Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG MARSO 10-16
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita.
15 min: “Ikaw ba ay Maglilingkod Bilang Isang Auxiliary Payunir sa Abril?” Pahayag at pagtalakay sa artikulo sa kongregasyon.
20 min: “Ang Ating Tunguhin sa Abril—80,000 mga Mamamahayag!” Tanong-sagot. Magbigay ng lokal na bilang hinggil sa mga tunguhin sa Abril.
Awit 76 at panalangin.
LINGGO NG MARSO 17-23
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Ilakip ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at ulat ng kuwenta.
20 min: “Pakikinabang Nang Lubusan sa Memoryal.” Tanong-sagot na pagtalakay. Gumawa ng lokal na pagkakapit ng materyal. Magsaayos ng isang maikling pagtatanghal ng mungkahing ibinigay sa parapo 4.
15 min: Kapanayamin ang mga auxiliary payunir at yaong mga nagpaplanong gumawa nito sa Abril. Ilan ang nakibahagi na sa gawaing ito noon? Ano ang nagpakilos sa kanila? Anong personal na kapakinabangan ang kaniyang natanggap? Papaano naisaayos ang mga personal na gawain upang maisagawa ito? Pasiglahin ang iba pa na makisama sa kanila sa Abril.
Awit 181 at panalangin.
LINGGO NG MARSO 24-30
8 min: Lokal na mga patalastas. Balangkasin ang mga kaayusan sa paglilingkod pasimula sa Abril 1 at himukin ang lahat na magpasimula nang maaga sa Abril sa gawaing pangangaral.
25 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Pagsubaybay sa Nasumpungan Nating Interes.” Tanong-sagot. Itanghal sa maikli kung ano ang maaaring sabihin sa mga pagdalaw-muli.
12 min: Pangwakas na mga kaayusan sa Memoryal. Ipaalaala sa lahat ang pagbasa sa Bibliya na magpapasimula sa Marso 30. Anyayahan ang lahat na dumalo. Gumawa ng kaayusang tulungan ang mga may kapansanan, di aktibo o mga baguhan. Ibigay ang pangwakas na mga lokal na tagubilin.
Awit 92 at panalangin.
LINGGO NG MAR. 31—ABR. 6
10 min: Lokal na mga patalastas, lakip na ang pampatibay na makibahagi nang lubusan sa Linggo, Abril 7. Anyayahan ang mga interesado at yaong mga dumalo sa Memoryal sa pantanging pahayag pangmadia sa Abril 14.
20 min: Pahayag sa “Do Not Shrink Back” sa Watchtower ng Oktubre , 1984.
15 min: Pakikipanayam ng tagapangasiwa sa paglilingkod doon sa mga mabisang nakaakay ng interes tungo sa organisasyon. Hayaang ipaliwanag nila kung ano ang kanilang ginawa upang tulungan ang mga estudiyante sa Bibliya na magpasimulang makisama sa kongregasyon. Maaaring gamitin ang mga punto sa artikulong “Direct New Ones to God’s Organization” sa Watchtower ng Nobyembre 1, 1984.
Awit 126 at panalangin.
LINGGO NG ABRIL 7-13
10 min: Lokal na mga patalastas. Balangkasin ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan. Pasiglahin ang lahat na mag-ulat ng paglilingkod sa larangan nang nasa panahon sa Abril 14.
20 min: “Sumagana sa Pag-ibig sa Isa’t Isa.” Pahayag salig sa 1 Tesalonica 3:12, na nagpapakitang dahilan sa mabilis na paglaki ng organisasyon kailangang magmalasakit sa isa’t isa. Maging mapagpatuloy upang makilala nang higit ang isa’t isa. (Roma 12:13) Hanapin ang mga pagkakataon upang tulungan ang mga may edad sa maibiging paraan. Tulungan din ang mga baguhan sa paglilingkod. Papurihan ang mga kapatid sa kanilang ginagawa at pasiglahin silang sumagana sa pag-ibig sa isa’t isa. (Ang material sa Kabanata 17 ng aklat na United in Worship ay maaaring makatulong sa paghahanda ng pahayag na ito.)
15 min: Lokal na kaayusan o pagtalakay ng isang pamilya sa artikulong “Is There Anything I Can Watch on TV?” sa Awake! ng Nobyembre 8, 1984 (Marso 8, 1985 sa Tagalog).
Awit 82 at panalangin.