Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w13 8/15 p. 8
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Paano Dapat Pakitunguhan ang Isang Tiwalag
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Magpamalas ng Kristiyanong Pagkamatapat Kapag Natiwalag ang Isang Kamag-anak
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Mas Mahal Natin si Jehova Kaysa sa Kapamilya
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Tularan ang Awa ng Diyos Ngayon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
w13 8/15 p. 8

MGA TANONG MULA SA MGA MAMBABASA

Tama bang tabihan ng mga magulang na Kristiyano ang tiwalag nilang anak kapag nasa pulong?

Walang dahilan para mabahala kung saan uupo ang isang tiwalag sa loob ng Kingdom Hall. Ang magasing ito ay madalas magpayo sa mga magulang na Kristiyano na maglaan ng espirituwal na tulong sa kanilang tiwalag na anak na kapisan nila, kung angkop na gawin iyon. Gaya ng ipinakita sa pahina 19 at 20 ng Bantayan, isyu ng Nobyembre 15, 1988, maaari pa ngang turuan sa Bibliya ng mga magulang ang natiwalag nilang menor de edad na anak na kapisan nila. Sa ganitong paraan, inaasahang mapapatibay ang anak na manumbalik.

May kinalaman sa pag-upo sa Kingdom Hall, walang masama kung ang isang tiwalag na menor de edad ay tahimik na uupo sa tabi ng kaniyang mga magulang. Yamang hindi naman obligadong umupo sa likuran ng bulwagan ang isang tiwalag, walang problema kung tatabi sa kaniyang mga magulang ang isang tiwalag na anak, saanman sila nakaupo. Habang tinutulungan ng mga magulang ang kanilang anak sa espirituwal, tiyak na gugustuhin nilang makinabang siya nang husto sa pulong. Kaya mas mabuti kung katabi nila ang kanilang tiwalag na anak sa halip na hayaan itong mag-isa sa upuan.

Pero paano kung hindi na nakatira sa bahay ng mga magulang ang tiwalag na anak? Hindi na ba siya puwedeng tumabi sa kanila? Maliwanag na sinasabi noon sa magasing ito kung ano ang dapat na maging saloobin ng isang Kristiyano may kinalaman sa pakikisama sa tiwalag na kapamilya na hindi kapisan sa bahay.a Pero ang pagtabi ng isang tiwalag sa kaniyang mga kapamilya sa panahon ng pulong ay ibang-iba naman sa di-kinakailangan at sinasadyang pakikisama sa kaniya ng kaniyang mga kamag-anak. Kung may tamang saloobin ang tapat na mga miyembro ng pamilya sa kanilang tiwalag na kamag-anak at sinisikap nilang sundin ang payo sa Bibliya may kinalaman sa pakikisama sa kaniya, wala namang dahilan para mabahala.​—​1 Cor. 5:11, 13; 2 Juan 11.

Kaya hindi dapat ikabahala ninuman kung ang isang tiwalag ay tumabi sa kaniyang kamag-anak o sa ibang miyembro ng kongregasyon hangga’t gumagawi siya nang angkop. Kung tatakdaan ng partikular na upuan ang isang tiwalag, maaari itong maging sanhi ng iba’t ibang problema, depende sa mga kalagayan. Kung ang lahat ng dumadalo, kabilang na ang mga tapat na kapamilya, ay nagsisikap na igalang ang mga simulain ng Bibliya may kinalaman sa pagtitiwalag, at wala namang kapatid na natitisod, hindi kailangang gawing isyu kung saan uupo ang mga dumadalo sa pulong.b

a Tingnan ang Bantayan, Marso 15, 1982, pahina 25 at 26, gayundin ang aklat na Manatili sa Pag-ibig ng Diyos, pahina 207-209.

b Ito ay pagbabago sa inilathala sa Bantayan, Abril 1, 1954, pahina 110.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share