Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w16 Nobyembre p. 19-20
  • “Ang Gawain ay Malaki”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Ang Gawain ay Malaki”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Kaparehong Materyal
  • Magpakita ng Pagpapahalaga sa Pagkabukas-Palad ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Pinagpapala ni Jehova ang mga Nagkukusa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Pinunan ng Kanilang Labis ang Kakulangan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Kung Paano Tayo Makakatulong sa mga Nangangailangan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
w16 Nobyembre p. 19-20
Ipinakikita ni Haring David ang arkitektural na plano ng templo; tinitingnan ng isang brother ang mga plano sa konstruksiyon

“Ang Gawain ay Malaki”

MAY isang napakahalagang pagtitipon sa Jerusalem. Ipinatawag ni Haring David ang lahat ng prinsipe, opisyal ng korte, at makapangyarihang mga lalaki. Nanabik sila nang marinig nila ang isang espesyal na patalastas. Inatasan ni Jehova ang anak ni David na si Solomon na magtayo ng isang pambihirang istraktura na gagamitin sa pagsamba sa tunay na Diyos. Tinanggap ng may-edad nang hari ng Israel ang arkitektural na plano mula sa Diyos at ibinigay ito kay Solomon. “Ang gawain ay malaki,” ang sabi ni David, “sapagkat ang [templo] ay hindi para sa tao, kundi para sa Diyos na Jehova.”—1 Cro. 28:1, 2, 6, 11, 12; 29:1.

Nagtanong si David: “Sino ang nagkukusang-loob na punuin ang kaniyang kamay ngayon ng isang kaloob para kay Jehova?” (1 Cro. 29:5) Kung naroon ka, paano ka tutugon? Susuportahan mo ba ang napakalaking gawaing iyon? Agad na kumilos ang mga Israelita. Sa katunayan, “nagsaya [sila] sa kanilang paghahandog nang kusang-loob, sapagkat naghandog sila nang kusang-loob kay Jehova taglay ang sakdal na puso.”—1 Cro. 29:9.

Pagkaraan ng mga siglo, may itinatag si Jehova na nakahihigit sa templo—ang dakilang espirituwal na templo. Ito ang kaayusan para makalapit at makasamba ang mga tao sa Diyos salig sa hain ni Jesus. (Heb. 9:11, 12) Paano tinutulungan ni Jehova ang mga tao na makipagkasundo sa Kaniya ngayon? Sa pamamagitan ng ating gawain na paggawa ng mga alagad. (Mat. 28:19, 20) Dahil diyan, bawat taon, milyon-milyong pag-aaral sa Bibliya ang idinaraos, libo-libong alagad ang nababautismuhan, at daan-daang bagong kongregasyon ang naitatatag.

Dahil diyan, lumaki ang pangangailangan sa pag-iimprenta ng literatura sa Bibliya, pagtatayo at pagmamantini ng mga Kingdom Hall, at pagkakaroon ng mga lugar na gagamitin sa mga asamblea at kombensiyon. Sang-ayon ka ba na ang ating pagbabahagi ng mabuting balita ay isang malaki at kasiya-siyang gawain?—Mat. 24:14.

Pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa at ang pagkaapurahan ng gawaing pangangaral ng Kaharian ang nag-uudyok sa bayan ng Diyos na magbigay ng “isang kaloob para kay Jehova” sa pamamagitan ng kusang-loob na mga donasyon. Napakasaya ngang “parangalan . . . si Jehova ng [ating] mahahalagang pag-aari” at makita na ginagamit ito sa tapat at matalinong paraan para sa pinakamalaking gawain sa kasaysayan ng tao!—Kaw. 3:9.

Kung Paano Nagbibigay ng Kontribusyon sa Pambuong-daigdig na Gawain ang Ilan

Marami sa ngayon ang ‘nagbubukod’ ng perang ihuhulog sa kahon ng kontribusyon na may markang “Worldwide Work.” (1 Cor. 16:2) Bawat buwan, ipinadadala ng mga kongregasyon ang kontribusyong ito sa tanggapan ng mga Saksi ni Jehova na naglilingkod sa kani-kanilang bansa. Puwede ka ring tuwirang magpadala ng donasyon sa legal na korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa inyong bansa. Para malaman ang pangalan ng pangunahing legal na korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa inyong bansa, pakisuyong makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay. Makikita sa www.jw.org/tl ang adres. Narito ang mga donasyon na puwede mong tuwirang ipadala:

DONASYON NA WALANG KONDISYON

  • Mga donasyon sa pamamagitan ng electronic bank transfer, debit card, credit card, o mobile money transfer. Sa ilang sangay, posible ring gawin ito gamit ang jw.org o iba pang itinalagang website.

