Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/88 p. 1-3
  • Paghahanda Para sa Isang Pantanging Okasyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paghahanda Para sa Isang Pantanging Okasyon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ANG PAGHAHANDA AY KAILANGAN NG LAHAT
  • ANO ANG MAGAGAWA NG MGA MATATANDA
  • “Patuloy na Gawin Ito sa Pag-alaala sa Akin”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Pakikinabang Nang Lubusan sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • “Patuloy Ninyong Gawin Ito . . . ”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Maging Masigasig sa Mabuti!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
km 3/88 p. 1-3

Paghahanda Para sa Isang Pantanging Okasyon

1 “Laging gawin ito sa pag-alaala sa akin.” (Luc. 22:19) Ang mga pangungusap na ito ay sinalita ni Jesus nang itatag ang Hapunan ng Panginoon. Ang okasyong ito ay wastong ipinagdiriwang taun-taon tuwing Nisan 14. Sa 1988 ang Memoryal ng kamatayan ni Kristo ay pumapatak sa Biyernes, Abril 1. Naroroon ba kayo?

ANG PAGHAHANDA AY KAILANGAN NG LAHAT

2 Ang paghahanda ay kailangan upang matamo natin ang buong kapakinabangan ng pinakabanal na araw na ito. Anong mga plano ang dapat nating isagawa? Una, dapat nating ihanda ang ating kaisipan. Ang isang mainam na pantulong dito ay ang pantanging pagbasa ng Bibliya sa linggo ng Memoryal, gaya ng makikita sa ating kalendaryo at dito sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gumamit ng panahon para magbulaybulay habang kayo ay nagbabasa, sa gayo’y naihahanda ang inyong kaisipan at puso sa pantanging okasyong ito.

3 Magplano upang makarating nang maaga sa Kingdom Hall. Ito ay magpapangyari na masalubong ninyo ang mga baguhan. Nang nakaraang taon ay 294,712 ang dumalo sa Pilipinas, na halos tatlong ulit kaysa bilang ng mga mamamahayag natin. Maaaring tayo ay magkaroon ng higit pa sa taóng ito. Kaya ang pagdating nang maaga at pagsalubong sa mga baguhan o di palagian, ay maaaring magpangyari na mapatibay ninyo silang dumalo nang palagian sa hinaharap.

4 Ang isang pantanging araw ng paglilingkod sa larangan ay dapat na isaplano para sa araw ng Memoryal. Ito ay isang pangilin ng sanlibutan, kaya bakit hindi magplano na NGAYON sa paggamit ng panahon sa ministeryo? Dalawing muli ang mga dating estudiyante sa Bibliya, mga suskritor, at iba pa na maaaring dumalo kung sila’y paaalalahanan ninyo. Kung may nangangailangan ng tulong upang makadalo, gumawa ng kaayusan upang samahan sila.

ANO ANG MAGAGAWA NG MGA MATATANDA

5 Nanaisin ng lupon ng matatanda na bigyan ng patiunang pansin ang maraming detalye. Anu-ano ang mga ito? Pansinin ang talaan sa kahon sa pahina 3.

6 Walang ibang pulong ang nararapat na gawin sa araw ng Memoryal. Anumang pulong na naka-eskedyul sa araw na iyon ay dapat na gawin sa ibang araw ng linggong iyon. Tandaan na bagaman ang pahayag sa Memoryal ay maaaring magsimula nang maaga, ang paglilibot ng mga emblema ay hindi dapat gawin bago lumubog ang araw.

7 Makabubuting gawing alisto ng mga matatanda ang mga kapatid nang patiuna upang lapitan ang mga baguhang dadalo at makipagkilala sa kanila. Kung wala pa silang pag-aaral sa Bibliya, kaypala’y maaari silang alukin nito. Tiyaking kunin ang kanilang pangalan at direksiyon upang masubaybayan ang interes pagkatapos ng Memoryal.

8 Ang Memoryal ay isang pantanging okasyon para sa ating lahat. Panahon ito upang alalahanin ang pag-ibig ni Jehova sa pamamagitan ng pagsusugo sa kaniyang Anak bilang pantubos, na nagbibigay sa atin ng pagkakataon na magkaroon ng isang matuwid na katayuan sa harapan ni Jehova. Hindi natin nanaising ang anumang gawain ay umagaw sa banal na okasyong ito maging bago o pagkatapos ng Memoryal.

[Kahon sa pahina 3]

Mga Bagay na Ihahanda

(Tingnan ang w85 2/15 p. 19; 8/15/85 sa Tagalog)

1. Nasabi na ba sa tagapagsalita ang eksaktong oras at lugar ng pagdiriwang? Mayroon ba siyang masasakyan?

2. Sino ang maghahanda ng mga emblema?

3. May kaayusan na ba para sa magdadala ng isang malinis na mantel at mga kakailanganing baso at pinggan?

4. Anong mga kaayusan ang naisagawa sa paglilinis ng bulwagan?

5. Sino ang makikipag-usap sa mga attendant at tagapagsilbi bago ang Memoryal upang repasuhin ang kanilang tungkulin? Kailan? Ano ang magiging kaayusan upang matiyak na ang tagapakinig, tagapagsalita, at tagapagsilbi ay mabisang napaglilingkuran?

6. Anong mga patalastas ang gagawin tungkol sa oras at dako ng mga pulong bago maglingkod sa larangan sa araw ng Memoryal?

7. Kumpleto ba ang kaayusan upang tulungan ang mga may edad at may kapansanang mga kapatid na lalake at babae? May kaayusan ba upang mapaglingkuran ang sinumang pinahiran na maaaring nasa ospital at hindi makadalo?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share