Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 12/1 p. 3
  • Bakit Magandang Maunawaan ang Bibliya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Magandang Maunawaan ang Bibliya?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Isang Aklat na Puwedeng Maunawaan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Pagtulong sa mga Hindi Pa Handa sa Aklat na Itinuturo ng Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Tamang mga Turo na Nakalulugod sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 12/1 p. 3

TAMPOK NA PAKSA | PUWEDE MONG MAUNAWAAN ANG BIBLIYA

Bakit Magandang Maunawaan ang Bibliya?

“Ang Bibliya ay isang kilaláng aklat tungkol sa relihiyon. Pero isa itong banyagang aklat na walang kaugnayan sa aming mga Tsino.”—LIN, CHINA.

“Hindi ko nga maintindihan ang banal na mga aklat naming mga Hindu, gaano pa kaya ang Banal na Bibliya?”—AMIT, INDIA.

“Iginagalang ko ang Bibliya bilang isang matandang aklat, at pinakamabiling aklat daw ito. Pero hindi pa ako nakakita nito.”—YUMIKO, JAPAN.

Lubhang iginagalang ng maraming tao sa buong mundo ang Bibliya. Pero baka kakaunti lang, kung mayroon man, ang alam nila tungkol sa nilalaman nito. Totoo ito sa milyon-milyong nakatira sa Asia, ngunit totoo rin ito sa maraming tao sa mga bansang malawakang ipinamamahagi ang Bibliya.

Babaeng nagbabasa ng Bibliya

Pero baka maitanong mo, ‘Bakit dapat akong maging interesado na maunawaan ang Bibliya?’ Kapag naunawaan mo ang sinasabi ng banal na aklat na ito, matutulungan ka nito na:

  • Maging kontento at maligaya

  • Maharap ang mga problema sa pamilya

  • Mapagtagumpayan ang mga kabalisahan

  • Mapaganda ang kaugnayan sa iba

  • Maging matalino sa paggamit ng pera

Kuning halimbawa ang babaeng si Yoshiko, na taga-Japan. Nagtataka siya kung ano ang nilalaman ng Bibliya, kaya ipinasiya niyang basahin ito. Ang resulta? “Dahil sa Bibliya, may layunin na ang buhay ko at nagkaroon ako ng pag-asa sa hinaharap,” ang sabi niya. “May kabuluhan na ang buhay ko,” dagdag pa niya. Ang lalaking si Amit, na binanggit kanina, ay nagdesisyon ding suriin ang Bibliya. “Namangha ako,” ang sabi niya. “Ang Bibliya ay naglalaman ng praktikal na impormasyon para sa lahat.”

Ang Bibliya ay nakatulong nang malaki sa buhay ng milyon-milyon. Bakit hindi mo subukang suriin ito at tingnan kung ano ang maitutulong nito sa iyo?

Isang Kasiya-siyang Buhay—Kung Paano Ito Matatamo

Para sa higit pang impormasyon kung paano ka matutulungan ng Bibliya, tingnan ang brosyur na Isang Kasiya-siyang Buhay—Kung Paano Ito Matatamo, na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share