Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w11 11/1 p. 32
  • “Ipapahamak ba ng Tao ang Lupang Ito?”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ipapahamak ba ng Tao ang Lupang Ito?”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Kaparehong Materyal
  • “Kailangan Ko ng Pampatibay-loob at Pag-asa”
    Gumising!—1997
  • “Kung Bakit Kailangang Magbigay-Pansin sa mga Kamangha-manghang Gawa ng Diyos”
    Gumising!—2000
  • Ang Disenyo ba ay Nangangailangan ng Isang Disenyador?
    Gumising!—1999
  • Halika, Pakinggan ang Walang-Bayad na Pahayag Pangmadla
    Gumising!—2001
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
w11 11/1 p. 32

“Ipapahamak ba ng Tao ang Lupang Ito?”

● Kung titingnan mula sa kalawakan, ang planetang Lupa ay gaya ng isang hiyas na kulay asul at puti. Pero sa malapitan, nanganganib ang ating tahanan. Bakit? Naging pabaya kasi ang mga taong nakatira dito. Ipinapahamak din nila ang lupa sa pamamagitan ng polusyon, pagkalbo sa kagubatan, at pag-abuso sa kalikasan. Bukod diyan, ipinapahamak nila ito sa moral at espirituwal na paraan sa pamamagitan ng karahasan, pagpapatayan, at seksuwal na imoralidad.

Ang masasamang kalagayang ito sa lupa ay inihula sa Bibliya mga dalawang libong taon na ang nakalilipas. (2 Timoteo 3:1-5; Apocalipsis 11:18) Inihula rin sa Bibliya na ang Diyos​—hindi ang sinumang tao​—ang lubusang magtutuwid ng mga ito. Ang mahahalagang puntong iyan ay tatalakayin sa pahayag pangmadla na “Ipapahamak ba ng Tao ang Lupang Ito?” sa “Dumating Nawa ang Kaharian ng Diyos!” na Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Nagsimula ito noong Mayo sa Estados Unidos, at nagpapatuloy sa buong daigdig.

Malugod ka naming inaanyayahang dumalo sa kombensiyong pinakamalapit sa iyo. Para sa mga detalye, pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar, o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito. Makikita sa Web site na www.jw.org ang listahan ng mga lokasyon ng kombensiyon sa Pilipinas.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share