Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 11/15 p. 14-15
  • Magpakita ng Pagpapahalaga sa Pagkabukas-Palad ni Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magpakita ng Pagpapahalaga sa Pagkabukas-Palad ni Jehova
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PINAKAMAHUSAY NA HALIMBAWA NG PAGKABUKAS-PALAD
  • “Ang Gawain ay Malaki”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Pinunan ng Kanilang Labis ang Kakulangan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Pinagpapala ni Jehova ang mga Nagkukusa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Kung Paano Tayo Makakatulong sa mga Nangangailangan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 11/15 p. 14-15
Babaeng nagsu-swipe ng bank card sa isang electronic card reader

Magpakita ng Pagpapahalaga sa Pagkabukas-palad ni Jehova

SI Jehova ay isang bukas-palad na Diyos. (Sant. 1:17) Mula sa mabituing kalangitan hanggang sa luntiang pananim na bumabalot sa lupa, ang mga nilalang ni Jehova ay umaawit tungkol sa kaniyang pagkabukas-palad.—Awit 65:12, 13; 147:7, 8; 148:3, 4.

Napakalalim ng pagpapahalaga ng salmista sa kaniyang Maylalang kaya napakilos siyang lumikha ng awit na pumupuri sa mga gawa ni Jehova. Basahin ang Awit 104 at tingnan kung ganiyan din ang nadarama mo. Sinabi ng salmista: “Aawit ako kay Jehova sa buong buhay ko; aawit ako ng papuri sa aking Diyos hangga’t ako ay nabubuhay.” (Awit 104:33) Ganiyan din ba ang nais mong gawin?

PINAKAMAHUSAY NA HALIMBAWA NG PAGKABUKAS-PALAD

Gusto ni Jehova na tularan natin ang kaniyang pagkabukas-palad. Nagbigay rin siya ng mga dahilan para maging bukas-palad tayo. Pansinin ang ipinasulat niya kay apostol Pablo: “Magbigay ka ng utos doon sa mayayaman sa kasalukuyang sistema ng mga bagay na huwag maging mataas ang pag-iisip, at na ilagak ang kanilang pag-asa, hindi sa walang-katiyakang kayamanan, kundi sa Diyos, na saganang naglalaan sa atin ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan; na gumawa ng mabuti, na maging mayaman sa maiinam na gawa, na maging mapagbigay, handang mamahagi, maingat na nag-iimbak para sa kanilang sarili ng isang mainam na pundasyon para sa hinaharap, upang makapanghawakan silang mahigpit sa tunay na buhay.”—1 Tim. 6:17-19.

Nang isulat ni Pablo ang kaniyang ikalawang liham sa kongregasyon sa Corinto, idiniin niya kung ano ang tamang saloobin sa pagbibigay. Sinabi ni Pablo: “Gawin ng bawat isa ang ayon sa ipinasiya niya sa kaniyang puso, hindi mabigat sa loob o sa ilalim ng pamimilit, sapagkat iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay.” (2 Cor. 9:7) Pagkatapos, binanggit niya ang mga nakikinabang sa bukas-palad na pagbibigay: ang mga tumatanggap, na nasasapatan ang pangangailangan; at ang mga nagbibigay, na saganang pinagpapala sa espirituwal.—2 Cor. 9:11-14.

Tinukoy ni Pablo ang pinakamatibay na ebidensiya ng pagkabukas-palad ng Diyos nang isulat niya: “Salamat sa Diyos dahil sa kaniyang di-mailarawang kaloob na walang bayad.” (2 Cor. 9:15) Malinaw na kasama sa kaloob na ito ni Jehova ang lahat ng kabutihang ipinakita ng Diyos sa kaniyang bayan sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Napakadakila nito anupat hindi lubusang mailalarawan ang halaga nito.

Paano natin maipakikita ang ating pagpapahalaga sa lahat ng ginawa at gagawin ni Jehova at ng kaniyang Anak para sa atin? Maging bukas-palad sa pagbibigay ng ating panahon, lakas, at mga tinatangkilik para sa ikasusulong ng dalisay na pagsamba kay Jehova, maliit man o malaki ang ating ibinibigay.—1 Cro. 22:14; 29:3-5; Luc. 21:1-4.

