Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w05 9/1 p. 3
  • Sulit ba na Maging Matapat?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sulit ba na Maging Matapat?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mas Laganap na Pinupuri Kaysa Isinasagawa
  • Masdan Ninyo ang mga Matapat!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Pagharap sa Hamon ng Pagkamatapat
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • “Ikaw Lang ang Tapat”
    Maging Malapít kay Jehova
  • Katapatan—Ano ang Katapat na Halaga?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
w05 9/1 p. 3

Sulit ba na Maging Matapat?

“NAPAKALAKI ng ibinabayad mo sa iyong health insurance,” ang sabi ni Karl, isang kinatawan ng insurance.a “Kung sa aming kompanya ka kukuha, makatitipid ka ng 20 dolyar sa isang buwan, at malaking halaga iyon.”

“Maaaring totoo nga iyan,” ang sagot ni Jens. “Pero ilang taon na akong kumukuha ng health insurance sa kompanyang ito. Malaki ang naitulong nila noon, at gusto kong maging matapat sa kanila.”

“Ang pagkamatapat ay isang magandang katangian,” ang tugon ni Karl. “Pero magastos ang pagiging matapat mo!”

Tama si Karl. Kadalasan, maaaring magastos nga ang pagiging matapat, o pagiging tapat.b Humihiling din ito ng panahon, lakas, at ng pagsisikap na gampanan ang emosyonal na pananagutan. Sulit bang gawin ito alang-alang sa pagkamatapat?

Mas Laganap na Pinupuri Kaysa Isinasagawa

Sa isang surbey sa Alemanya na isinagawa ng Allensbach Opinion Research Institute, 96 na porsiyento sa mga tumugon ang nagturing na isang kanais-nais na katangian ang katapatan. Ipinakita naman ng ikalawang surbey na isinagawa ng Allensbach sa mga taong edad 18 hanggang 24 na 2 sa 3 tumugon ang nagturing na “uso” ang katapatan, samakatuwid nga, sang-ayon sila rito.

Bagaman laganap na pinupuri ang pagkamatapat, o katapatan, iba naman ang nangyayari pagdating sa aktuwal na pagiging matapat, o pagiging tapat. Halimbawa, sa ilang lupain sa Europa, madalas na hindi gaanong nagiging matapat sa isa’t isa ang mga mag-asawa o mga miyembro ng pamilya. Ang magkakaibigan ay kadalasang hindi matapat sa isa’t isa. At ang pagkamatapat na noon ay nagbubuklod sa amo at sa empleado o sa isang negosyo at sa mga suki nito ay halos wala na. Bakit?

Kung minsan, dahil sa napakaabalang pamumuhay, halos maubusan na tayo ng panahon o emosyonal na lakas para gampanan ang mga pananagutang humihiling ng pagkamatapat. Ang mga taong nadismaya at nabigo sa pakikisama sa kapuwa ay maaaring nag-aatubili na ngayon na maging tapat sa kaninuman. Baka mas gusto naman ng iba ang pabagu-bagong uri ng buhay na hindi humihiling ng pagkamatapat.

Anuman ang dahilan, ang pagkamatapat ay isang katangiang mas madalas na pinupuri kaysa isinasagawa. Kaya naman ganito ang mga tanong: Sulit ba na maging matapat? Kung oo, kanino tayo nararapat maging matapat, at sa anu-anong paraan? Anu-ano ang mga pakinabang sa pagiging matapat?

[Mga talababa]

a Binago ang ilang pangalan sa artikulong ito at sa kasunod nito.

b Bagaman ang “pagkamatapat” (loyalty) at “katapatan” (faithfulness) ay hindi laging ginagamit sa iisang konteksto, may mga pagkakataon na halinhinang ginamit ang mga ito sa mga artikulong ito.

[Blurb sa pahina 3]

Ang pagkamatapat ay isang katangiang mas madalas na pinupuri kaysa isinasagawa

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share