Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w13 11/15 p. 8-9
  • Kung Paano Tayo Makakatulong sa mga Nangangailangan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Tayo Makakatulong sa mga Nangangailangan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Pinunan ng Kanilang Labis ang Kakulangan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • “Ang Gawain ay Malaki”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Magpakita ng Pagpapahalaga sa Pagkabukas-Palad ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Pinagpapala ni Jehova ang mga Nagkukusa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
w13 11/15 p. 8-9

Kung Paano Tayo Makakatulong sa mga Nangangailangan

“SUMIKLAB ang kaguluhan matapos ang isang kinukuwestiyong eleksiyon at libu-libong Saksi ni Jehova ang napilitang umalis sa kanilang tahanan,” ang kuwento ni François, elder sa isang papaunlad na lupain. “Halos naubos ang pagkain at gamot, at ang mga natira naman ay napakamahal. Nagsara ang mga bangko, at ang mga ATM ay naubusan ng pondo o kaya’y nag-off-line.”

Ang mga kapatid sa tanggapang pansangay ay agad na naghatid ng pera at suplay sa mga Saksing lumikas sa mga Kingdom Hall sa bansa. Ang magkalabang grupo ay nagbarikada sa mga daan, pero dahil alam nilang neutral ang mga Saksi, kadalasan ay pinararaan nila ang mga sasakyan ng sangay.

“Habang papunta kami sa isang Kingdom Hall sakay ng van, pinaulanan kami ng bala ng mga sniper,” ang sabi ni François. “Pero walang tinamaan sa amin. Nang makakita kami ng armadong sundalo na tumatakbo papunta sa amin, agad kaming umatras, bumuwelta, at humarurot pabalik ng sangay. Laking pasasalamat namin kay Jehova at buháy kami. Kinabukasan, ang 130 kapatid sa Kingdom Hall na iyon ay lumikas sa mas ligtas na lugar. Ang ilan ay nagpunta sa tanggapang pansangay, at inasikaso namin ang espirituwal at materyal na pangangailangan nila hanggang sa matapos ang kaguluhan.”

“Nang maglaon, ang tanggapang pansangay ay tumanggap ng maraming sulat ng pasasalamat mula sa mga kapatid sa iba’t ibang panig ng bansa,” ang sabi ni François. “Dahil sa pagtulong ng mga kapatid mula sa ibang mga lugar, lalong tumibay ang pagtitiwala nila kay Jehova.”

Sa panahon ng sakuna, ang mga nangangailangang kapatid ay hindi lang natin sinasabihang “magpainit kayo at magpakabusog.” (Sant. 2:15, 16) Sa halip, sinisikap nating ilaan ang kanilang pisikal na pangangailangan. Ganiyan ang ginawa ng mga alagad noong unang siglo. Nang mababalaan tungkol sa dumarating na taggutom, ang “mga alagad ay nagpasiya, bawat isa sa kanila ayon sa makakayanan ng sinuman, na magpadala ng tulong bilang paglilingkod sa mga kapatid na nakatira sa Judea.”​—Gawa 11:28-30.

Bilang mga lingkod ni Jehova, handa tayong tumulong sa mga nangangailangan sa materyal na paraan. Pero ang mga tao ay may espirituwal na pangangailangan din. (Mat. 5:3) Para tulungan silang matugunan ang pangangailangang iyon, inatasan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na gumawa ng mga alagad. (Mat. 28:19, 20) Bilang indibiduwal, higit nating ginagamit ang ating panahon, lakas, at ari-arian sa pagtupad sa atas na ito. Bilang organisasyon naman, ginagamit natin ang mga donasyon para maglaan ng materyal na tulong, pero pangunahin natin itong ginagamit sa pagsuporta sa Kaharian at pagpapalaganap ng mabuting balita. Sa gayon, ipinakikita natin ang ating pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa.​—Mat. 22:37-39.

Ang mga sumusuporta sa pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova ay makatitiyak na ginagamit nang tama at sa pinakamabuting paraan ang mga donasyon nila. Makakatulong ka ba sa iyong mga kapatid na nangangailangan? Gusto mo bang suportahan ang paggawa ng mga alagad? Kung oo, “huwag mong ipagkait ang mabuti doon sa mga kinauukulan, kapag nasa kapangyarihan ng iyong kamay na gawin ito.”​—Kaw. 3:27.

