Pakikinabang Nang Lubusan sa Memoryal
1 “Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin.” (Luk. 22:19) Ang utos na ito ay patuloy pa ring tinutupad nang may katapatan sa anibersaryong petsa ng Nisan 14 pagkatapos ng 1,900 taon. Sa 1985, ang petsa para sa Memoryal ay Huwebes, Abril 4, pagkatapos lumubog ang araw.
2 Ang pagdiriwang sa Memoryal ay may napakalaking kahulugan para sa mga Saksi ni Jehova. Maging uring pinahiran o “lubhang karamihan” na inihula sa Apocalipsis 7:9, tayong lahat ay gagawa ng malaking pagsisikap na anyayahan ang iba pa na dumalo ukol sa pagdiriwang. lyan ang dahilan kung bakit nang nakaraang taon ay may 236,999 ang dumalo ng Memoryal sa Pilipinas. Ano ang magagawa natin upang makatiyak ng gayundin o higit pang pagtugon sa 1985?
MGA BAGAY NA GAGAWIN
3 Ngayon na ang panahon upang mamahagi ng mga paanyaya sa Memoryal sa ating mga estudiyante sa Bibliya at sa mga nagpapakita ng interes sa katotohanan. Maaaring kakailanganin na tulungan ang ilan na gumawa ng kaayusan upang makadalo. Tiyaking nalalaman nila ang oras at dako para sa pagdiriwang, yamang hindi ito ipinakikita sa paanyaya. Nanaisin ninyong gamitin ang inyong regular na handbill ng kongregasyon kasama ng paanyaya sa Memoryal.
4 Makabubuting ipaliwanag sa mga baguhan kung ano ang nangyayari sa pagdiriwang ng Memoryal. Ipaliwanag kung bakit ito itinatag, sino ang nakikibahagi sa mga sagisag at bakit tinapay na walang lebadura at pulang alak ang ginagamit. Ipaliwanag ang pag-asa ng mga nakikibahagi bilang pagkakaiba doon sa mga nagmamasid lamang.
6 Ang ilan sa kongregasyon ay maaaring magkaroon ng bahagi sa pagtiyak na ang Kingdom Hall ay masinop at malinis, at maayos ang upuan. Nanaising tiyakin ng mga matatanda na may magagamit na tinapay na walang lebadura, pulang alak at mga kinakailangang kagamitan, at na ang mga attendants at tagapagsilbi ay inatasan at binigyan ng tagubilin para sa okasyon. Isang may kakayahang matanda ang aatasan upang magbigay ng pahayag sa Memoryal.
6 Nanaisin din ng mga matatanda na tiyaking nasusunod ang eskedyul sa oras, lalo na kung higit pa sa isang kongregasyon ang gagamit ng gayunding bulwagan. Bilang indibiduwal at mga grupo ng pamilya, lahat ay makikinabang mula sa piniling pagbasa sa Bibliya sa mga araw bago ang Memoryal. Ang isang balangkas para sa ganitong pagbasa sa Bibliya ay isinaayos dito. Ang atin nawang paggawi at interes sa pantanging okasyong ito ay magpakita sa lahat na ating ipinagdiriwang ang Memoryal “sa pag-alaala” kay Kristo.
Eskedyul para sa Pagbasa ng Bibliya sa Linggo ng Memoryal
Sabado, Marso 30 (Nisan 9) Lukas 19:28-44
Linggo, Marso 31 (Nisan 10) Lukas 19:45-48; Mat. 21:12-19
Lunes, Abril 1 (Nisan 11) Lukas 20:1-26
Martes, Abril 2 (Nisan 12) Lukas 22:1-6; Juan 12:2-8
Miyerkules, Abril 3 (Nisan 13) Lukas 22:7-13; Marcos 14:12-16 Huwebes, Abril 4 (Nisan 14) Lukas 22:14-38