Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp19 Blg. 2 p. 10-11
  • Kapag May Malubhang Sakit

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapag May Malubhang Sakit
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • KUNG PAANO ITO HINARAP NG ILAN
  • Malubhang Sakit—Isang Pampamilyang Bagay
    Gumising!—2000
  • Matagumpay na Pamumuhay Taglay ang Iyong Karamdaman—Paano?
    Gumising!—2001
  • Kung Paano Hinaharap ng mga Pamilya ang Malubhang Sakit
    Gumising!—2000
  • Bakit Kailangang Magkasakit Ako Nang Malubha?
    Gumising!—1997
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
wp19 Blg. 2 p. 10-11

Kapag May Malubhang Sakit

“Nang malaman kong may lung at colon cancer ako, para akong nakatanggap ng death sentence. Pero pag-uwi ko, naisip ko, ‘OK, hindi ito ang inaasahan ko, pero kailangan ko itong tiisin.’”—Linda, edad 71.

“Mayroon akong matinding sakit na nakakaapekto sa mga nerve sa kaliwa ng mukha ko. Kung minsan, sa sobrang sakit, nadedepres ako. Maraming beses kong naramdaman na nag-iisa ako at naisip ko pa ngang magpakamatay.”—Elise, edad 49.

Isang may-sakit na naka-wheelchair ang sinasamahan ng kaniyang mga mahal sa buhay

KAPAG ikaw o isang kapamilya ay na-diagnose na may nakamamatay na sakit, alam mong nakakadepres ito. Maliban sa sakit, kailangan mo ring harapin ang iba’t ibang emosyon. Tumitindi ang takot at pag-aalala dahil sa nakaka-stress na pagpapa-check-up, paghahanap ng tamang panggagamot o gastos para dito, o di-magagandang side effect ng gamot. Nakakapanlumo ang pag-aalalang dulot ng malubhang sakit.

Saan tayo makakakuha ng tulong? Nakita ng marami na ang pinakanakatulong sa kanila ay ang pananalangin sa Diyos at pagbabasa ng nakapagpapatibay na mga teksto sa Bibliya. Makakatulong din ang pagmamahal at suporta ng mga kapamilya at kaibigan.

KUNG PAANO ITO HINARAP NG ILAN

Sinabi ni Robert, na edad 58: “Manampalataya ka sa Diyos at tutulungan ka niyang makayanan ang iyong sakit. Manalangin kay Jehova. Sabihin mo sa kaniya ang niloloob mo. Hingin ang kaniyang banal na espiritu. Hilingin mong palakasin ka niya at maging positibo para sa iyong pamilya, at manatiling kalmado habang tinitiis mo ang iyong sakit.

“Malaking tulong kapag nandiyan ang iyong mga kapamilya para sa iyo. Araw-araw, nakakatanggap ako ng tawag mula sa isa o dalawa sa kanila, at tinatanong nila ako, ‘Kumusta ka?’ Pinapatibay ako ng mga kaibigan ko mula sa iba’t ibang lugar. Talagang napapagaan nila ang pakiramdam ko kaya hindi ako sumusuko.”

Kung isa kang kaibigan na dumadalaw sa isang maysakit, pansinin ang sinabi ni Linda: “Tiyak na gusto ng pasyente na maging normal ang buhay niya hangga’t posible at ayaw niyang laging pinag-uusapan ang sakit niya. Kaya ipakipag-usap ang mga karaniwan ninyong pinag-uusapan.”

Sa tulong ng Diyos at ng Bibliya, pati na ng pag-alalay ng mapagmahal na mga kapamilya at kaibigan, makakatiyak ka na sa kabila ng malubhang sakit, may saysay pa rin ang buhay mo.

Mga Tekstong Makakatulong sa Iyo

Umasa sa Diyos.

“Nagtanong ako kay Jehova, at sinagot niya ako. Iniligtas niya ako sa lahat ng kinatatakutan ko. Ang kaawa-awa ay tumawag, at dininig siya ni Jehova.”—Awit 34:4, 6.

Si Linda, na nabanggit kanina, ay nagsabi: “Kahit kailan hindi ko hiniling sa panalangin, ‘Sana po gumaling ako.’ Pero ipinapanalangin ko, ‘Palakasin n’yo ako at tulungang matiis ang sakit ko.’”

Basahin ang Bibliya para mapalakas ka.

“Walang . . . magsasabi: ‘May sakit ako.’”—Isaias 33:24.

Bulay-bulayin ang mga pangako ng Diyos sa hinaharap para mapalakas ka at makapagtiis.

Magpatulong sa mga kapamilya at kaibigan.

“Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon at isang kapatid na maaasahan kapag may problema.”—Kawikaan 17:17.

“Huwag mong ihiwalay ang iyong sarili,” ang payo ni Elise, na nabanggit kanina. “Magpatulong ka sa mga kaibigan mo. Baka may mga panahon na iniisip mong nag-iisa ka at hindi nakikinig sa iyo ang Diyos, pero huwag mong ibukod ang sarili mo.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share