Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp19 Blg. 2 p. 8-9
  • Kapag Nagtaksil ang Asawa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kapag Nagtaksil ang Asawa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MGA TEKSTONG MAKAKATULONG SA IYO
  • Paglaban sa mga Balakid sa Pamamagitan ng Pagtatakda ng mga Tunguhin
    Gumising!—2001
  • Tulong sa Mahihirap na Panahon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Posible Pa Kayang Magkabalikan?
    Gumising!—1999
  • Hindi Ako Nagkamali sa Pinili Kong Karera
    Gumising!—2007
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2019
wp19 Blg. 2 p. 8-9
Babaeng nananalangin

Kapag Nagtaksil ang Asawa

“Gusto ko nang mamatay nang sabihin ng mister ko na iiwan na niya ako at ipagpapalit sa mas bata sa akin. Napaka-unfair n’on, lalo na kapag naiisip ko ang mga sakripisyo ko para sa kaniya.”—Maria, Spain.

“Nang bigla akong iwan ng misis ko, para akong namatay. Nasira lahat ng pangarap at plano namin. May mga araw na akala ko okey na ako. Pero nadedepres pa rin ako.”—Bill, Spain.

TALAGANG nakapanlulumo ang mapagtaksilan ng asawa. Totoo, napapatawad ng ilan ang asawa nila na nagtaksil, at nakakapagsimula silang muli.a Pero kahit hindi sila naghiwalay, napakasakit pa rin nito para sa pinagtaksilang asawa. Paano niya makakayanan ang sakit na iyon?

MGA TEKSTONG MAKAKATULONG SA IYO

Sa kabila ng matinding kirot, maraming biktima ng kataksilan ang natulungan ng Bibliya. Nalaman nila na nakikita ng Diyos ang kanilang mga luha at nakikisimpatiya siya sa kanila.—Malakias 2:13-16.

“Noong maraming gumugulo sa isip ko, pinayapa mo ang kalooban ko at pinaginhawa mo ako.”—Awit 94:19.

“Habang binabasa ko ang tekstong iyan, para akong hinahaplos ni Jehova at pinapawi niya ang aking kirot, gaya ng isang maawaing Ama,” ang sabi ni Bill.

“Magiging tapat ka sa mga tapat.”—Awit 18:25.

“Hindi naging tapat ang asawa ko,” ang sabi ni Carmen, na ilang buwan na palang pinagtataksilan ng mister niya. “Pero nagtitiwala ako na tapat si Jehova. Hindi niya ako bibiguin.”

“Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay; sa halip, ipaalám ninyo sa Diyos ang lahat ng pakiusap ninyo sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo . . . ; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ang magbabantay sa inyong puso.”—Filipos 4:6, 7.

“Paulit-ulit kong binasa ang tekstong iyan,” ang sabi ni Sasha. “Nanalangin ako nang nanalangin at binigyan ako ng Diyos ng kapayapaan ng isip.”

May panahong gusto nang sumuko ng mga indibidwal na nabanggit. Pero nagtiwala sila sa Diyos na Jehova at napalakas ng kaniyang Salita. Ganito ang sinabi ni Bill: “Kahit parang gumuho ang mundo ko, nagkaroon uli ng kabuluhan ang buhay ko dahil sa aking pananampalataya. Noong lumalakad ako ‘sa napakadilim na lambak,’ kasama ko ang Diyos.”—Awit 23:4.

a Tinatalakay sa artikulong “Kapag Nagtataksil ang Isang Kabiyak” sa Gumising! ng Abril 22, 1999, kung dapat patawarin ang nagkasalang asawa.

Kung Paano Ito Hinarap ng Ilan

Bulay-bulayin ang nakakapagpatibay na mga teksto.

“Binasa ko ang aklat ng Job at pagkatapos, ang Mga Awit,” ang sabi ni Bill. “Ginuguhitan ko ang mga tekstong bagay sa sitwasyon ko. Nakita ko na nadama rin ng mga manunulat na ito ng Bibliya ang kirot at kabalisahang pinagdaraanan ko.”

Makakatulong ang musika.

“Kapag ’di ako makatulog sa gabi, nakikinig ako ng musika,” naalaala pa ni Carmen. “Talagang nakatulong ito sa akin.” Sinabi naman ni Daniel: “Natuto akong maggitara, at nakatulong sa akin ang musika para maibalik ang kapayapaan ng isip ko.”

Ipakipag-usap ang iyong nadarama.

“Hindi ako sanay na ipakipag-usap ang nadarama ko,” ang sabi ni Daniel. “Pero mababait ang mga kaibigan ko at kinakausap ko sila araw-araw. Sinasabi ko sa kanila ang niloloob ko, sa sulat man o harapan. Talagang nakatulong iyon.” Sinabi naman ni Sasha: “Napakahalaga ng tulong ng mga kapamilya ko. Kung kailangan ko ng kausap, laging handang makinig sa akin si Nanay. Ipinadama rin sa akin ni Tatay na mahal niya ako at na wala akong dapat ipag-alala. Tinulungan niya akong maka-recover at hindi minadali.”

Laging manalangin.

“Lagi akong nananalangin,” ang sabi ni Carmen. “Damang-dama ko na nandiyan ang Diyos—nakikinig sa akin, at tinutulungan ako. Sa napakahirap na panahong iyon, lalo akong napalapít sa kaniya.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share