Kung Paano Nagbibigay ng Kontribusyon sa Pambuong-Daigdig na Gawain ang Ilan

Gaya noong panahon ni apostol Pablo, marami sa ngayon ang ‘nagbubukod’ ng perang ihuhulog sa kahon ng kontribusyon na may markang “Worldwide Work.” (1 Cor. 16:2) Bawat buwan, ipinadadala ng mga kongregasyon ang kontribusyong ito sa tanggapan ng mga Saksi ni Jehova na naglilingkod sa kani-kanilang bansa. Puwede ka ring tuwirang magpadala ng donasyon sa legal na korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa inyong bansa. Para malaman ang pangalan ng pangunahing legal na korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa inyong bansa, pakisuyong makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay. Makikita sa www.jw.org/tl ang adres. Narito ang mga donasyon na puwede mong tuwirang ipadala:

DONASYON NA WALANG KONDISYON

  • Mga donasyon sa pamamagitan ng electronic bank transfer, debit card, o credit card. Sa ilang sangay, posible ring gawin ito gamit ang jw.org o iba pang itinalagang website.

  • Donasyong salapi, alahas, o iba pang mahahalagang ari-arian. Maglakip ng liham na nagsasabing ang salapi o iba pang bagay ay isang donasyon na walang kondisyon.

KAAYUSAN SA KONDISYONAL NA DONASYON

  • Donasyong salapi na may kalakip na kondisyon.

  • Maglakip ng liham na nagsasabing ang donasyon ay ibabalik sa nagbigay sakaling kailanganin niya ito.

MGA PLANO SA PAGKAKAWANGGAWA

Bukod sa tuwirang mga kaloob na salapi at mahahalagang ari-arian, may iba pang mga paraan ng pagbibigay para masuportahan ang gawaing pang-Kaharian sa buong daigdig. Nakatala sa ibaba ang mga ito. Pakisuyong makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay na naglilingkod sa inyong bansa para malaman kung anong pamamaraan ang puwedeng gamitin. Yamang magkakaiba ang legal na mga kahilingan at batas sa buwis ng bawat bansa, mahalagang kumonsulta muna sa abogado at tagapayo sa buwis.

Insurance: Maaaring gawing benepisyaryo ng isang life insurance policy o ng isang retirement/pension plan ang isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova.

Deposito sa Bangko: Mga deposito sa bangko, sertipiko ng deposito, o deposito sa pagreretiro na ipinangalan o ibibigay sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova kapag namatay ang isa. Sundin ang mga kahilingan ng bangko sa inyong lugar.

Stock at Bond: Mga stock at bond na iniabuloy sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng tuwirang pagkakaloob o sa pamamagitan ng nasusulat na kasunduan na ililipat ang mga ito kapag namatay ang nag-abuloy.

Lupa’t Bahay: Maibebentang lupa’t bahay na ibinigay bilang donasyon sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng tuwirang pagkakaloob. Kung nakatira pa roon ang nagkaloob, puwedeng magkaroon ng kasunduan na maninirahan siya roon hangga’t nabubuhay siya.

Gift Annuity: Mga stock, bond, o salapi na inilipat sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova. Kapalit nito, ang nagkaloob ay tatanggap ng espesipikong annuity payment bawat taon habang siya’y nabubuhay. Ang nagkaloob ay makakakuha ng diskuwento sa buwis sa taon kung kailan isinaayos ang gift annuity.

Testamento at Trust: Ang mga ari-arian o salapi ay maaaring ipamana sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng isang legal na testamento o pagpapangalan sa korporasyong iyon bilang benepisyaryo ng isang trust agreement. Sa kaayusang ito, maaaring mabawasan ang ilang bayarin sa buwis.

Gaya ng ipinahihiwatig ng pananalitang “mga plano sa pagkakawanggawa,” ang ganitong uri ng mga donasyon ay karaniwan nang nangangailangan ng pagpaplano ng nagkakaloob. Para matulungan ang mga gustong sumuporta sa pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng pagkakawanggawa, isang brosyur na pinamagatang Charitable Planning to Benefit Kingdom Service Worldwide ang inihanda sa wikang Ingles at Kastila. Ang brosyur ay naglalaan ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagkakaloob, ito man ay ibibigay na ngayon o sa hinaharap, halimbawa ay kapag namatay ang nagbigay ng donasyon. Baka may mga impormasyon sa brosyur na ito na hindi kapit sa sitwasyon mo dahil sa mga batas sa buwis o iba pang batas sa inyong bansa. Kaya matapos basahin ang brosyur, kumonsulta sa iyong abogado o tagapayo sa buwis. Sa pamamagitan ng mga paraang ito ng pag-aabuloy, marami ang tumulong sa pagsuporta sa ating relihiyosong mga gawain at pagkakawanggawa sa buong daigdig at nakakuha ng malaking diskuwento sa buwis. Kung available ang brosyur na ito sa inyong bansa, maaari kang humiling ng kopya sa kalihim ng inyong kongregasyon.

Para sa higit pang impormasyon, maaari kang makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share