Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 8/1 p. 6-8
  • Pagsugpo sa Salot ng Pagkadi-pantay-pantay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagsugpo sa Salot ng Pagkadi-pantay-pantay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Gawin ang Pinakamabuting Magagawa Mo sa Kung Ano ang Taglay Mo!
  • Pagtatamasa ng Pagkakapantay-pantay sa mga Kapatid
  • Pagkadi-pantay-pantay—Nilayon ba Ito ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Ang Kasalukuyang Salot ng Pagkadi-pantay-pantay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Posible Ba Talaga ang Racial Equality?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Problema sa Ekonomiya—Ano ang Gagawin ng Kaharian ng Diyos Dito?
    Iba Pang Paksa
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 8/1 p. 6-8

Pagsugpo sa Salot ng Pagkadi-pantay-pantay

Malapit nang pasapitin ng Maylalang ang pagkakapantay-pantay na hinahangad ng mga tao. Samantala, makagagawa tayo ng mga hakbang upang masugpo sa paano man ang salot ng pagkadi-pantay-pantay na nakaaapekto sa atin at sa ating mga pamilya. Gaya ng sinabi ni Nelson Mandela, dating pangulo ng Timog Aprika, “ang isang tao ay naiiba sa ibang tao depende sa kung ano ang ginagawa natin sa tinataglay natin, hindi sa kung ano ang ibinigay sa atin.”

PINATUTUNAYAN ng kasaysayan ang kaniyang mga salita. Maraming lalaki’t babae na nabiyayaan ng kaunti sa pagsilang subalit, sa pamamagitan ng paggamit sa kung ano ang kanilang tinataglay, ay nagtagumpay anupat napaiba sila sa mga kasamahan nila na maaaring may higit na likas na talino. Sa kabaligtaran naman, sinayang ng ibang tao na saganang pinagpala mula sa pagsilang ang anumang taglay nila at hindi nila ginamit ang kanilang ganap na potensiyal.

Gawin ang Pinakamabuting Magagawa Mo sa Kung Ano ang Taglay Mo!

Ang mga Saksi ni Jehova ay lubhang interesadong tumulong sa mga tao na magtamo ng kaalaman tungkol sa mga layunin ng Diyos sa pamamagitan ng isang pag-aaral sa Bibliya. Subalit, batid din nila na upang lubusang makinabang mula sa impormasyon ng Bibliya, ang mga tao’y dapat na marunong bumasa’t sumulat. Dahil diyan, tinuruan ng mga Saksi ni Jehova na bumasa’t sumulat ang sampu-sampung libong tao, pati na ang 23,000 katao (hanggang noong kalagitnaan ng dekada ng 1990) sa isang bansa lamang sa Kanlurang Aprika. Sa pagbanggit sa kilalang paglilingkod na panlipunan na inilalaan ng mga Saksi ni Jehova, ganito ang sinabi ng San Francisco Examiner: “Maituturing mo silang mga huwarang mamamayan. Sila’y masikap na nagbabayad ng mga buwis, nag-aalaga sa may-sakit, nakikipagbaka sa kamangmangan.”

Bukod pa riyan, sa pamamagitan ng progresibong kurso sa pagsasalita sa madla, sinanay ng mga Saksi ni Jehova ang daan-daang libong tao na maging kuwalipikadong mga tagapagsalita, na may katatasang naipapahayag ang kanilang sarili sa madla. Kabilang sa libu-libong ito ang ilan na dating may malubhang suliranin sa pagsasalita. Isaalang-alang ang isang lalaki mula sa Timog Aprika na sumulat: “Grabe ang pagkautal ko anupat ibinubukod ko ang aking sarili, na karaniwan nang inaasahan ko ang iba ang magsalita para sa akin. . . . Nang sumali ako sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro at naatasan akong bumasa ng Bibliya sa harap ng ilang tagapakinig . . . , gayon na lamang ang pagkautal ko anupat hindi ko natapos ang atas sa itinakdang oras. Pagkatapos ng pulong, may kabaitang binigyan ako ng [tagapayo] ng praktikal na payo. Iminungkahi niya na magsanay akong bumasa nang malakas sa aking sarili. Ginawa ko ito, anupat gumugugol ako ng panahon araw-araw, na nagbabasa nang malakas mula sa aking Bibliya at sa magasing Bantayan.” Gayon na lamang ang pagsulong ng taong ito anupat siya ngayon ay nakapagpapahayag na sa harap ng mga tagapakinig na ang bilang ay umaabot ng mga daan-daan, libu-libo pa nga.

Pagtatamasa ng Pagkakapantay-pantay sa mga Kapatid

Kung tungkol sa edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, at katayuan sa kabuhayan at sa lipunan, lubhang nagkakaiba ang kalagayan sa mga Saksi ni Jehova. Ipinababanaag lamang ng mga pagkakaibang ito ang di-sakdal na mga kalagayan sa daigdig na kinabubuhayan nila. Gayunman, kung ihahambing sa ibang relihiyosong grupo, talagang naiwaksi na nila mula sa kanilang mga miyembro sa pangkalahatan ang mga pagtatangi dahil sa lahi, katayuan sa lipunan, at sa kabuhayan.

