Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 10/15 p. 3
  • Ang Ating Paghahanap Ukol sa Mas Mahabang Buhay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Ating Paghahanap Ukol sa Mas Mahabang Buhay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Pag-asa Para sa Mas Mahabang Buhay?
    Gumising!—1995
  • Ang Pakikipaglaban ng Tao sa Kamatayan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Gaano Katagal Maaaring Mabuhay ang mga Tao?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Paghahangad ng Mahabang Buhay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 10/15 p. 3

Ang Ating Paghahanap Ukol sa Mas Mahabang Buhay

“Ang tao, na ipinanganak ng babae, ay maikli ang buhay at lipos ng kaligaligan. Tulad ng isang bulaklak ay sumisibol siya at pinuputol, at siya ay tumatakas na tulad ng anino at hindi nananatili.”​—Job 14:1, 2.

KAHIT ngayon, kakaunti ang tututol sa ideyang ito hinggil sa kaiklian ng buhay, bagaman isinulat ito mga 3,500 taon na ang nakalilipas. Laging nasusumpungan ng mga tao na di-kasiya-siyang maranasan nang sandali ang kasariwaan ng buhay at pagkatapos ay tumanda na at mamatay. Kaya naman, ang mga pamamaraan ng pagpapahaba ng buhay ay dumami sa buong kasaysayan.

Noong panahon ni Job, kinakain ng mga Ehipsiyo ang mga bayag ng mga hayop sa bigong pagtatangkang mapanauli ang kanilang kabataan. Ang isa sa mga pangunahing layunin ng alchemy noong edad medya ay ang gumawa ng isang eliksir na mas magpapahaba ng buhay. Marami sa mga alchemist ang naniwala na ang ginto na artipisyal ang pagkakagawa ay makapagdudulot ng imortal na buhay at ang pagkain mula sa ginintuang mga plato ay magpapahaba ng buhay. Inakala ng sinaunang mga Tsinong Taoista na mababago nila ang kemistri ng katawan sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamamaraan na gaya ng pagbubulay-bulay, mga ehersisyo sa paghinga, at pagdidiyeta at sa gayo’y matamo ang imortalidad.

Ang manggagalugad na Kastila na si Juan Ponce de León ay kilala sa kaniyang walang-pagod na paghahanap sa bukal ng kabataan. Inirekomenda ng isang ika-18-siglong doktor sa kaniyang aklat na Hermippus Redivivus na ikulong ang mga kabataang birhen sa isang maliit na silid sa panahon ng tagsibol at ipunin sa mga bote ang kanilang inilalabas na hininga at gamitin bilang isang sangkap na nagpapahaba ng buhay. Sabihin pa, wala sa mga pamamaraang ito ang nagtagumpay.

Ngayon, mga 3,500 taon matapos iulat ni Moises ang sinabi ni Job, ang tao ay nakalakad na sa buwan, nakaimbento ng mga kotse at mga computer, at nakapagsuri ng atomo at ng selula. Gayunman, sa kabila ng lahat ng mga pagsulong na ito sa teknolohiya, ‘maikli pa rin at lipos ng kaligaligan ang ating buhay.’ Totoo na sa mauunlad na bansa ay malaki ang inilawig ng haba ng buhay sa nakalipas na siglo. Subalit ito ay pangunahin nang bunga ng bumuting pangangalaga sa kalusugan, mas mabibisang hakbang sa kalinisan, at mas masustansiyang mga pagkain. Halimbawa, mula noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo hanggang sa pagsisimula ng dekada ng 1990, ang katamtamang haba ng buhay sa Sweden ay lumawig mula sa 40 hanggang 75 taon para sa mga lalaki at mula 44 hanggang 80 taon para sa mga babae. Subalit ibig bang sabihin nito na ang hangarin ng tao na mabuhay nang mas mahaba ay nasapatan?

Hindi, dahil bagaman sa ilang bansa ay mas maraming tao ang nakararanas na tumanda nang husto, ang mga salita ni Moises na isinulat maraming taon na ang nakalilipas ay kumakapit pa rin: “Sa ganang sarili ang mga araw ng aming mga taon ay pitumpung taon; at kung dahil sa natatanging kalakasan ay walumpung taon . . . , sapagkat ito ay madaling lumilipas, at kami ay lumilipad.” (Awit 90:10) Sa malapit na hinaharap, makakakita kaya tayo ng pagbabago? Maaari nga kayang mabuhay ang tao nang mas mahaba? Ang susunod na artikulo ang tatalakay sa mga tanong na iyan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share