  • Donasyong salapi, alahas, o iba pang mahahalagang ari-arian. Maglakip ng liham na nagsasabing ang salapi o iba pang bagay ay isang donasyon na walang kondisyon.

KAAYUSAN SA KONDISYONAL NA DONASYON

  • Donasyong salapi na may kalakip na kondisyon.

  • Maglakip ng liham na nagsasabing ang donasyon ay ibabalik sa nagbigay sakaling kailanganin niya ito.

MGA PLANO SA PAGKAKAWANGGAWA

Bukod sa tuwirang mga kaloob na salapi at mahahalagang ari-arian, may iba pang mga paraan ng pagbibigay para masuportahan ang gawaing pang-Kaharian sa buong daigdig. Nakatala sa ibaba ang mga ito. Pakisuyong makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay na naglilingkod sa inyong bansa para malaman kung anong pamamaraan ang puwedeng gamitin. Yamang magkakaiba ang legal na mga kahilingan at batas sa buwis ng bawat bansa, mahalagang kumonsulta muna sa abogado at tagapayo sa buwis.

Insurance: Maaaring gawing benepisyaryo ng isang life insurance policy o ng isang retirement/pension plan ang isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova.

Deposito sa Bangko: Mga deposito sa bangko, sertipiko ng deposito, o deposito sa pagreretiro na ipinangalan o ibibigay sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova kapag namatay ang isa. Sundin ang mga kahilingan ng bangko sa inyong lugar.

Stock at Bond: Mga stock at bond na iniabuloy sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng tuwirang pagkakaloob o sa pamamagitan ng nasusulat na kasunduan na ililipat ang mga ito kapag namatay ang nag-abuloy.

Lupa’t Bahay: Maibebentang lupa’t bahay na ibinigay bilang donasyon sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng tuwirang pagkakaloob. Kung nakatira pa roon ang nagkaloob, puwedeng magkaroon ng kasunduan na maninirahan siya roon hangga’t nabubuhay siya.

Gift Annuity: Mga stock, bond, o salapi na inilipat sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova. Kapalit nito, ang nagkaloob ay tatanggap ng espesipikong annuity payment bawat taon habang siya’y nabubuhay. Ang nagkaloob ay makakakuha ng diskuwento sa buwis sa taon kung kailan isinaayos ang gift annuity.

Testamento at Trust: Ang mga ari-arian o salapi ay maaaring ipamana sa isang korporasyong ginagamit ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng isang legal na testamento o pagpapangalan sa korporasyong iyon bilang benepisyaryo ng isang trust agreement. Sa kaayusang ito, maaaring mabawasan ang ilang bayarin sa buwis.

Gaya ng ipinahihiwatig ng pananalitang “mga plano sa pagkakawanggawa,” ang ganitong uri ng mga donasyon ay karaniwan nang nangangailangan ng pagpaplano ng nagkakaloob. Para matulungan ang mga gustong sumuporta sa pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng pagkakawanggawa, isang brosyur na pinamagatang Charitable Planning to Benefit Kingdom Service Worldwide ang inihanda. Ang brosyur, na available sa wikang Ingles at Kastila, ay naglalaan ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagkakaloob, ito man ay ibibigay na ngayon o sa hinaharap, halimbawa ay kapag namatay ang nagbigay ng donasyon. Baka may mga impormasyon sa brosyur na ito na hindi kapit sa sitwasyon mo dahil sa mga batas sa buwis o iba pang batas sa inyong bansa. Sa pamamagitan ng mga paraang ito ng pag-aabuloy, marami ang tumulong sa pagsuporta sa ating relihiyosong mga gawain at pagkakawanggawa sa buong daigdig at nakakuha ng malaking diskuwento sa buwis. Kung available ang brosyur na ito sa inyong bansa, maaari kang humiling ng kopya sa kalihim ng inyong kongregasyon.

Para sa higit pang impormasyon, i-click ang link na “Donasyon Para sa Aming Pambuong-Daigdig na Gawain” sa ibabang bahagi ng home page sa jw.org, o makipag-ugnayan sa tanggapang pansangay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share