Nagawa nila ito sa pamamagitan ng paggawa ng buong makakaya nila upang maikapit ang natutuhan nila mula sa Bibliya. Buong-pusong niyayakap nila ang mga simulain ng Bibliya na gaya ng: “Hindi ayon sa paraan ng pagtingin ng tao ang paraan ng pagtingin ng Diyos, sapagkat ang tao ay tumitingin sa kung ano ang nakikita ng mga mata; ngunit kung tungkol kay Jehova, tumitingin siya sa kung ano ang nasa puso.” (1 Samuel 16:7) “Ang Diyos ay hindi nagtatangi, kundi sa bawat bansa ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng katuwiran ay kaayaaya sa kaniya.” (Gawa 10:34, 35) “Huwag gumanti ng masama para sa masama sa kaninuman. Maglaan ng maiinam na bagay sa paningin ng lahat ng tao. Kung posible, hangga’t nakasalalay sa inyo, makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao.”​—Roma 12:17, 18; tingnan din ang 1 Timoteo 6:17-19; Santiago 2:5, 9.

Sa pamamagitan ng maingat na pagsunod sa mga simulaing ito ng Bibliya na nagtataguyod ng pagkakaisa, hindi pinahihintulutan ng mga Saksi ni Jehova sa gitna nila ang anumang pagkadi-pantay-pantay dahil sa pagkakaiba-iba ng lahi, katayuan sa lipunan, o sa kabuhayan. Halimbawa, walang kaugnayan ang mga salik na ito sa pagpapasiya kung sino ang bibigyan ng mga pribilehiyo ng paglilingkod sa Kristiyanong kongregasyon. Ang mga posisyon ng pananagutan, gaya ng pagtuturo at pangangasiwa, ay ipinagkakaloob lamang salig sa espirituwal na mga kuwalipikasyon.​—1 Timoteo 3:1-13; Tito 1:5-9.

Para sa mga indibiduwal na dumanas ng pagkadi-pantay-pantay sa isang daigdig na may kinikilingan, anong laking ginhawa na sila’y pakitunguhan bilang mga kapatid na may magkaparehong katayuan sa harap ng kanilang Maylikha! Mapatutunayan ito ni Martina. Nang iwan ng kaniyang ama ang pamilya, siya’y pinalaki sa isang tahanang mahirap at may nagsosolong magulang. Madalas siyang tratuhin na parang itinakwil ng lipunan, na may kaunting pagtitiwala-sa-sarili, at nahihirapan siyang makisama sa iba. Nagkaroon siya ng saloobing mapagwalang-bahala. Subalit, nagbago ang mga bagay-bagay pagkatapos niyang mag-aral ng Bibliya at maging isa sa mga Saksi ni Jehova. Aniya: “Dapat ko pa ring paglabanan ang negatibong kaisipan, subalit mas nakakayanan ko na ngayon ang problema. Bumuti ang aking paggalang-sa-sarili, at mas malaki na ngayon ang tiwala ko sa aking pagsasalita. Dahil sa katotohanan ay nakadama ako ng pananagutan. Alam ko na ngayon na mahal ako ni Jehova at na ang buhay ay napakahalaga.”

Bilang isang internasyonal na grupo ng mga Kristiyano, ang mga Saksi ni Jehova sa mahigit na 230 bansa ay nagtatamasa ng isang antas ng pagkakapantay-pantay na talagang pambihira sa daigdig ngayon. Ganito rin kaya ang masasabi ng ibang relihiyosong organisasyon at mapatutunayan nila?

Sabihin pa, makatotohanan ang mga Saksi ni Jehova. Inaamin nila na palibhasa’y lumaki sila sa isang di-sakdal na kapaligiran, hindi nila lubusang maaalis ang pagkadi-pantay-pantay ng tao na gaya ng sino pa man na nagsikap na gawin ito sa nakalipas na mga dantaon​—at nabigo. Gayunpaman, nagsasaya sila na sa gitna nila, malaki na ang nagawa nila upang masugpo ang nakamamatay na salot na ito. At taglay ang matibay na pananampalataya sa pangako ng Diyos, umaasa sila sa hinaharap sa isang bagong sanlibutan ng katuwiran kung saan ang pagkadi-pantay-pantay ay magiging isang lipas na bagay magpakailanman.

Oo, lahat ng masunuring tao ay malapit nang isauli sa pagkakapantay-pantay “sa dangal at karapatan” na nilayon ng kanilang Maylalang noon pa man para tamasahin nila. Anong gandang isipin! At sa pagkakataong ito, ito’y magiging totoo!

[Larawan sa pahina 7]

Nilalabanan ng mga Saksi ni Jehova ang kamangmangan sa pamamagitan ng pagtuturo sa sampu-sampung libong tao na bumasa’t sumulat

[Larawan sa pahina 8]

Ang katotohanan ng Bibliya ay tumutulong upang maalis ang mga pagtatangi dahil sa lahi, katayuan sa lipunan, at sa kabuhayan

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share