KUNG PAANO NAGBIBIGAY NG KONTRIBUSYON SA PAMBUONG-DAIGDIG NA GAWAIN ANG ILAN

Gaya noong panahon ni apostol Pablo, marami sa ngayon ang ‘nagbubukod’ ng perang ihuhulog sa kahon ng kontribusyon na may markang “Worldwide Work.” (1 Cor. 16:2) Bawat buwan, ipinadadala ng mga kongregasyon ang kontribusyong ito sa tanggapan ng mga Saksi ni Jehova na naglilingkod sa kani-kanilang bansa. Puwede ka ring tuwirang magpadala ng donasyon sa legal na korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa inyong bansa. Para malaman ang pangalan ng pangunahing legal na korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa inyong bansa, pakisuyong makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay na naglilingkod sa inyong bansa. Makikita sa www.jw.org/tl ang adres ng tanggapang pansangay. Narito ang mga donasyon na puwede mong tuwirang ipadala:

  • TUWIRANG DONASYON

    • Donasyong salapi, alahas, o iba pang mahahalagang ari-arian.

    • Maglakip ng liham na nagsasabing ang salapi o iba pang bagay ay tuwirang donasyon.

  • KAAYUSAN SA KONDISYONAL NA DONASYON

    • Donasyong salapi na may kalakip na kondisyon.

    • Maglakip ng liham na nagsasabing ang donasyon ay ibabalik sa nagbigay sakaling kailanganin niya ito.

  • MGA PLANO SA PAGKAKAWANGGAWA

    Bukod sa tuwirang mga kaloob na salapi at mahahalagang ari-arian, may iba pang mga paraan ng pagbibigay para masuportahan ang gawaing pang-Kaharian sa buong daigdig. Nakatala sa ibaba ang mga ito. Pakisuyong makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay na naglilingkod sa inyong bansa para malaman kung anong pamamaraan ang ginagamit sa inyong bansa. Yamang magkakaiba ang legal na mga kahilingan at batas sa buwis ng bawat bansa, mahalagang kumonsulta muna sa abogado at tagapayo sa buwis.

    Insurance: Maaaring gawing benepisyaryo ng isang life insurance policy o ng isang retirement/pension plan ang isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova.

    Deposito sa Bangko: Mga deposito sa bangko, sertipiko ng deposito, o deposito sa pagreretiro na ipinangalan o ibibigay sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova kapag namatay ang isa. Sundin ang mga kahilingan ng bangko sa inyong lugar.

    Stock at Bond: Mga stock at bond na iniabuloy sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng tuwirang pagkakaloob o kasunduang Transfer on Death.

    Lupa’t Bahay: Maibebentang lupa’t bahay na ibinigay bilang donasyon sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng tuwirang pagkakaloob. Kung nakatira pa roon ang nagkaloob, puwedeng magkaroon ng kasunduan na maninirahan siya roon hangga’t nabubuhay siya.

    Gift Annuity: Mga stock, bond, o salapi na inilipat sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova. Kapalit nito, ang nagkaloob, o sinumang itinalaga ng nagkaloob, ay tatanggap ng espesipikong annuity payment bawat taon habang siya’y nabubuhay. Ang nagkaloob ay makakakuha ng diskuwento sa buwis sa taon kung kailan isinaayos ang gift annuity.

    Testamento at Trust: Ang mga ari-arian o salapi ay maaaring ipamana sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng isang legal na testamento o pagpapangalan sa korporasyong iyon bilang benepisyaryo ng isang trust agreement. Sa kaayusang ito, maaaring mabawasan ang ilang bayarin sa buwis.

Gaya ng ipinahihiwatig ng pananalitang “mga plano sa pagkakawanggawa,” ang ganitong uri ng mga donasyon ay karaniwan nang nangangailangan ng pagpaplano ng nagkakaloob. Para matulungan ang mga gustong sumuporta sa pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng pagkakawanggawa, isang brosyur na pinamagatang Charitable Planning to Benefit Kingdom Service Worldwide ang inihanda sa wikang Ingles at Kastila. Ang brosyur ay naglalaan ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagkakaloob, ito man ay ibibigay na ngayon o ipamamana kapag namatay ang nagbigay ng donasyon. Baka may mga impormasyon sa brosyur na ito na hindi kapit sa sitwasyon mo dahil sa mga batas sa buwis at iba pang batas sa inyong bansa. Kaya matapos basahin ang brosyur, kumonsulta sa inyong abogado o tagapayo sa buwis. Sa pamamagitan ng mga paraang ito ng pag-aabuloy, marami ang nakatulong sa pagsuporta sa ating relihiyosong mga gawain at pagkakawanggawa sa buong daigdig at nakakuha rin sila ng malaking diskuwento sa buwis. Kung makukuha ang brosyur na ito sa inyong bansa, maaari kang humiling ng kopya sa kalihim ng inyong kongregasyon.

Para sa higit pang impormasyon, maaari kang makipag-ugnayan sa Charitable Planning Office, sa pamamagitan ng liham o telepono, sa adres na nakatala sa ibaba, o maaari kang makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay na naglilingkod sa inyong bansa.

CHARITABLE PLANNING OFFICE

Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, Inc.

186 Roosevelt Avenue

San Francisco del Monte

1105 Quezon City

Telepono: (02) 411-6090

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share