang kita ng bawat tao ay $1,380 at ang mga nasa Pransiya, kung saan ang kita ng bawat tao ay $24,990? Anong pagkakapantay-pantay ang tinatamasa ng isang bagong silang na babae sa Aprika na ang inaasahang haba ng buhay ay 56 na taon kung ihahambing sa sanggol na babae sa Hilagang Amerika na ang inaasahang haba ng buhay ay 79 na taon?

Maraming mukha ang pagkadi-pantay-pantay, ang lahat ay pawang nakasusuklam. Ang pagkadi-pantay-pantay sa pamantayan ng pamumuhay at sa mga pagkakataon para sa pangangalagang pangkalusugan at edukasyon ay ilan lamang sa mga ito. Kung minsan ang pagkakaiba sa pulitika, lahi, o relihiyon ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagkakait sa mga tao ng kanilang dangal at kalayaan. Sa kabila ng lahat ng usapan tungkol sa pagkakapantay-pantay, nabubuhay tayo sa isang daigdig ng pagkadi-pantay-pantay. Tulad ng isang salot​—“isang sanhi ng malaganap o matinding paghihirap,” gaya ng pagpapakahulugan sa salita​—ang pagkadi-pantay-pantay ay lumaganap sa lahat ng antas ng lipunan ng tao. Ang kirot na dulot nito sa anyo ng karalitaan, sakit, kawalang-alam, kawalan ng trabaho, at diskriminasyon ay napakasakit.

“Ang lahat ng tao ay nilalang na magkakapantay.” Anong gandang isipin! Kalunus-lunos nga sapagkat ang kabaligtaran nito ang tunay na kalagayan!

[Picture Credit Line sa pahina 3]

UN PHOTO 152113/SHELLEY ROTNER

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share