Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp17 Blg. 3 p. 3
  • Ikaw at ang Apat na Mangangabayo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ikaw at ang Apat na Mangangabayo
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Mahiwagang mga Mangangabayo ng Apocalipsis
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Paglutas sa Hiwaga ng mga Mangangabayo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ang Apat na Mangangabayo—Sino Sila?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Ang mga Mangangabayo ng Apocalipsis—Kung Paano Apektado Ka ng Kanilang Pagsakay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
wp17 Blg. 3 p. 3
Apat na kabayong kumakaripas

TAMPOK NA PAKSA | IKAW AT ANG APAT NA MANGANGABAYO

Ikaw at ang Apat na Mangangabayo

Kumakaripas at dumadagundong ang kanilang mga yabag! Buháy na buháy ang pagkakalarawan ng Bibliya tungkol sa apat na kabayo at sa mga sakay nito! Puti ang unang kabayo—ang sakay nito ay maringal at isang bagong-luklok na hari. Sa likuran nito, humahayo ang kabayong kulay-apoy, at ang sakay nito ay mag-aalis ng kapayapaan sa buong lupa. Itim naman ang ikatlong kabayo at ang sakay nito ay may hawak na timbangan habang ipinahahayag ang masaklap na mensahe tungkol sa kakulangan ng pagkain. Maputla ang ikaapat na kabayo na nagbabadya ng paparating na mga sakit at iba pang nakamamatay na panganib, at ang sakay nito ay may pangalang Kamatayan. Nakabuntot sa kaniya ang Hades, o ang karaniwang libingan ng sangkatauhan, na nangongolekta ng napakaraming kinitil na buhay!—Apocalipsis 6:1-8.

“Nang una kong mabasa ang tungkol sa apat na mangangabayo, kinilabutan ako. Pakiramdam ko, malapit na ang Araw ng Paghuhukom at dahil hindi pa ako handa, hindi ako makaliligtas.”—Crystal.

“Manghang-mangha ako sa apat na pambihirang sakay ng mga kabayong magkakaiba ang kulay. Nang maintindihan ko ang kahulugan ng pangitain, naging malinaw sa akin ang lahat.”—Ed.

Pareho ba kayo ng nadarama ni Crystal tungkol sa apat na mangangabayo ng Apocalipsis? O pareho kayo ni Ed? Anuman ang sagot mo, ang paghayo ng apat na mangangabayo ang isa sa pinakakilalang ulat sa Apocalipsis, ang huling aklat ng Bibliya. Alam mo bang makikinabang ka kapag naunawaan mo ang kahulugan ng pangitaing ito? Paano? Nangangako ang Diyos na magkakaroon ka ng tunay na kaligayahan kung babasahin mo, uunawain, at mamumuhay ka ayon sa makahulang aklat na ito.—Apocalipsis 1:1-3.

May mga natatakot sa pangitain tungkol sa apat na mangangabayo, pero hindi ito isinulat para takutin ka. Ang totoo, ang pangitaing ito ang nagpatibay sa pananampalataya ng milyon-milyon at nagbigay ng pag-asa sa mas magandang kinabukasan. Posibleng ganiyan din ang madama mo! Hinihimok ka naming basahin ang susunod na artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share