Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp18 Blg. 2 p. 3
  • Paghula sa Hinaharap

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paghula sa Hinaharap
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2018
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Bakit Ka Makapagtitiwala sa Hula ng Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Mga Hulang Nagkatotoo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2018
  • Ang Paghahanap ng mga Mapagkakatiwalaang Prediksiyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • May Makapagsasabi ba ng Mangyayari sa Hinaharap?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2018
wp18 Blg. 2 p. 3
Isang weatherman ang nagbibigay ng forecast para sa 7 araw

Paghula sa Hinaharap

Naisip mo na ba kung ano ang magiging kinabukasan mo at ng iyong pamilya? Hatid ba nito ay kayamanan, pag-ibig, o kalungkutan? Mahaba kaya ang buhay mo, o magwawakas ito nang di-inaasahan? Libo-libong taon na iyang pinag-iisipan ng mga tao.

Sa ngayon, pinag-aaralan ng mga eksperto ang mga pangyayari sa mundo para makagawa ng prediksiyon tungkol sa hinaharap. Kahit nagkatotoo ang ilan sa mga ito, marami pa rin ang sumablay. Halimbawa, noong 1912, ganito ang prediksiyon ng imbentor ng wireless telegraph na si Guglielmo Marconi: “Dahil sa pagdating ng wireless era, magiging imposible na ang digmaan.” At isang ahente ng Decca Record Company, na tumanggi sa grupong Beatles noong 1962, ang naniniwala noon na malapit nang malaos ang mga bandang tumutugtog ng gitara.

Marami naman ang umaasa sa mahihiwagang bagay para malaman ang mangyayari sa hinaharap. Ang ilan ay humihingi ng payo sa mga astrologo; hindi mawawala sa mga magasin at diyaryo ang horoscope. May kumokonsulta naman sa mga manghuhula o psychic, na nagsasabing “nababasa” nila ang mangyayari sa hinaharap gamit ang mga tarot card, numero, o guhit ng palad.

Para masulyapan ang mangyayari sa hinaharap, may ilan noon na kumokonsulta sa mga orakulo—mga lalaki o babaeng pari na naghahatid ng impormasyon mula sa diyos na kinakatawanan daw nila. Halimbawa, sinasabing si Haring Croesus ng Lydia ay nagpadala ng mamahaling regalo sa orakulo ng Delphi, sa Gresya, para malaman ang mangyayari kung makikipagdigma siya kay Ciro ng Persia. Sinabi ng orakulo na wawasakin ni Croesus ang isang “makapangyarihang imperyo” kapag nilabanan niya si Ciro. Palibhasa’y tiwalang mananalo siya, lumusob si Croesus, pero ang makapangyarihang imperyo na nawasak ay ang sa kaniya!

Walang silbi ang malabong hula ng orakulo; magmumukhang totoo iyon kahit sino ang manalo sa digmaan. Nagdusa si Croesus dahil sa maling impormasyong iyon. Sa ngayon, kumusta naman ang mga taong umaasa sa sikát na pamamaraan ng panghuhula?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share